GENESIS 1:15 And let them be for lights in the firmaments of the heaven to give light upon the earth: and it was so.
SASHA’S POV
“Mukhang, ako pinagtatawanan n’yo, ah!” naputol ang pagtatawanan namin nang marinig ang sigaw ni Liam sa ‘min.
Nakabusangot ang mukha nitong pinaglipat-lipat ang tingin sa ‘ming tatlo. Napa-iwas naman ako nang tingin ng sa ‘kin pumirmi ang matang niyang pinagsakloban ng langit at lupa.
“Yes, Daddy! Kuya Llan said, ‘Don’t bother yourself wearing clothes if you don’t know how to wear them, because you two are getting late.” daldal ni Misha.
Napahagikhik naman ako sa kadaldalan ng anak ko, walang preno preno kung mag-salita ito. At halos ‘di rin ito humihinga.
Nang marinig ako ng asawa kong tumatawa. Agad akong nilapitan nito at kinabig papalapit sa kaniya. Napalunok ako ng nilapit nito ang mukha sa tenga ko, sabay bulong…
“Stop laughing, wifey, and save your breath for later when I get home.” aniya niya sabay ihip sa tenga ko.
“Let’s go, son.” Kinindatan pa ako nito bago umalis sa harap ko.
Mabuti na lang ay naging abala na ang mga anak niya. At ‘di nakatingin sa ‘min. Maging ang sinabi niya ay ‘di rin naririnig ng dalawang bata.
BUHAT BUHAT KO SI MISHA PABABA NG HAGDAN. Ang dalawang lalaki naman ay nasa harapan. Tahimik akong nakikinig sa mga pinag-uusapan nilang mag-ama. Peru minsan napapatikhim ako kapag may ‘di ako nagugustohan sa mga sinasabi nila.
Nang maka-baba ay saka pa lamang binigay ni Misha ang selpon ng Daddy niya. Ayaw pa sanang tanggapin ng asawa ko at gusto niyang iwanan sa anak ang selpon niya. Kaso ako ang nag-insist na kunin at baka may emergency call tumawag mamaya. At pa ‘no niya malalaman kung naka’y Misha ang selpon niya.
Nag-usap naman kami ng anak ko kanina na ang selpon ko ang gagamitin niya. Kasi alam niyang aalis ang Daddy niya. At okay naman sa kaniya na ang selpon ko ang gagamitin. Kaya’t napangiti naman ang asawa ko, dahil good girl daw ang prinsesa niya.
Syempre, kanino ba magmamana, kundi sa ‘kin.
Hinatid namin sila hanggang labasan. At nagpa-alam sa kanila… pinaghahalikan naman kami ni Liam at Llander. Pagkatapos ay may mga bilin pang… ‘wag raw kami lalabas ng walang kasama at ‘wag daw kaming aalis ni Misha sa bahay nang ‘di kasama si Kuya Rey.
Maiiwan kasi si Kuya Rey dahil wala kaming kasamang lalaki sa bahay. Hindi naman kami nababahala rito dahil exclusive subdivision naman ito. At isa ito sa pagmamay-ari ng pamilya nila. Kaso ‘di lang dito nakatira ang Mommy’t Daddy niya dahil nasa isang probinsya ito nakatira.
Lugar daw ‘yon ng Mommy niya… kung saan nagkakilala ang mga magulang nila. Ang ganda rin ng love story ng mag-asawang Cruz. Talagang mabibighani ka sa pag-iibigan ng dalawa. Naalala ko na naman ang kwento ni Mommy Lucy. Sobrang na inspired talaga ako no’n no’ng ‘di pa kami mag-asawa ni Liam.
Kahit pinag-hiwalay sila ng tadhana noon… ay mismong tadahana pa rin ang gumawa ng paraan para mag-kaayos silang mag-asawa. Nakakakilig ang love story nila. At sobrang tumatak talaga sa puso’t isip ko ang bawat sinabi ni Mommy Lucy sa ‘kin.
Huwag ko raw sukuan ang asawa ko, kahit anong mangyari. At lagi ko raw papakinggan ang mga paliwanang niya kapag nag-kamali siya. Sa ngayon ay maayos naman ang pagsasama naming mag-asawa. At masaya naman ang aming pamilya.
Peru sana… huwag naman kaming subukan ng panahon. At huwag rin kami magaya sa nakaraan ng Mommy’t Daddy niya. Dahil iba naman kami sa kanila.
“Wifey, are you okay?” napukaw naman ang diwa ko sa boses ng asawa ko, dahil sa pagbalik tanaw ko sa nakaraan.
“Huh? Uhmm…. yes, hubby, I’m okay.”
“Just tell me if you were sick. Para hindi na lang ako papasok… ihahatid ko lang si Llander sa school tapos uuwi ako agad.” may pag-alalang sabi ng asawa ko.
“No, I’m okay. Huwag mo na akong alalahanin, okay lang ako. Umalis na kayo, masyadong nang late ang anak mo.” pangungumbinsi ko pa sa asawa ko.
Tumango naman ito. “Alright. Peru kapag masama ang pakiramdam mo, don’t hesitate to call me, okay? Para naman maka-uwi ako agad.”
“Yes, Daddy.” Nakangiti kong sagot sa asawa ko.
Niyogyog ko pa si Misha sa gilid ko habang buhat buhat ko ito. Nag-usap pa sila saglit ni Kuya Rey, bago tuluyang nagpa-alam sa ‘min. Pinaalalahanan ko pa siya na mag-ingat sa pagmamaneho at kasama niya ang anak niya.
At bago pa siya pumasok sa sasakyan ay hinalikan pa niya ako sa labi at si Misha naman ay sa pisngi.
Nang tuluyan na silang umalis ay agad naman kaming pumasok sa loob, si Kuya Rey ang nag-sara ng gate tapos pumasok na rin sa loob. Agad kaming umakyat ni Misha sa taas. Papaligoan ko pa kasi ang prinsesa ko at amoy panis na kilikili na siya.
Shoot! Natawa naman ako sa amoy panis na kilikili. Dapat talaga hinihiwalay ang mga lalaki sa babae. Iba iba ang trip ng iniisip eh.
Una kaming pumasok sa kwarto ni Misha. Uunahin ko muna siyang paligoan bago ako, para makapag-laro na siya pagkatapos niyang maligo. Ibibilin ko rin muna siya kay Tanya kapag ako naman ang maligo. Medyo may katagalan kasi akong maligo kaya baka mainip lang ang anak ko sa kwarto kakahintay sa ‘kin kapag do’n ko siya iwanan.
Nilapag ko muna siya sa kama at nag-hanap ng maisusuot niya. Nang makahanap ako ng damit na… isusuot niya ay agad ko naman siyang binalikan at hinubaran. Naging sunod sunuran namn siya sa mga pinaggagawa ko sa kaniya at wala naman siyang mga katanungan kung anong pinaggagawa ko.
Siguro naisip niya na maliligo siya…kaya’t wala siyang mga naging tanong. Kilala ko kasi ang anak ko sa pagiging madaldal nito. Syempre ako ang nag-luwal kaya’t alam ko bawat tabas ng dila nito.
“Let’s go, baby.” aya ko sa kaniya.
Sumunod naman siya… at pumasok kami sa banyo niya. In-on ko ang shower at inayos ang temperatura. Nang maramdaman kong maligamgam na ang tubig ay saka ko nilusong si Misha. Napatalon talon pa ito sa ilalim ng shower at napapahingal dahil sa kakulitan nito.
Hindi ko naman ito sinuway kung ano ang gusto niyang gawin. Dahil ‘di mo ito masusuway, at talagang gagawin niya ang gusto niya kahit bawalan mo pa siya. Nakaantabay naman ako sa bawat kilos niya kahit maglilikot siya. Baka kasi madulas at baka mapatay ako ng tatay niya.