CHAPTER 16: I’LL DO WHATEVER YOU WANT!

1387 Words
GENESIS 1:20 And God said, Let the waters bring forth abudantly the moving creature that hath life, and fowl that may fly above the earth in the open firmament of heaven. SASHA’S POV! “Mommy, is this where you grew up?” Binalingan ko nang tingin si Misha ng mag-tanong ito habang buhat ng Daddy niya. Silang tatlo ay nag-aabang ng isasagot ko sa tanong ni Misha sa ‘kin. Agad ko naman silang nginitian at tumango bilang sagot ko habang binubuksan ang gate ng aming dating bahay. “Yes, baby,” sagot ko sabay kurot sa kaniya. Kakarating lang namin galing airport, at ilang minuto lang ang babyahiin papunta rito sa lumang bahay ng Lolo’t Lola ko. Wala namang traffic kaya’t mabilis lang naming nakarating ang bahay nina Lola. At isa pa… ‘di naman ito Manila para magkaroon ng traffic. Although syudad naman ito… peru kunti lang ang mga tao rito. ‘Di katulad sa Manila na ang daming pampasaherong jeep at mga private na sasakyan. Plus pa ‘yong magusali na lugar. Samo’t saring mga tao ang makikita mo sa Lungsod ng Maynila. Sa tagal kong nakauwi ay mas lalong gumada ang lugar ng Bacolod. Kung dati ay ang kukunti ng mga pamilihan at pasyalan… ngayon naman ay iba na. Sobrang daming kainan… pati galaan. Nakakamiss ang lugar na ito. Parang ang sarap ulit bumalik rito at dito na tumira. Malapit pa ako kanila Lola. Kaso ‘di naman pu-pwedi dahil nasa Maynila ang trabaho ni Liam. Kaya’t kung nasa’n siya… dapat nando’n din kami ng mga anak niya. Pagbukas ko ng bahay ay agad kong nakita ang luma naming sala. Puno ng alikabok ito at butas butas na ang sapin na nakatakip sa lumang naming upoan. Naalala ko pa noon na dito ako naglalaro kasama ang best friend ko habang hinihintay sina Lolo’t Lola galing hacienda. Tinanggal ko ang telang nakatakip sa upoan at nilagay sa tabi. Pinagpag ko muna ito… pagkatapos ay pinaupo ko si Llander at Misha. Si Liam naman ay tinulungan akong tanggalin lahat ng mga takip sa mga lumang gamit namin. Tumingala ako sa kisame at nakita kong marami nang sira ang bubungan namin. Ginala ko ang paningin sa palibot ng sala nang makita kong maraming butas ang dingding namin. Hindi naman kasi sementado ang buong bahay nila Lola. Kundi naka-kalahating semento ang apakan at kalahati naman ay hardiflex. Kauri din siya ng plywood peru mas matibay lang siya sa plywood. At hindi basta basta masisira. Nag-simula na akong mag-linis ng bahay. Ang asawa ko naman ay tumulong din sa ‘kin para mabilis kaming matapos. Sinabihan pa niya ako na magpapapunta daw siya ng mga tao rito para ipaayos ang sira sirang ding ding pati na ang bubong. Tumango naman ako sa kaniya at ‘di na kumontra pa… dahil kailangan talaga naming ipaayos ang bahay ni Lolo’t Lola dahil dito kami titira pansamantala. Habang naglilinis kaming mag-asawa ay may narinig kaming pagkatok sa labas ng pinto. Si Llander sana ang magbubukas kaso sinabihan ko itong maupo na lang at ako na ang magbubukas ng pinto. Sinunod naman ako ng anak ko at bumalik ng upo sa tabi ng kapatid nito. Panay pa rin ang pagkatok ng tao sa labas at parang naiinip nang ‘di napag-buksan ng mabilis. “Dali lang… ara na,” (dali lang…) Na ang ibig sabihin ay sandali lang. Ang (ara na) ibig sabihin ay nandiyan na. Pagbukas ko ng pinto ay nagkagulatan kami ng tao sa labas. Napangiti ako nang makita ko ito, habang siya naman ay umiiyak. Bigla akong sinalubong ng mahigpit na yakap at parang na nahabag naman ako ng marinig ko ang hagugol nito. Natawa naman ako, dahil pati mga dating kakilala at kamag anak ay nandito rin pala sa bahay nila Lola. Hindi kasi ako nakapag-sabi sa kanila na uuwi kaming mag-anak rito para mag-bakasyon. At na wala rin kasi sa isip ko na mag-sabi sa kanila. Hindi ko naman kasi close ang mga kamag-anak ko, na mga kapatid ni Lola at Lolo. Ni pumunta nga sa bahay nila noon ay ‘di ako pumupunta. Peru mababait naman mga tiya at tiyo ko. Kaso ‘di lang talaga ako sanay na pumupunta sa ibang bahay maliban sa bahay ng kaibigan ko. “Tahan na… para ka pa ring bata.” natatawa kong biro sa kaniya. “Tse. Nag-asawa ka lang sa Manila, nag-alog kana,” naka-irap naman niyang sagot. Ang sabi niya nag-asawa lang daw ako sa Manila nag-tagalog na raw ako. Ang alog ay short cut ng tagalog. Marami naman ang natawa sa sinabi ni Kisses. Ang bestfriend ko. Karamay ko sa lahat ng mga naranasan ko sa buhay. Halos dito na siya tumira sa bahay ni Lolo’t Lola noon para mabantayan ako. Ayaw niyang iniiwan ako lalo pa’t mag-isa na lang ako noon. Siya ang naging sandalan ko sa bawat sandali na naging mahirap sa ‘kin ang lahat. Siya ang bestfriend kong ‘di ako iniwan sa lahat ng pag-subok na dumating sa buhay ko. Parang magkapatid na ang turingan naming dalawa dahil parehu kaming only child na dalawa. “Wala e, dapat kailangan kong mag-Tagalog dahil asawa’t mga anak ko ay mga tagalog,” natatawa ko namang sagot sa kaniya. Tumingin naman siya sa likuran ko at nanlaki ang mga mata pagkakita sa mga taong nasa likod ko. Hinampas pa niya ako… at halos itago ang ulo sa harapan ko. Natatawa naman ako sa naging asal ng kaibigan ko. Pati asawa ko ay natawa rin sa likod ko. Ang mga anak ko naman ay may mga sariling mundo at walang paki sa paligid nila kahit nagkakagulo na. Pinapasok ko silang lahat. Nag-mano muna ako sa mga tiyohin ko at tiyahin ko na anak nina Lolo’t Lola. Pati asawa’t mga anak ko ay pinag-mano ko rin muna sa matatanda naming mga bisita. Halos ‘di kami mag-kasya sa loob, dahil sa dami ng mga kamag-anak ko. Pinakilala ko ang mga bata sa kanila… pati asawa ko. Natuwa naman ako nang mabilis nilang nakuha ang loob ng mga anak ko. Nag-simula nang magdaldal si Misha. At may kung ano ano na siyang pinapakita sa Ipad sa Ninang Kisses niya. Ang asawa ko naman ay masayang nakikipag-usap sa mga tiyo ko. Pati mga pinsan ko ay nakagaanan niya rin ng loob. “Dinalaw mo na ba sina Lolo’t Lola mo, Max?” napatingin ako kay Tiya Saling nang marinig ang sinabi nito sa ‘kin. “Hindi pa po, Tiya. Baka bukasa pa… kailangan ko pa po kasing linisin ang bahay. Tapos ipapaayos ko pa po ‘tong pader at bubong namin. Marami na po kasing butas butas kaya’t kailangan ng bagohin.” sagot ko naman sa kaniya. Nilibot naman niya nang tingin ang buong paligid at napanganga siyang ngayon lang din niya napansin ang mga sira sirang ding ding ng bahay. Medyu luma na kasi ‘tong bahay nina Lolo’t Lola. Kaya’t kailangan na talagang ipaayos ang mga sira sirang pader at bubong. Ang mga gamit naman ay kailangan na ring palitan. ‘Yong lumang ref naman ay ‘di ko alam kung gumagana pa… Titignan ko pa ‘yon mamaya para malaman ko kung gumagana pa. “Edi, sina Tiyo at mga pinsan mo na lang ang mag-aayos nitong bahay nina Tatay at Nanay. Wala naman silang mga trabaho, kaya’t sila na lang ang kunin mo para mag-ayos nitong bahay.” “Tama, Max. Ano na pulos sang mga pakaisa mo, kag mga tiyo kung ‘di na sila makabulig sang pagpakay-o sang balay nila ni Nanay kag Tatay. Padako man lang na sila ka itlog nila…” natatawa namang segunda ni Tiya Mina. Napahalakhak naman kaming lahat sa sinabi ni Tiya Mina. Ang sabi niya… ano daw silbi ng mga pinsan at tiyo ko kung ‘di daw sila makatulong sa pag-a-ayos ng bahay ng Nanay at Tatay nila. Nagpapalaki lang daw sila ng mga balls nila. “Sige po, kakausapin ko po si Liam.” Tumango naman silang lahat bilang pag-sang-ayon sa sinabi ko. Habang nagkakatuwaan. Nilapitan ko ang asawa ko, at tinanong ito kung pwedi sina Tiyo at mga pinsan ko na lang ang mag-aayos ng bahay nina Lolo’t Lola. Para ‘di na siya magpa-punta ng mga tao niya… “It’s up to you, wifey. I’ll do whatever you want.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD