GENESIS: 1:14 And God said, Let there be light in the firmament of the heaven to divide the day from the night; and let them be for signs, and for seasons, and for days, and years:
SASHA’S POV
PAGKATAPOS NAMING KUMAIN ay pina-akyat ko na ang dalawang bata kasama ang Daddy nila. Mag-aayos pa kasi ang dalawang lalaki at si Misha naman ay papaligoan at aayusan ko rin. Unahin ko muna ‘yong may pasok bago ang princesa naming maliit. Inayos ko lang ang baon ng dalawa para sa pananghalian nila. Si Tanya naman ay nagliligpit ng pinagkainan namin. At si Kuya Rey ay lumabas na ng bahay at pinuntahan ang sasakyan para sa pag-alis nila ni Liam.
Personal driver s***h body guard kasi ni Liam si Kuya Rey. Peru madalang ay nagpapaiwan si kuya dito sa bahay para may kasama kaming lalaki. At ‘yon din ang utos ng asawa ko sa kaniya. Kapag uwian naman ni Llander sa hapon ay ako taga sundo nito at si Kuya Rey ang driver. Si Misha naman ay maiiwan rito sa bahay kasama si Tanya.
Pagkatapos kong maayos ang baonan ng dalawa ay saka pa lamang akong lumabas ng kusina at umakyat ng kwarto. Naka-handa naman na ang susuotin ni Llander kaya’t alam niya na ang gagawin. Tulad nga nang-sabi ko ay ‘di na ito nagpapatulong sa ‘min. Tanging siya na lang ang nag-aayos para sa sarili niya.
Pagpasok ko sa kwarto ay naabutan ko pa si Misha na nanonood sa selpon ng Daddy niya. Agad ko namang nilapitan ito at hinalikan sa ulo. Tinignan ko pa ang pinapanood nito at baka kung ano anong app na naman ang pinagpipindot nito, at may mapanood na ‘di para sa kaniya.
“Mommy, can I borrow your phone later? Because Daddy is going to work, so he can use his phone.” malambing na pakiusap ni Misha.
“Sure, baby. You can use Mommy’s phone.”
Nakangiting tumango naman ang anak ko at agad na binalik ang mata sa pinapanood. Umalis na rin ako sa tabi niya dahil aasikasuhin ko pa ang damit ng Daddy nila. Nilagpasan ko ang banyo at narinig ko pa ang lagaslas ng tubig sa loob nito.
Pumasok ako sa walk in closet at nag-hanap ng maisusuot ni Liam. Gusto kong ako lagi ang nag-aayos ng mga damit nila na susuotin. Mula sa pang-itaas at sapatos ay ako ang gumagawa. Kaya nga ‘di kami kumuha ng ibang katulong kasi gusto ko ako lagi ang nag-aasikaso sa kanila.
Kukuha na sana ako ng neck tie ni Liam ng marinig ko ang pag-bukas sara ng pintoan. Napatingin ako sa hubad baro nitong katawan mula ulo hanggang kailaliman. Tumutulo pa ang mga tubig sa katawan nito. Nag-lakbay ang mga mata kong nakatingin sa katawan ng asawa ko. At ‘di ko mapigilan ang mapakagat labi ng mag-lakbay pa pababa ang mata ko sa namumutok na tiyan nito.
Sa tagal tagal naming mag-asawa ay lagi akong napapahanga ng asawa ko. Bukod sa mabuting asawa na siya ay ubod ng gwapo at sarap pa.
“Enjoying the view, Mommy?” Napabalik huwisyo ako ng marinig ko ang mapang-akit na boses nito.
“Tse!” ismid ko.
Nakaka-enjoy naman talaga! Kaso embis na mapangiti ako ay naging maasim ang mukha ko sa kaniya. Naalala ko na naman kasi ang mga kalat nilang mag-ama kanina. Kaya embis na matuwa ako… ay inirapan ko siya.
Kala niya kasi abswelto na siya!
“Where you going? Why, so huryy, huh? Don’t you miss me?” Papalabas na sana ako ng kwarto nang hinapit ako sa baywang nito.
Napairap na naman ako sa hangin dahil alam ko na naman ang takbo ng utak nito. Halos araw araw ay gawain niya talagang akitin ako. Inaamin kong marupok ako pag-dating sa kaniya. But my gad! He’s totally insane. Talagang walang pinipiling oras o araw kapag inaatake siya ng kalibogan. At isa pa… may pasok rin siya!
Napapailing akong hinarap ang asawa kong binat na binat ang mukha dahil sa mapanuksong ngiti nito.
Masakyan nga!
Nang aakit na ngiti rin ang ginawa ko, kung sa’n naging mapungay ang mga mata nito. Kinuha ko pa ang extrang tuwalya sa balikat nito at pinunasan ang kaniyang leeg pababa sa kaniyang dibdib at tiyan.
Dahan dahan ang pa-punas ko sa katawan niya… hanggang sa tuluyan ko nang nakuha ang atensyon niya. Peru syempre kailangan kong gisingin ang diwa nito… baka ito pa ang dahilan nang ‘di niya pag-pasok sa opisina.
“TU.MI.GIL KA!” I’m emphasize the four word of TUMIGIL KA, habang tinuro turo ko ang pang-ibaba niya.
Tuluyan na akong lumabas ng kwarto, peru bago ko siya iwanan ay nakita ko pa ang kaawa awang hitsura ng asawa ko. Parang nakunsensya tuloy ako sa ginawa ko sa kaniya. Gusto ko sanang pag-bigyan kaso ‘di naman pwedi dahil may pasok siya.
At isa pa… ma la-late ang anak niya. Sinasabay niya kasi si Llander tuwing umaga. At tuwing hapon naman ay ako ang sumusundo sa panganay namin kasama si Kuya Rey.
“Mommy!”
Dali dali akong tumakbo palapit kay Misha ng tawagin ako nito. Dumadagondong ang dibdib ko dahil sa kaba kung ano ang nangyari sa anak ko. Maging si Liam ay napa-labas rin ng closet dahil sa pag-tawag ng anak namin sa ‘kin.
Pagka-lapit namin sa kaniya…ay nakita namin siyang tumatawa habang nakahiga at naka-dekwarto ang paa. May kung anong nakakatawa ang pinapanood niya sa selpon ng Daddy niya.
“Misha, why are you shouting? You scared the hell out of me, baby!” Bigla ko naman itong sinuri sa katawan at nakita kong maayos naman siya at ‘di nasaktan.
Wala itong kibo, bagkos ay pinaglipat-lipat niya ang tingin sa ‘min ng Daddy niya. Maging kami ni Liam ay nagka-tinginan rin sa isa’t-isa. Maya’t maya pa ay bigla na lamang itong tumawa at pinakita sa ‘min ang pinapanood niya. At gano’n na lang ang pagka-gulat ko nang makita ang pinapanood nito. Isa itong horror at nakaka-suka ang p*gkatay nito sa mga taong naging biktima ng k*ller. Embis na matakot itong anak ko ay tuwang tuwa pa siya sa mga pinapanood niya.
“Aren’t you afraid of what you’re watching, Princess?” umupo si Liam sa gilid ng anak niya… at nakinood rin habang tinatanong ang anak kung ‘di ito natatakot sa pinapanood.
“No, Daddy.” sagot naman ni Misha sa ama habang may pakurap kurap ng mata.
“And why is my princess not afraid?”
“‘Cause there’s nothing to be afraid of, Daddy.”
Napangiti ako habang nag-uusap silang mag-ama. Ang sarap pakinggan at nakaka-gaan ng puso bawat pag-uusap nilang dalawa. Bago pa humaba ang pag-uusap nila ay pinutol ko na ito.
“Alright, that’s enough. Daddy, mag-bihis kana… baka kanina pa tapos si Llander. Tapos ikaw wala pa…”
Hindi pa kasi nakapag-bihis ng damit si Liam dahil sa sigaw ni Misha kanina. Akala namin kung na pa ‘no na siya… e, ‘yon pala dahil sa horror na pinapanood niya. Take note! ‘Di siya natatakot huh! Bagkos ay tuwang tuwa pa.
“Mom, where’s dad? We’re gonna be late.” nakabusangot na mukha ni Llander pagpasok sa kwarto naming mag-asawa.
Nakabukas naman kasi ang pintoan ng kwarto kaya malaya itong naka-pasok. At ito na nga ang sinasabi ko, ‘pag walang susuway sa kanila. Talagang madadamay ang isa.
“Wait, baby. Tutulungan ko lang si Daddy mag-bihis. Baka kasi ‘di na siya marunong mag-suot ng damit.” biro ko pa sa anak ko.
“Why doesn’t Daddy know how to wear clothes, Mommy? ‘Di pa po, big na po, siya? Ako nga… runong nga ako, suot damit e…” singgit naman ng babae ko.
“He’s just flexing his muscles, Mish. That’s why Daddy doesn’t wear clothes.”
“I don’t see his muscles, kuya. I only see his tummy getting a little bigger little by liitle.” natatawang sabi pa ni Misha.
Maging kami ni Llander ay natawa rin sa kaniya. Kung narinig pa ni Liam ang pag-uusap nilang mag-kapatid baka nakasambakol na naman ang mukha ng asawa ko sa kanila.
“Alright, that’s enough. Daddy might hear us,” putol ko sa pambubully nila sa ama.
“Okay, Mom. Can you please tell Dad to hurry up? Because we’re going to be late. And if he still doesn’t know how to wear clothes, please don’t make him bother to get dressed. We can go without him having clothes to wear.” Napahinto ako sa paglalakad papuntang closet nang marinig ko ang sinabi ni Llander sa ama.
Naka-upo ito sa sofa kung saan may mapag-larong ngiti ito sa labi. Nakikinita ko sa imahinasyon ko kung ano ang hitsura ng asawa ko ‘pag walang damit na suot habang nagmamaneho.
At ‘di ko mapigilan ang mapahagalpak ng tawa dahil sa naiisip na kapilyohan ng mga anak ko. Maging si Misha ay grabi kong makatawa. Halos sumakit na ang tiyan naming mag-iina dahil ang asawa ko na walang kamalay malay ay pinag-u-usapan nila.
“Mukhang, ako pinagtatawanan n’yo, ah!”