CHAPTER 13: I AM SO VERY GRATEFUL TO YOU, MY HUBBY!

1198 Words
GENESIS 1:16-17 And God made two great lights; the greater light to rule the day, and the lesser light to rule the night: he made the stars also. And God set them in the firmament of the heaven to give light upon the earth. SASHA’S POV KASALUKUYAN AKONG NASA BANYO NANG MARINIG KO ANG PAGBUKAS SARA NG PINTOAN. Minadali ko na ang pag-kuskos at pagpunas ng katawan ko, dahil ‘di na ako manghuhula kung sini ang pumasok sa rito sa loob ng banyo. Saktong pag-pasok niya sa loob ng shower room ay nakatapis na ako. Nakasimangot agad ang mukha nito ng makitang naka-balot na ng tuwalya ang katawan ko. Pagkatapos kasi naming kumain ay agad kaming nagsi-pag-akyatan para matulog ng maaga. Itong asawa ko ay pumasok pa muna sa library niya rito sa bahay dahil may tataposin lang daw muna siyang trabaho saglit. Lumuhis ako ng daanan para maka-daan sa gilid niya. Palihim akong natatawa ng gumilid naman siya para padaanin ako. Hindi ko siya pinansin para ‘di ko makuha ang atensyon niya. At ang mata niyang naka-sunod sa ‘kin. Gusto ko sanang humagalpak ng tawa dahil sa hitsura ng asawa ko. Kaso naalala kong binantaan pala ako nito. Kaya’t instead na mag-diwang dahil ‘di niya ‘ko magagalaw ngayon ay minabuting tinahimik ko na lang ang bibig ko. Ayaw ko pang maparalisa ng maaga no! Kawawa mga anak ko. Napahinga ako ng maluwag ng maka-survive ako sa pag-labas galing banyo. Sa tuwing magkaharap kasi kami ng asawa ko, daig ko pa ang nag-marathon dahil sa hingal at kabang nararamdaman ko. Milyon-milyong bultahe ang nararamdaman ko sa tuwing nasa paligid lang si Liam. At kahit konting dikit lang ng mga balat namin ay parang gusto nang kumawala ng puso ko sa cage nito. Hindi pa rin ako sanay sa asawa ko sa tuwing lumalapit ito. At hindi pa rin nagbabago ang nararamdaman ko sa kaniya kahit ilang taon na kaming mag-asawa. Lagi pa rin akong nagugulat at nahihiya sa kaniya kahit nakita naman niya akong hubo’t hubad. Halos lahat ng katawan ko kabisado na ng asawa ko, peru ako lang talaga ‘tong ‘di pa sanay sa presinsya niya. Pinatuyo ko ang katawan ko gamit ang extrang tuwalya na dinala ko galing banyo kanina. Pagkatapos kong mag-patuyo ng katawan ay agad na akong nag-suot ng damit. Over size t-shirt ang gamit ko sa pag-tulog dahil komportably akong matulog kapag ganitong damit ang sinuot ko. Pagka-labas ko ng wardrob ay dumeritso ako sa vanity mirror para mag-apply ng skin care. Tuwing umaga at gabi ay ganito ang ginagawa ko pagkatapos kong maligo. Sobrang maalaga kasi ako sa balat ko, kahit mga anak ko ay masyado akong istrikto kapag may nakikita akong kalmot o kahit kunting galos sa katawan nila. Simula pagka-bata ay maalaga na ako sa katawan. ‘Yon kasi ang turo sa ‘kin ng lola ko noon. Naalala ko pa dati na sandamakmak ang mga lotion ko noon. Pati baby oil and ointment kapag namumula ang balat ko. Lagi siyang handa dahil ayaw niyang makita na masira ang kutis ko, dahil sa kaputian ng balat ko. Namumula kasi ang balat ko kapag kunting init lang. Naalala ko rin ayaw niyang pinapa-prito ako, baka raw matalsikan ako ng kumukulong mantikan. Kaya’t lahat ng mga payo niya ay inaalala ko, at ginagawa ko dahil walang makikinabang no’n kundi ako. Kahit sa mga anak ko ay gano’n din ang turo ko. Sobra sobra akong nagpapa-salamat sa lolo’t lola ko na kahit ‘di ko na sila kasama ay mananatiling nasa puso ko sila. At sa mga magulang kong kahit isang sulyap ay ‘di ko nakita… peru alam kong mahal na mahal nila ako. Kahit ‘di ko rin sila kasama ngayon ay alam kong masaya sila para sa ‘kin. Nagulat ako ng may mga kamay na pumulupot sa baywang ko. Agad akong pinaharap nito at pinagmasdan ang mukha ko. Sobrang lalim ba ng iniisip ko, para ‘di ko mapansin ang asawa ko? “What are you thinking, Wifey?” may pag-alalang tanong nito. Napailing naman ako at hinaplos ang mukha nito. “Nothing, hubby. Naalala ko lang sila Lolo’t Lola.” Napatango naman siya… “You missed them?” “Sobra.” naluluha kong sagot sa kaniya. “A’right. Let’s take a vacation to your hometown then.” “Huh? E, pa ‘no ‘yong trabaho mo?” “I’m the boss, baby. I can file a leave anytime I want. And of course, I want our family to go on vacation.” Napamaang naman ako habang nakatingin kay Liam. Peru kalaulan ay unti unti akong napangiti dahil sa sinabi niya. Sa totoo lang ngayon na naman kami ulit makakapag-bakasyon. Ilang taon an rin kasi ang nakakaraan no’ng nag-bakasyon kaming apat. Maliit pa si Llander noon at si Misha ay baby pa at ‘di pa nagla-lakad. Kaya’t simula no’n ay ‘di na ulit kami nakapag-bakasyon dahil naging full time mom and wife ako sa pamilya ko. Mahirap kasing pag-sabayin lahat lalo pa’t ang babata pa no’ng dalawa. “Salamat, hubby. Matagal-tagal na rin tayong ‘di nakakapag-bakasyon. Nakaraan ko pa nga sanang gustong sabihin sa ‘yo, kaso lang… sobrang busy mo. Ayaw ko namang isturbohin ka… dahil alam kong pagod kana sa trabaho, tapos nakikipag-laro kapa sa mga anak mo,” gusto rin sanang idadag ang pangangarate niya sa ‘kin tuwing gabi. Kaso ‘di ko na lang isinatinig at sa isipan ko na lang. Mahirap na… “Why you didn’t tell me, wifey? ‘Di ba sabi ko sa ‘yo, kapag may gusto ka… at may pupuntahan ka sabihan mo lang ako. Alam mong ginagawa ko ang lahat ng ito para sa ‘yo, at para sa mga anak natin. Wala akong ibang hanggad kundi kaligayahan n’yo ng mga bata. Bilang isang ama ng tahanan… gampanin ko ang mapabuti ang pamilya natin at malagay sa maayos na buhay. Alam mo ‘yan… at alam mo rin kung gaano kita ka mahal, Sasha.” mahaba nitong sabi. May kung anong bagay ang humaplos sa puso ko nang marinig ko ang sinabi ng asawa ko. Wala sa oras na… napaiyak ako ni Liam dahil totoo lahat ang sinabi nito. Alam ko kung gaano ako kamahal ng asawa ko, kaso ayaw ko lang talaga siyang isturbohin dahil alam kong malaking responsibilidad ang ginawa niya para sa negosyo nila. At pag-uwi niya galing trabaho ay nakikipaglaro pa siya sa mga bata. ‘Di baling mawalan siya ng oras sa ‘kin… basta’t nakikita kong nasa maayos ang kalagayan niya. “Mahal na mahal din kita, Liam. At hindi ako mabubuhay nang wala ka… mahal ko. Ikaw at ang mga bata ang siyang lakas ko sa araw araw para mabuo ako. Alam mo kung ano ang nakaraan ko, at ikaw ang naging sandalan ko sa tuwing namimiss ko ang mga mahal ko sa buhay. Ang pangarap ko na magkaroon ng kumpleto at masayang pamilya ay ikaw rin ang tumupad ng lahat ng ‘yon. Ikaw ang binigay ng Panginoon sa ‘kin para kumpletohin ang kulang sa pagkatao ko. And I am so very grateful to you, my hubby.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD