GENESIS 1:18 And to rule over the day and over the night, and to divide the light from the darkness: and God saw it was good.
SASHA’S POV
KINAUMAGAHAN AY MAAGA AKONG NAGISING. Naka-dantay pa ang mga paa ni Liam sa mga paa ko, habang mahimbing itong natutulog sa tabi ko. Dahan dahan ko namang kinuha ang mga paa ko at pinalitan ng unan ang ilalim ng paa niya para ‘yon ang dantayan niya. Maingat akong bumangon sa higaan para ‘di siya magising. Agad akong pumasok sa banyo para maligo… peru bago ‘yon ay nagmadmad muna ako, para ‘di mabigla ang katawan ko sa tubig. Hindi naman malamig ang nililigo ko dahil may heater naman ang banyo. Kaso nagmamadmad muna talaga ako bago maligo para ‘di mahampas ng hanging lamig ang katawan ko. Nakabukas pa naman ang aircon sa kwarto. At isa pa… mahirap ang mag-kasakit no! Ayaw ko pa namang alagain ako… kawawa mga anak ko. Kahit nandiyan si Tanya ay iba pa rin kapag ako ang nag-aasikaso ng mga kailangan nila.
Pagkatapos kong maligo ay agad na akong lumabas ng banyo. At biglang nanayo lahat ng mga balahibo ko nang madampian ang balat ko ng malamig na hangin galing sa aircon. Dali dali naman akong pumasok sa loob ng walk in closet para makapag-bihis ng damit. Kakaibang kilibot na lamig ang nararamdaman ng katawan ko. Kahit artificial air lang ang buga nito, ay iba pa rin ang hangin na hatid nito sa balat ko.
Wala naman sanang multo, peru grabi ako kong lamigin. Agad na ‘kong lumabas ng wardrobe pagkatapos kong mag-bihis. Dumeritso agad ako sa vanity mirror ko para kunin ang lotion at I-apply ito sa balat ko. Usual routin lang ang ginagawa kong skin care tuwing umaga’t gabi. ‘Di na ako gumagamit ng kung ano-anong pam-pa-ganda. Tamang lotion at gloss lang ang pinapahid ko, para kahit papa ‘no ay ma-moisturize nito ang balat ko. Hindi na ‘ko nag-tagal pa sa loob ng kwarto. At agad na akong bumaba para makapag-luto.
Pagpasok ko sa kusina ay nadatnan ko si Tanya na naglu-luto ng itlog. Sa tabi nito ay isang tasa kong saan may lamang kape. Tulad ko ay maaga rin itong nagigising.
Sa katunayan ay pwedi kong ihabilin sa kaniya ang lahat ng gawain rito sa bahay kaso ayaw ko, dahil sa laki ng bahay na ‘to, baka layasan ako ni Tanya. At isa pa… may mga bata pa siyang aalagaan kapag wala kaming mag-asawa.
“Morning, ate,” nakangiting bati nito pagkakita sa ‘kin.
Nginitian ko rin siya pabalik. “Morning!”
Nag-timpla ako ng gatas para mainitan ang sikmura ko, at para mabuhayan ang dugo ko kapag nag-simula na akong mag-trabaho. Minsan umiinom ako nang kape, peru kadalasan ay gatas ang iniinom ko. Mas marami akong makukuhang benefit ‘pag gatas ang iniinom ko. Ang sarap ng tulog ko, at ang fresh ng balat ko. Hindi naman kasi talaga ako pala-kape. Nag-simula lang akong uninom ng kape no’ng wala pa ‘kong pambili. Tapos no’ng nag-asawa na ‘ko ay syempre balik gatas na ‘ko.
Alas sais trenta ng umaga pa lang ay natapos na kami sa pagluluto ni Tanya. Wala naman kaming masyadong nailuto dahil iilang putahe lang ang ginawa namin. Nuggets at egg lang ang prinito niya… tapos ako naman ang egg soap para naman may sabaw ang mga bata kapag kumain mamaya.
Umakyat ako sa taas para gisingin ang panganay ko. Pagpasok ko sa kwarto nito ay saktong kakagising lang din nito. ‘Di na ako magtataka kung bakit laging may honor at number 1 ito sa klase. Dahil sa murang edad nito ay napaka-attentative niya na… at napaka-responsably. Manang mana talaga siya sa Daddy niya. At nakakatuwa dahil nakuha talaga niya ang ibang mga katangian ni Liam.
Tuluyan na akong pumasok sa loob ng kwarto niya at agad na binata ang anak kong nagmamadmad pa. “Good morning, baby boy ko.”
