SASHA’S POV
KAKATAPOS KO LANG MALIGO NANG PABABA AKO NG SALA. Rinig ko ang hagikhik ni Misha tuwang tuwa sa pinapanood niya. Kasama niya si Tanya na parang tinakasan ng dugo sa mukha habang nagtatago sa likuran niya. Kahit ‘di ko man nakita ang pinapanood niya ay alam ko kung anong palabas ang kinawiwilihan ng anak ko. Mabuti na lang dito sa bahay nanonood ang batang ‘to. Kung nag-kataon na sa kanila Mommyla Daddylo niya siya nanood baka kung sinong santo ang tawagin ni Mommy Lucy para ipagdasal siya.
Minsan kasi ‘di ko maintimdihan ang trip ng bunso ko. May times na walang paki sa paligid dahil busy sa paglalaro ng mga barbie niya. Minsan naman ay kinukulit si Tanya sa quarter nito kahit nagpapahinga. May times rin na ang sobrang ligalig niya at ‘di mapakali sa isang tabi. Pagkakalatin niya mga laruan niya at itatapon kung saan saan. Peru siya naman ang nagli-ligpit. Tapos minsan nahuhuli ko itong pumasok sa kwarto ng kuya niya at pinapakialaman ang mga gamit ng kapatid niya. Pagkakalatin niya ang mga ‘yon at iiwan nang walang pag-alinlangan.
Kaya’t naiinis rin si Llander sa kaniya minsan dahilan ng pagigingpakialamera ni Misha. Peru kadalasan ay tahimik naman siya at panay lang hingi ng pagkain. Tapos maglalaro ng siya lang… Peru may times talaga na kapag gusto niya ginagawa niya.
At ‘wag na ‘wag mo siyang iisturbohin… kundi gyera kayong dalawa. Parang may sapi na bata kapag kinanti mo ba. ‘Di ko alam kung kanino sa ‘min ng Daddy niya namana ang pagiging bugnutin minsan. Malabo naman kasing ako… ‘di naman ako bugnutin maliban na lang kung talagang bwessit na bweessitt na ako sa ama nila.
Palapit na sana ako sa kinaroroonan nilang dalawa ng biglang napatili si Tanya. Kaya’t napahinto ako sa paglalakad at nag-lalaking mata ko itong tinignan. Natawa ako ng makitang kong parang tinakasan ito ng kaluluwa. Kung si Misha ay panay tawa nang tawa sa pinapanood nila… siya naman ay takot na takot sa kung anong nakikita niya. Parang gusto kong mag-lumpasay kung ‘di lang ako nanay.
Iba talaga mag-trip ‘tong anak ko. Daig pa siraulo sa kanto. Natatawa’t naiiling na lamang ako habang pinagpatuloy ang paglalakad papunta sa kanilang dalawa.
“Ate Maxine, ikaw na po ba ang magba-bantay kay, baby Misha?” tanong ni Tanya nang makalapit ako sa kanilang dalawa.
Natatawang napabaling naman ako nang tingin sa kaniya. “Pwedi naman. Peru sino ang magluluto ng meryenda niya?” balik tanong ko sa kaniya.
“Ako na lang, ate. Ano bang meryenda ang lulutoin ko?” Napaisip naman ako sa tanong niya.
Ano nga bang meryenda? Hinanap ko pa ang selpon ko kung sa’n ko ito nalagay nang maalala kong hawak hawak pala ng anak ko. Ilang minuto pa akong nag-isip ng wala talagang may pumasok sa utak ko, kung ano ang kakainin naming meryenda mamaya.
Gusto ko sanang mag-bake kaso walang bantay si Misha. Ayaw namang samahan ni Tanya ‘tong bubwit ko kasi natatakot sa pinapanood nito. Parang ako tuloy ang nandiri sa ginagawa ng kreminal sa video.
“Baby, anong gusto mong kainin for meryenda?” maya’t maya’y tanong ko sa anak ko. Total siya naman ang inaalala ko, kung wala siyang kakaining snacks niya mamaya.
Sa ‘kin okay lang na wala. Si Tanya naman at Kuya Rey ay o-orderan ko lang-- shoot! Speaking of order… why would I not to order food online.
“Nak, gusto mo, Jobee?” busy siya kaya ‘di niya ako sinagot do’n sa unang tanong ko sa kaniya.
“Yes, Mommy, I wan’t Jobee.” tumatangong sagot naman niya.
Binalingan ko si Tanya na nasa tabi ko, at hiniram ang selpon nito. Ang selpon niya ang gagamitin ko para maka-order ako ng pagkain sa isang kilalang fast food. Hindi ko naman kasi madisturbo ang anak ko sa panonood niya… baka kasi umatungal pa. Mahirap na!
Nang matapos akong umorder ay agad ko nang binalik kay Tanya ang kaniyang selpon at sinamahan si Misha sa panonood. Sobrang naaliw ang anak ko sa panonood ng horror movie sa selpon ko.
Katulad ni Tanya na takot na takot sa palabas, ako naman ay diring diri sa mga dugong nag-kalat. At mga lamang loob na kinakain ng killer. Parang nasusuka tuloy ako.
Ayaw ko namang sirain ang mood ng anak ko dahilan lang sa ayaw ko. Actually, bawal naman sa kaniya ang ganitong palabas… kaso pinagbigyan lang namin siya ng Daddy niya dahil baka ito pa ang ikasira ng araw niya. Mahirap pa naman ‘tong bubwit kapag nag-wala…. Daig pa iniwanan ng jowa kung maka-atungal.
Hindi nag-tagal ay dumating na ang pagkain na inorder ko. Bitbit ito ni Tanya papasok. Binigay ko naman sa kaniya ang bayad para ibayad do’n sa delivery. Nag-bigay rin ang ng tip do’n sa nag-deliver para pa konswelo at pangkain niya na rin.
Inihanda ko ang mga pagkain at inihain ito sa maliit na mesa sa sala. Dito na lang kami kakain dahil nandito ang unica hija ko. Medyu makulimlim kasi sa labas at parang uulan kaya’t dito na lang kami mag-meryenda.
Pinatawag ko si Kuya Rey kay Tanya. At ‘di nag-tagal ay nasa sala na rin sila. Kaniya kaniya na silang kumuha ng pagkain at ako naman ay inasikaso si Misha. ‘Di pa rin kasi nito binibitawan ang selpon ko, at parang wala talaga siyang balak na bitawan pa ito.
Hinayaan ko na lamang siya at kumuha na rin ako ng pagkain na para sa ‘kin. Pinabuksan ko kay Tanya ang TV para kahit papa ‘no ay maaliw rin sila habang kumakain ng meryenda.
Nawili naman ako sa palabas ng biglang binigay ni Misha sa ‘kin ang selpon. Napatingin naman ako sa screen ng selpon ko nang makita kong tumatawag ang asawa ko. Agad ko naman kinuha sa kamay ng anak ko ang selpon ko, at sinagot ang tawag ng ama nito.
“Hello.”
“Why did you take so long to answer my calls? What are you doing? How do you feel? Are you sick?” napairap ako sa kawalan dahil sa sunod sunod niyang tanong.
Daig pa imbestigador kung mag-interview!
“‘Wag kang O.A hubby ‘di bagay.”
“What? What is O.A stands for?”
“Over acting, Daddy.”
“Ohh… and now I’m over acting! Bakit bawal ba akong mag-alala sa asawa ko, hmm?” at heto na naman ang pagiging sweet niya.
Kung wala lang tao, baka kanina pa ako kinikilig rito. Daig pa namin teenager sa mga pa talking stage at palipad hangin ng asawa ko. Parang mag-jowa lang ba… tapos LDR. Yay!
“Hindi naman po. Okay naman ako, at ‘wag ka nang mag-alala diyan okay. At isa pa may mga kasama naman ako rito sa bahay kung sakaling may sakit ako.” pangungumbinsing paliwanag ko.
Rinig ko naman ang buntong hininga niya sa kabilang linya.
“Okay, just call me later if you are really sick. Because I will skip this meeting to go back home and be with you all day long.”