CHAPTER 18: MY GRANDPARENTS’ HOUSE!

1105 Words
GENESIS 1:22 And God blessed them, saying, Be fruitful, and multiply, and fill the waters in the seas, and let fowl multilply in the earth. SASHA’S POV! ARAW NG SABADO AT NAMALENGKE AKO KASAMA NI KISESSES AT NG MGA BATA. Dala namin ang sasakyang nirentahan namin sa kapit bahay ng tiyohin ko. Marami kasing mga pinaparentahang sasakyan ang mga ito. At mura lang naman ang bigay nila sa ‘min sa pag-renta dahil kakilala naman ng tiyohin ko at kumpare niya naman raw ito. Si Liam at ang mga bata lang kasi ang inaalala ko, dahil ‘di sanay na mag-tricycle o mag-lakad. Ayaw kasi nilang na e-expose sila sa labas. Lalo na itong unica hija ko, ayaw nang naiinitan sa labas. Tatlong araw na ang lumipas nang maisagawa na ang pagpapaayos ng bahay ni Lolo’t Lola. Sa katunayan si Liam nga ang naiwan do’n sa kanila. Talagang tinotoo niyang tumulong kanila tiyo at sa mga pinsan ko, dahil ayaw niyang masabihan ni Tiya Mina ng nagpapalaki ng itlog. “Gusto mo bang ipasyal natin ang mga bata do’n sa Lagoon? Masarap pasyalan do’n tuwing hapon. Isama natin asawa mo.” pauwi na kami nang mag-salita si Kisses. “Sige, sasabihan ko si Liam.” sagot ko sa kaniya habang nagmamaneho. Tumango naman siya at binalik ang tingin sa daan. Ako naman ay sinilip ang dalawa sa likod at nakikita kong busy sila sa panonood sa labas ng bintana ng sasakyan. Si Misha ay nilagyan ko ng carseat na upoan. Dahil tatlong taon pa lamang ito ay ‘di pa siya pweding sumakay nang naka-upo sa mismong upoan ng sasakyan. Baby pa kasi siya… kaya’t kailangan talaga naming sundin ang rules. At isa pa… kahit ‘di siya require ay talaga need naming magpagamit sa kaniya ng ganyan… para iwas disgrasya. Hindi katulad ni Llander na six years old na… at pwedi nang umupo sa mismong upoan ng kotse. Peru may times din na nilalagyan rin siya ng Daddy niya ng carseat. Lalo pa’t hinahatid niya ‘to sa school. Mas sini-secure niya ang kaligtasan ng mga anak niya. No’ng pag-rent namin ng sasakyan talagang sumadya kami agad sa mall para bilhan ng carseat si Misha. At do’n niya ‘ko pinaupo sa likuran kasama ng mga anak niya. Habang walang carseat ang anak niya ay ‘di niya ako papaupoin sa harap. Syempre dahil masunuring asawa tayo, kaya’t lahat ng gusto ng asawa ko ay sinusunod ko, lalo pa’t kaligtasan ng mga anak namin ang nakasalalay rito. Malapit na kami sa bahay at malayo pa lang ay natatanaw ko na ang asawa ko sa labas ng bahay ng Lolo’t Lola. Humahaba naman ang leeg ng mga kapitbahay namin at halos nag-tumpok na ang mga tao sa paligid sa kakatingin sa asawa ko. Halos pinagpyestahan na siya ng mga tao sa palibot. Ang iba naman ay tinatawag pa sina tiya para makiusyoso kong sino ang raw kami. Ang iba kasi ay ‘di na nila ako kilala. At isa pa simula no’ng dumating kami ay ‘di pa ako nakalabas ng bahay. Sobrang busy ko sa paglilinis ng kalat at alikabok para may matulogan kaming maayos habang ‘di pa naayos ang bahay nina Lolo’t Lola. Ayaw ko kasing mag-cause ng allergy ang mga anak ko sa alikabok. Kaya ‘di talaga ako nalabas dahilan nang maraming gawain sa bahay. Ang mga tiya ko na nga ang namalengke para sa ‘min… tapos no’ng pag-uwi namin ay naputuan kami ng kuryente dahil matanggal ng walang tao ang bahay nina Lolo’t Lola. Kaya’t inutusan ko kaagad si Tiya Saring na ipakabit ulit ang kuryente ni Lola. Mabuti na lang no’ng pag-uwi namin ay pina-attached kami ng kapit bahay namin para magkaroon kami ng liwanag. At hindi rin mabubuhay ang mga anak ko sa madilim at mainit na lugar. Kabago bago pa lang kasi namin dito ay hinanapan na ‘ko ni Misha ng aircon. Ba’t daw walang aircon ang bahay ng Lola’t Lolo ko. Kala mo naman ‘di niya rin Lola’t Lola ang tumayong mga magulang ko. Pagkahinto ko ng sasakyan ay pinauna ko nang bumaba ang tatlo. Nakaabang na rin sa pintoan ang asawa ko sa ‘kin. Nang makababa ay agad naman akong inalalayan nito. Napangiti ako sa ka-sweetan ng asawa ko, kahit maraming tao ang nakatingin sa ‘min ay parang wala lang sa kaniya ang ginawa niyang pag-alalay sa ‘kin kahit wala naman akong sakit. Pumunta kami sa likod ng kotse para kunin sa loob nang compartment ang mga dala kaso agad naman nagsi-datingan ang mga pinsan ko at sila na ang nagsipagbuhat ng mga pinamili namin kanina sa palengke. “Kami na ang bahala, Ate Max,” sabi ng pinsan kong si Xyeon. Nginitian ko naman at agad na tumango. No’ng pag-alis ko ay baby pa siya… at halos kakapanganak pa lang sa kaniya ni tiya. Peru ngayon binata at ang sabi pa niya ang marami na raw siyang naging girlfriend. Napailing na lamang ako sa mga kabataan ngayon. Mas inuuna pa ang pag-gi-girlfriend at bo-boyfriend kesa pag-aaral nila. Samantalang sa ‘min dati ay mas priority namin ang pag-aaral kaysa sa pumasok sa walang kwentang bagay. Pumunta kami sa bakuran at tiningala ang bubong ng bahay kung saan nagpopokpok ng pako si Tiyo Oscar gamit ang hawak nitong martilyo. Si Tiyo Felipe at Tiyo Rogelio naman ay gano’n din ang ginagawa at nasa kabilang bahagi ng bahay naman sila… habang ang mga katuwang nilang tatlo ay ang kani-kanilang mga anak. “Let’s get inside, wifey, and take a rest first. Maybe you were tired from the market earlier.” napatingin ako sa asawa ko ng mag-salita ito. “Sige, hubby. Ikaw na muna ang bahala sa kanila Tiyo, matutulog muna ako.” “Sure, baby. Your granparents’ house is almost finished. At the fast your uncles and cousin are working, they might have this house finished in the next few days.” Napatango naman ako sa sinabi ng asawa ko. Hindi na ako nag-salita pa, bagkos ay sang-ayon ako sa sinabi niya. Napanatag naman ang loob ko, dahil napaayos ko na ang bahay ni Lolo’t Lola. Sa tagal ng panahon ay ngayon ko lang ito napaayos dahil kaya ko nang ipaayos ang bahay nila. At isa pa… sa tulong din ng asawa ko. Kapag bumalik na kami ng Manila ay sa mga tiya at mga tito ko muna ihahabilin ang bahay. Para naman may mag-alaga at ma-maintain ang kalinisan. Sasahuran ko na lang sila sa pag-aalaga ng bahay ni Lolo’t Lola. Para mas lalong mapanatag ang loob ko dahil may nag-aalaga ng bahay nila… kahit nasa malayo ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD