SASHA’S POV
HAPON NA NANG MAKATULOG SI MISHA. Hindi niya natapos ang pinapanood niya nang makatulog siya. At sakto rin ang pag-tulog niya dahil susundoin ko pa mamaya ang kapatid niya. Malapit na kasing mag-alas kwarto ng hapon at labasan na ng mga estudyante mamaya. Hindi na ako nag-aksaya ng oras ay agad akong lumabas ng bahay para puntahan si Kuya Rey sa quarter’s niya.
Ayaw ko kasing pinaghihintay ang anak kong ‘yon… dahil napakainipin no’n. At baka tadtarin ako ng tanong kapag late ako sa pag-sundo sa kaniya. Maysa pagka-boss pa naman ‘yon kung mag-tanong. Wala silang pinagkaiba ni Misha. Daig pa mga HR Department kung mag-interview. Mahirap ‘tong mga anak ko kapag sila ang pumalit sa posisyon ng Daddy nila. Dapat perfect ang trabaho para walang disgrasya sa amo.
Bumyahe na kami ni Kuya Rey papuntang school ni Llander. Medyu ma traffic pa ngayon dahil uwian na ng mga tao sa kani kanilang mga bahay. At halos ang mga nakikita ko ay puro estudyante at mga nagta-trabaho sa opisina. ‘Di nag-tagal ay nakarating na kami sa eskwelahan ng anak ko. At tamang tama lang ang dating namin dahil ngayon lang sila pinalabas sa kanilang eskwelahan. Peru ‘di sila makakalabas sa gate kapag wala silang mga sundo.
Kaya’t obligado akong mag-sundo sa kay Llander tuwing may pasok ito. Dahil ‘di sila pinapalabas ng school ng kanilang mga guro kapag walang guardian ang mag-sundo sa kanila. At sobra akong kampanti sa school na pinapasukan ng anak ko dahil ‘di sila pumapayag na ipasundo ang mga bata sa mga katiwala o kahit sinong tao. At ‘di nila ibibigay ang mga anak namin kung ‘di kaming mga magulang ang mag-sundo sa mga bata.
Uso daw kasi ang kidnapping, kaya’t ayaw nilang madamay ang school. At isa pa… priority ng school at mga magulang na sunduin ang mga bata sa tamang oras ng uwian.
“Mommy!” sigaw ng anak ko ng makita ako. Napatingin naman ang mga tao sa ‘kin. Nginitian ko lang sila at binalik ang tingin sa anak kong tumatakbo papalapit sa ‘kin.
“‘Wag kang tumakbo, baka madapa ka,” may pag-alala kong sabi sa kaniya.
Napatakbo na rin ako at sinalubong ang hinihingal kong anak. Ang bigat pa naman ng bag niya… tapos kung maka-takbo kala mo walang madala sa katawan. Kaya’t kinuha ko ang bag niya at ako na ang nag-bitbit nito palabas ng eskwelahan.
“I’m fine, Mommy; you don’t need to be worry, okay? Remember, I’m a grown man now,” may paalalang sabi pa nito.
“Tigilan mo ‘ko sa pa a grown man, grown man mo, Llander. Baka nakakalimutan mong six years old ka pa lang…” paalala ko ring sabi sa kaniya.
Napanguso naman siya at ‘di na nag-salita pa. Pag-labas namin ng gate ay agad kaming sinalubong ni Kuya Rey. Kinuha nito sa kamay ko ang bag ni Llander pag-katapos ay pinag-buksan kaming mag-ina ng pinto ng sasakyan. Peru bago pa kami pumasok sa loob ng kotse ay nakipag-apir pa ang anak ko kay kuya.
Tahimik ang naging byahe namin hanggang sa nakarating na kami ng bahay. Pinark ni Kuya Rey ang kotse sa harap ng main door ng bahay. Pagkahinto nito ay agad na bumaba si Kuya Rey para pagbuksan kami ni Llander ng pinto.
Bigla naman tumakbo ang anak ko papasok sa loob ng makababa ito. Pagsasabihan ko pa sana kaso ang layo niya na nang makababa akong sasakyan. Pagpasok sa loob ay agad na bumungad sa ‘kin ang umiiyak na si Misha. Bigla naman akong kinabahan nang makita ko itong puno ng luha ang mata.
Agad akong napatakbo para makalapit agad kay Misha. Karga karga ito ni Tanya at nagwawala sa bisig niya… Kaya nga’t ayaw kong umaalis na ‘di ko ito kasama dahil napaka-iyakin nito sobra.
“Why did you leave me here, Mommy?” sumbat agad niya pagka-lapit ko sa kaniya.
“No, I didn’t, honey. Sinundo ko lang saglit si Kuya Llan sa school. Naka-tulog ka kasi kaya ‘di kita sinama,” malumanay ko namang sabi sa kaniya.
Hindi na siya nag-tanong pa, bagkos ay tumango siya at niyakap ang maliliit niyang kamay sa leeg ko. Hinili ko naman siya nang hinilig niya ang kaniyang ulo sa balikat ko.
Ilang minuto pa kaming nanatili sa ganoong posisyon nang mapag-desisyonan kong pumunta ng kusina para mag-handa ng lulutoin ko sa hapunan. Tinolang manok at adobong manok ang napili kong lulutoin ngayon. Favorite kasi ng asawa’t mga anak ko ang ganoong ulam kaya’t ‘yon ang naisipan kong lutoin.
Kasama ko si Misha rito sa kusina. Pinaupo ko siya sa kaniyang high stool chair at binigyan ng prutas. Tapos ay pinahiram ko sa kaniyang ang selpon ko nang umungot itong manood ng horror. Ngayong araw ko lang siyang pagbibigyan na manood ng nakakatakot dahil umiiyak siya. Peru sa susunod na umungot siyang manood ay ‘di ko na siya pabibigyan dahil ‘di pwedi sa kaniya ang manood ng ganitong uri ng palabas lalo pa’t may p*****n ang nangyayari sa movie.
Kailangan ng patnubay ng magulang ang mga ganitong uri ng palabas. At hindi basta basta pinapanood sa mga batang wala pang muwang. Mahirap na… Hindi naman sa hinihingi ko na mangyari, mas mabuting maging advance sa mga susunod na kaganapan kaysa sa hayaan ang mga batang nanonood ng mga ganitong palabas.
Habang naggagayat ako ng gulay ay siya namang pagpasok ni Llander kasunod si Tanya. Tumulong naman ito sa paghihiwa ng sumingit ang panganay ko na humihingi ng pagkain. Agad ko naman itong inasikaso, pagktapos ay pinagpatuloy ang paghihiwa ng gulay.
Nag-tuloy tuloy na kami sa pagluluto hanggang sa natapos. Hindi rin umalis ang dalawang bata sa kusina kahit marami kaming ginagawa ni Tanya. Pag-sapit ng alas syete ay umakyat sa kwarto naming mag-asawa para mag-palit ng damit. Hindi naman ako nag-tagal at bumalik agad.
Sa pagbaba ko ay agad kong narinig ang boses ng asawa ko. Nakikipag-tawanan ito sa mga anak niya… habang may kung anong pinapanood na nakakatawa sa selpon niya.
Tuwing nakikita ko silang masaya ay sobra-sobrang saya ang nararamdaman ng puso ko. ‘Yong bond nilang mag-a-ama ay siyang nagpapa-kumpleto ng pagkatao ko.