GENESIS 1:19 And the evening and the morning were the forth day.
SASHA’S POV
PAGKALIPAS NG ILANG ARAW AY NATULOY KAMI SA ‘MING BAKASYON. Papalapag na ang eroplanong sinasakyan naming apat at malapit na ito sa Silay Airport. Naging handa ang bawat kilos namin at inayos ang mga gamit nang marinig namin ang sinasabi ng piloto. Binalingan ko ang mga anak ko sa gilid kung nakakabit ba ang mga seatbelt nila… at nakita ko namang maayos at nakakabit naman ang belt ng upoan sa kanila ay napanatag ako. Mahirap na! Baka madisgrasya pa sila… at ‘wag naman sanang mangyari.
Napahiwalay ng upo si Liam sa ‘min. Peru isang distansya lang ang pagitan namin at ‘yong daanan lang nga mga tao, ang nagpa-gitna sa ‘min. Ako kasi ang katabi ng mga bata. Hindi naman business class ang sinakyan namin kasi sa probinsya lang naman kami pupunta. Hindi naman kami mangibang bansa para sumakay ng business class.
si Liam lang talaga ang nag-reklamo kung ba’t daw walang business class ang mga eroplano kahit bumabyahe ang mga ito sa mga probinsya. No’ng una ayaw niya pa sanang sumakay, baka raw mahirapan ako at ang mga bata. Nakipag-sagutan pa siya kanina sa F.A kung ba’t daw mapapalayo siya sa ‘min. E, class A naman daw ang ticket na binook niya… ba’t daw mapapahiwalay daw siya sa ‘min.
Hindi naman nakasagot sa kaniya ang steward kanina no’ng pinag-sabihan niya ito. Pati piloto ay pumunta na rin sa station namin at kinausap ang asawa ko. Halos lahat sila ay takot sa asawa ko… kaya’t ‘di sila maka-sagot kanina.
Ako na lamang ang nag-hingi ng pasensya sa mga tao na naabala at do’n sa steward na pinag-sabihan niya. Isa rin kasi sa may ari sina Liam ng Cruz Airlines. Pangalawa ang airlines nila sa mga Schneider na mas kilala at sobrang sikat na Airlines sa buong mundo. Sa tuwing nanonood ako ng balita ay laging laman ang magkakapatid at magpipinsan na mga Schneider. Halos araw araw ay sila ang laman ng balita.
Kaya’t maraming humahabol sa mga mag-anak na ‘yon dahil sa taglay nitong mga kagwapohan na kahit sinong tao ay kayang-kaya silang ipagmalaki. Naalala ko pa dati na… nakapag-pasa ako ng CV sa kompanya ni Mr. Zeffrey Schneier. Kaso naunang tumawag sa ‘kin ang kompanya nina Liam at no’ng time na ‘yon ay pina-report ako for final interview with the CEO.
Akala ko nga noon ang asawa ko ang mag-I-interview sa ‘kin, peru hindi. Secretary niya ang nag-interview sa ‘kin noon. Tapos binasa ng secretary niya lahat ng mga credentials ko hanggang sa nakapasa ako. Peru bago ‘yon… pinasa daw muna ng secretary niya ang resume ko kay Liam para malaman kung pasado daw ako.
Then viola! Nakapasa ako, ‘di dahil sa laman ng resume ko, dahil fresh graduate ako. Kundi dahil sa ganda ko… no’ng makita niya raw ang resume ko na may nakalakip na 2x2 picture ay na love at first sight daw si Liam sa ‘kin. Kaya pala panay ang silip niya noon sa department namin. Kasi may lihim na pag-tingin na pala siya sa ‘kin. Akala ko nga noon ay nag-e-inspect lang siya. ‘Yon pala ako na ang target niya!
Ayos rin ‘tong asawa ko dumiskarte. Iba kung do ma da moves. Kunwari nagmamasid sa area namin ‘yon pala binabantayan niya bawat kilos. Tapos naalala ko pa pinalagyan niya ng CCTV ang department namin para mamonitor niya bawat galaw ko.
“Mommy, I’m hungry,” napabalik ako sa kasalukuyan ng marinig ko ang boses ni Misha sa tabi.
Napagitnaan namin siya ni Llander at si Liam naman ang nasa kabila kung saan may space na siyang tanging daanan ng mga tao. Kaya panay ang reklamo niya kanina dahil gusto niya kaming makatabi ng mga bata. Kala mo naman kung gaano kalayo ang upoan niya sa ‘min ng mga bata.
“Yes, baby, what you want? May sadwich bread dito, mahal. Mamaya na lang tayo kakain ‘pag kalapag ng airplane, okay?”
Tumango naman ang unica hija ko at kinuha ang sandwich bread sa maliit na lagayan nito. Nag-dala talaga ako ng pagkain namin dahil gutomin ang mga anak ko. Lalo pa’t malayo ang pupuntahan namin… kaya’t nag-dala talaga ako ng makakain nila.
Ayaw ko namang bili nang bili sa eroplano dahil puro mga cup noodles ang paninda nila. At ayaw ko namang pakainin ang mga bata ng ganyan dahil nakakasama ‘yan sa katawan.
“How about you, kuya? Gusto mo ng sandwich?” aya ko sa panganay ko.
Umiling naman ito, hudyat na ayaw nitong kumain ng in-offer ko sa kaniya. Binaling nito ang paningin sa labas ng bintana kung saan makikita mong maraming ulap ang nakakalat.
Nang makita kong maayos na ang mga anak ko ay saka ko pa lang nilingon ang asawa ko sa kaliwang bahagi ng upoan ko. At laking gulat ko nang makita kong nakatunghay pala ang mata nito sa ‘kin. Kanina pa ata nanonood sa ‘min ng mga anak niya. At wala siyang imik sa upoan niya habang kinakausap ko ang mga bata.
In-offeran ko siya ng sadwich. Kinuha naman niya ito sa kamay ko, at pagkatapos ay kinindatan pa ako. Bigla namang nag-init ang mukha ko… dahil sa pangingindat nito. Gusto ko sana siya paloin dahil ang harot harot nito kahit nasa eroplano kami.
Talagang walang pinipili na lugar ‘tong asawa ko, pag-inaatake ng pagiging pilyo. Kahit gusto ko mang kiligin ay mas minabuti kong pigilan ito dahil baka ‘yon pa ang rason ng pagiging siraulo ng asawa ko.
“Hubby, may tubig rito, huh! Mag-sabi ka lang…”
“Yes, mommy.”
Tumango naman ako at binalik ang tingin kay Misha. Na nonood ito ng cartoons sa ipad niya habang kumakain ng sandwich. Si Llander naman ay sa labas pa rin ng bintana nakatingin.
Kinuha ko ang tubig sa pouch kung saan nilagyan ko ng pagkain nila at agad ko itong nilabas. Malaking tumbler naman ang pinaglagyan ko ng tubig kaya’t marami itong laman. Kasya na ito sa kanilang tatlo kapag nauuhaw sila.
Ako naman ay ayos lang kahit ‘di ako makakain at makainom. Sanay naman ako… at isa pa mas priority ko sila kaysa sa sarili ko.