GENESIS 1:21 And God created great whales, and every living creature the moveth, which the waters brought forth abudantly, after their kind, and every winged fowl after his kind: and God saw that it was good
SASHA’S POV!
GABI NA NANG SIPAG-UWIAN ANG MGA BISITA NAMIN. Peru bago sila umuwi ay tinulungan pa muna nila akong mag-linis ng bahay ni Lolo’t Lola. Hati hati ang ginawa nilang pag-tulong sa ‘min. Ang iba ay nang halaman sa labas at nagwawalis. Tapos ang iba naman ay tumulonmg dito sa ‘kin sa loob mag-linis para mag-tanggal ng alikabok. Nakapag-luto na rin sila bago nila kami iwang lahat. Tanging si Kisses lang ang ‘di tumulong sa ‘min mag-linis dahil aliw na aliw siya sa mga anak ko.
Ninang kasi siya ng mga bata. Hindi man siya nakapunta ng binyag ng mga anak ko, peru ninang siya ng mga ‘to. Nagkataon kasing may sakit ang Mama niya… kaya’t ‘di siya nakapunta no’ng binyag ni Llander non’ng bata. Tapos itong binyag naman ni Misha ay ‘di rin siya nakapunta dahil ‘di siya pinayagan ng amo niya. Sobrang inis na inis pa siya no’ng mga panahon na ‘yon… dahil ‘di niya man lang nasilayan ang mga anak ko sa persona.
Hindi na nga raw siya naka-attend ng kasal ko no’n na dapat ay bridesmaid siya… dahil namatay ang papa niya, tapos kahit sa mga anak ko man lang daw ay ‘di rin siya nakapunta. Ako naman ay parang gusto rin umuwi ng mga panahon na ‘yong kailangan niya ng kaagapay. Alam kong nandiyan pa ang mama niya sa tabi niya. Peru iba ang kaibigan na dadamayan ka sa lahat ng oras.
Gusto ko pa nga sanang I-reschedule ang kasal namin ng asawa ko dahil naawa ako kay Kisses. Sinabi ko pa sa kaniya no’n na sa susunod na buwan o sa mga sumunod na lang kami magpakasal ni Liam. Peru ‘di natuloy ang sinabi ko dahil binantaan ako ng bruha. Na kapag ‘di raw ako magpapakasal sa nasabing petsa ay ‘di niya na raw ako kikilalaning kaibigan kahit kailan. Tapos may kung ano ano pa siyang sinabing pagbabanta para matuloy lang ang kasal ko.
Kahit alam ko namang malambot ang puso niya at ‘di niya ‘ko matiis ay ginawa ko ang gusto niya. Sinunod ko ang gustong niyang magpakasal kami ng asawa ko. Wala rin sa pamilya ko ang nakapunta no’n… dahil madalian ang ginawang pagpakasal ni Liam sa ‘kin.
Sa kaibigan niyang abogado niya lang kasi kami kinasal no’n. Hindi kami kinasal sa simabahan. Gustong gusto niya na raw ako maging asawa kaya’t sinunod ko ang gusto ng asawa ko.
“I will help them once all the materials are delivered.” Napatingin ako sa asawa ko habang naghahain ng hapunan.
Kunot nuo ko naman siyang tinignan na kala mo kung kaya niyang gumawa ng bahay. E, halos sa opisina nga lang ang trabaho niya tapos lakas ng loob niyang mag-presenta na tumulong sa paggawa ng bahay ni Lolo’t Lola.
“At ano naman ang itutulong mo?” taas kilay kong tanong sa kaniya.
Napakamot naman siya ng ulo at ‘di magawang tignan ako nang deretso. See! Kala niya mga papels pa rin sa opisina niya ang gagawin niya. Baka nga magpako ng pako, baliko pa. Napapailing na lamang ako sa asawa kong ‘to.
“Kahit ano, baby. Nakakahiya namang ‘di ko matulongan sina Tiyo Fidel at Tiyo Doring mo. Baka masabihan rin ako ng mga Tiya mo na nagpapalaki lang din ako ng itlog ko.”
Napahalakhak ako sa kalokohan ng asawa ko. Maging ang mga bata ay natawa rin sa ama nila. Kala mo naman naiintindihan nila kung ano ang sinabi ng Daddy nila.
“What is nagpapalaki itlog, Daddy?” tanong ni Misha sa kaniya.
Mas lalo akong natawa sa sinabi ng anak ko. Naalala ko na naman ang sinabi ni Tiya Mina kanina about sa mga pinsan at mga tiyo ko. Mga walang kamalay kamalay napag-tripan pa ni tiya.
“Quiet, Mish. Just eat.” saway naman ni Llander kay Misha.
“Why? I’m just asking, kuya,” nakanguso namang sagot ni Misha.
Silang dalawa na ang nagbabangayan. Nanonood at nakikinig na lang kaming mag-asawa sa mga pinag-uusapan nila. Ayaw kasi magpatalo ni aling maliit sa kapatid niya. Hindi kasi sila pwedi sa mga gano’ng salita. At itong asawa ko naman… parang wala sa harap niya ang mga anak niya!
Sinamaan ko siyang nang tingin. Kahit kailan talaga ‘di marunong mag-kontrol ng bibig niya! Ayan… tuloy si Llander pa ang sumaway sa kapatid niya kakatanong kung ano ‘yong nagpapalaki ng itlog.
Kainis! Parang ang panganay niya pa ang tatay na sumasaway sa anak. Tapos ‘tong asawa ko naman… na feeling bata ‘di man lang sinaway mga anak niya. Malilintikan talaga ‘to sa ‘kin mamaya! Kala niya!
“Okay, that’s enough! Tama na… ang sama na nang tingin ni Mommy sa ‘kin,” nabaling naman ang tingin ng dalawang bata sa ‘kin.
“Kasi ‘yang bibig mo! Ikaw talaga malilintikan sa ‘kin.” banta ko, sabay irap sa kaniya. “Kumain na tayo! Ubusin n’yu ang nakahain at ‘wag kayong magtira ng pagkain!”
Dali dali naman silang nagsipagsandok ng mga pagkain nila. Si Llander ay tinutulongan si Misha kumuha ng pagkain niya. Hindi pa kasi niya abot ang mesa kaya’t nakapatong pa siya. Pa ‘no ang liit pa kasi… tapos kung magsalita daig pa malaking babae. Daldal!
Ang tahimik ng hapagkainan nang matapos kaming kumain. Ni wala man lang isa sa kanila ang nagsalita. Alam kasi nilang galit na ‘ko… kaya’t ‘di na nila sinubukan pa ang dumadal. Kahit nga siguro paghinga pinipigilan pa para walang ingay. Tanging itong babae ko lang ang kanina pang nakasimangot. Tapos panay pa ang tingin sa ‘kin.
Pina-akyat ko na silang tatlo para makapagpahinga. Iisa kwarto lang muna ang gagamitin naming apat dahil ‘di pa nalinisan ang ibang kwarto. At sobrang kalat pa ng bahay dahil sa tagal ng panahong ‘di nalilinisan. Kaya’t sa kwarto ko muna kami matutulog habang ‘di pa maayos ang bahay.
At saka ko na iintindihin ang asawa ko ‘pag-sumakit ang puson nito. Mukhang ito lang kasi ang ‘di sang-ayon na sa iisang kwarto kaming lahat matutulog. Ang hilig pa naman ng taong ‘to!
Pagkatapos kong magligpit sa kusina ay agad na rin akong umakyat sa kwarto. Hindi pa man ako nakakarating at malapit na sa bungad ng pinto ay rinig ko na ang tawanan ng tatlo. Pagbukas ko ng pinto ay unang bumungad sa ‘kin ang asawa kong binat na binat ang mkha dahil sa kakatawa. Sumunod ko ring iginala ang paningin sa dalawang anak niya at gano’n rin ang reaksyon ng mga ito katulad niya.
Napakunot nuo ako nang tuluyan na akong pumasok sa loob. At halos himatayin ako ng makita kong nasa lapag lahat ng mga picture album ko. Mabilis ko itong nilapitan at kinuha mula sa sahig para iligpit ang mga ito. Sorang nakakahiya dahil nakita pa ng mga anak ko kung gaano ako ka dungis no’ng bata.
Meron pa nga akong picture no’ng bata ako na sabog ang buhok dahil kakagising ko lang. At kinuhanan ako ni Lola ng picture para daw paglaki ko ay ipapakita niya sa ‘kin. At meron din mukha akong batang binayaan dahil nag-swimming ako sa putikan ng palay no’ng time na dinala nila ako sa Hacienda Lopez. Halos lahat ng mga ‘di kaaya-ayang tignan no’ng kabataan ko ay ‘yun ang pinagkukuha ng Lola ko sa ‘kin. Para bang mas nag-e-enjoy siya no’ng mga panahon na ‘yon sa pagkuha sa ‘kin ng picture.
Kaya’t nong makita ko no’ng dalaga na ‘kon ay halos itapon ko ‘yong mga pictures ko. Kaso nakita ni Lola kaya kinuha niya sa ‘kin at siya na mismo ang nagtago.
Ang ‘di ko lang alam ay dito niya sa kwarto ko itinago. O, baka naman tinago niya ito… at no’ng malapit na siyang kinuha sa ‘kin ay binalik niya ulit ang mga ito sa kwarto ko.
“Mommy, sorry, I won’t laugh at you again. Please don’t cry,” umiiyak na sabi ni Misha.
Napahawak naman ako sa pisngi ko at meron ngang luha ang mukha ko. Hindi ko alam na may tumakas na luha sa mga mata ko. Napatingin ako sa mga anak ko nang mas lalong lumakas ang iyak ni Misha.
Ang asawa ko naman ay mabilis akong nilapitan at kinabig paharap sa kaniya. “Wifey,” tawag nito na sa ‘kin na may kasamag pag-alala sa mukha.
“Yeah… Mommy, I’m sorry too,” pasingot-singot namang segunda ni Llander.
Napapailing naman ako sa mga tinuran nila. Parang nahulog pa tuloy sa kasalanan nila ang pag-iyak ko. “I’m fine, baby. Mommy’s okay… na miss lang ni Mommy si Lolo’t Lola,” ngiti kong sabi sa kanila.