Biglang naman itong napanguso ng marinig ang sinabi ko. Napatawa naman ako nang mahina dahil sa biglang pag-asim ng mukha ng anak ko. Ayaw na ayaw niya talagang tinatawag siyang baby, dahil ang lagi niyang rason ay malaki na raw siya. At hindi na baby. Peru syempre ‘di ako papayag! Kahit tumanda na sila at magkaroon na ng sariling pamilya ay mga baby ko pa rin silang dalawa ni Misha. Hinding hindi magbabago ‘yon… habang buhay kong dadalhin ang mga oras na magkasama kaming mag-iina. Bilang isang pamilya.
“Good morning, Mommy.” nilapitan ko siya at hinalikan sa labi.
Ayaw niya raw sanang magpa-halik dahil ‘di pa raw siya nag-toothbrush. At dahil nanay tau… walang magagawa ang mga bata kapag tau naman ang maglalambing sa kanila. Syempre kasama na ‘yong pag-arte para naman mas effective!
Iniwan ko muna saglit si Llander sa higaan niya at pumasok ako sa loob ng banyo niya para buksan ang shower nang mailagay ito sa tamang temperatura. Sinigurado kong katamtaman lang ang init ng tubig para ‘di mapaso ang balat ng anak ko.
Alam naman niyang mag-ligo. At mag-lagay ng tamang temperature ng tubig. Kaso mas gusto kong ako ang gumagawa nito, para masigurado kong safe ang pag-ligo nito.
Nang maayos ko na ang pang-ligo niya ay agad na akong lumabas ng banyo at nilapitan siya. Sinabi kong pwedi na siyang maligo para maka-bihis at makapag-almusal agad. Sinunod naman niya ang utos ko kaya dali dali itong pumasok ng banyo.
Bago ako lumabas ng kwarto ni Llander ay inayos ko muna ang uniform nito, maging ang higaan niya. Pinalitan ko ng bedsheet at punda ang kama niya at sininop lahat ng mga labahan. Every week kasi akong nagpapalit ng kobre kama. Minsan lumalagpas naman… peru mga dalawang araw lang. Ayaw kong pahabain pa ang isang linggo dahil maselan ako sa mga ginagamit ng anak ko, maging sa asawa ko. Napaka-istrikto kong tao, ‘pag may hindi ako gusto.
Lumabas na ako ng kwarto ni Llander habang dala dala ang labahan niya. Tinupi ko muna ang mga ito bago ko dalhin sa likod ng bahay kung saan nando’n ang laundry area namin. Hindi ko na inutos ito kay Tanya, at kusa na ‘kong nag-punta sa likod para ilagay itong mga labahan. Mamaya ko na lang din isama ang mga labahan naming mag-asawa at kay Misha. Tulog pa kasi ang dalawa at ‘di ko naman pweding gisingin ang babae ko baka atungalan pa ‘ko nito ‘pag kulang sa tulog.
Bumalik ako agad sa loob at inayos ang pagkain sa mesa. Paunahin ko nalang pakainin si Llander dahil baka ma late ito. Kagabi kasi no’ng naghahanpunan kami ay panay reklamo nito sa ama dahil na late daw siya pag-pasok sa school kahapon. Sobrang bagal daw ng Daddy niya at daig pa raw ang isang turtle kung kumilos. Kami namang nakikinig ay gusto nang humagalpak ng tawa dahil sa mga hinaing niya sa ama.
Kaya’t kagabi sabi niya kapag tulog pa raw ang Daddy niya ay mauuna na lang daw siya sa school. Kasi na late daw siya kahapon at ‘di nakapasok sa first subject dahil kay Liam. Ito ang pinakaayaw ni Llander. ‘Yong mas mauuna pa siya sa ‘yo at paghihintayin mo siya. Napakainipin nitong bata… gusto niya pag-tapos na siya dapat tapos kana rin para wala kayong problema.
Nakahain na lahat ng pagkain sa mesa at magtitimpla na lamang ako ng gatas ni Llan. At saktong tapos na ako sa pagtitimpla ay siyang pag-pasok nilang mag-aama. Nagulat pa ako nang pati si Misha ay kasama nila.
“Good morning, wifey.” bati ng asawa ko sa ‘kin.
“Good mowning, Mommy.” bati naman ni Misha sa ‘kin.
Medyu bulol pang mag-salita at ‘di pa tuwid ang dila. Peru daig pa isang trumpa kapag inatake ng kadaldalan niya.
“Good morning, mga mahal ko!” masaya ko namang bati sa kanila.
Hinalikan ko sa lips ang asawa ko at gano’n din si Misha. Ayaw pa sanang magpahalik ng babae ko kasi humalik daw ako sa labi ng Daddy niya. Kung si Llander kanina ayaw magpahalik dahil ‘di pa siya nag-toothbrush, itong bubwit ko naman ay iba. Ohh.. ‘di ba, napaka-arte nila! Kung ‘di siguro nag-simula sa mga pahalik halik ang daddy nila… sa palagay kaya ‘to ng mga anak ko mabubuo sila!
Porket ang gwapo at ang ganda nila… marunong na silang mag-inarte na dalawa!