CHAPTER 8: A YOUNG BOY AND A FEELING YOUNG!

1060 Words
GENESIS: 1:13 And the evening and the morning were the third day. SASHA’S POV INAKAY KO PABALIK sa taas si Llander. Ayaw ko namang paunahin siya do’n sa kusina at siya lang ang mag-isa do’n. Tinawag pa kasi ni Tanya si Kuya Rey, kaya wala siyang makakasama do’n sa loob. Pag-karating sa taas ay agad kaming tumungo sa kwarto. Binuksan ko ito at agad na bumungad sa ‘min ang dalawang naghaharotan at nagta-takbohan. Parang panawan ako ng ulirat ng makita kong nag-kalat na lahat ng mga gamit ko sa sahig. Pati mga libro na binabasa ko ay wala na sa tamang ayos. Maging ang make up ko na nasa vanity ay nag-kalat sa sahig. Biglang umakyat ang dugo ko sa ulo nang makita kong nakangisi pa ang dalawa ng makita ako. Dali dali kong nilapitan ang asawa ko para kurutin… kaso tinakbuhan ako nito. Si Misha naman ay tuwang tuwa pa dahil nagha-habolan kami ng daddy niya. Tanging si Llander lang ang hindi masaya… at parang walang paki sa mga kaganapan sa loob ng kwarto naming mag-asawa. Embis na ako ang huhuli ay siya mismo ang humuli sa kamay ko, para ‘di ko siya makurot. Niyakap ako nito at kinulong sa braso patalikod. Ngayon ay naka-harap ako sa mga anak na panay tawa nang tawa ang isa. “Tumigil ka Liam! Bitawan mo ‘ko, ikaw talaga tutudasin ko, ‘di mo ‘ko binatawan. Ikaw na naman ang pasimuno ng mga kalat rito!” nanggigil kong bulong sa kaniya. Gusto ko man siyang bulyawan ay ‘di ko magawa dahil nakatingin sa ‘min ang mga bata. Plus pa ang princesa naming tuwang-tuwa. May pa sayaw sayaw pa siya sa ibabaw ng kama. “Nag-luto lang ako sandali… tapos ganitong kwarto na ang mabubungaran ko pag-balik? Bitawan mo ‘ko, makakatikim ka talaga sa ‘kin ‘pag ‘di mo ‘ko binitawan.” may halong pagbabantang sabi ko. Agad naman niya akong sinunod. Sinamaan ko muna siya ng tingin bago ko sila talikuran na dalawa. Nahagip pa ng mata ko ang bubwit na panay ngisi habang naka-sunod ang tingin sa ‘kin palabas ng kwarto. Inakay ko pabalik si Llander dahil siya lang ang matino kaysa sa ama niya. Minsan naiisip ko… parang may isip pa si Llander kaysa sa daddy niyang gahul. Kung ikukumpara mo ang dalawa… mas matino pa ang anak naming panganay sa kaniya. Aggrr… kakainis! Kala niya makakapasok siya ng opisina kapag ‘di niya nilinis ang kwarto. Humanda na talaga siya sa ‘kin mamaya. “You look so stressed with the two, Mommy.” seryusong sabi ni Llander sa ‘kin. Binalingan ko naman ito nang tingin. Hindi mo makakaila na ‘di ito anak ni Liam dahil kung titigan mo ay kuhang kuha ang niya fearures ng daddy niya. Ang ugali lang talaga nito ang ‘di namana sa ama, bagkos ay sa tita Liana niya nakuha ang pag-uugaling meron siya. Napaka-seyuso at tahimik. Peru nagmamasid. Mga walang paki sa paligid ba ganurn. “Yes, baby. Especially your dad.” sumbong ko rito. Tumango naman siya at ngumiti sa ‘kin. Kaya’t napangiti rin ako pabalik sa kaniya. Parang nawala ang inis ko sa isang ngiti lang ni Llander. Nag-hain na ako sa mesa at saktong patapos na ako sa paghahain ay siyang sunod sunod na pag-pasok nila. Nasa likuran naman si Tanya at Kuya Rey na naka-sunod rin sa dalawa. Inirapan ko ang asawa ko nang ‘di pinapakita kay Misha. Mahirap na baka sasabihin na naman niya galit na naman ako sa kaniya. Kung kahapon ay ‘di ako galit peru ngayon… slight lang kasi alam kong siya ang nag-kalat ng mga make up ko sa lapag. Binuhat ko ito at inupo sa high stool na para sa kaniya. Hindi niya pa kasi abot ang mesa kaya may sariling upoan siya. Nang masiguro kong maayos na siyang naka-upo ay nag-sandok na ako ng pagkain para ibigay sa kaniya. Hiniwa hiwa ko muna ang pork chop bago ko ilagay sa harap niya. Nag-lagay rin ako ng sabaw at gulay sa kanin para may sustansya ang kinakain niya. Nagpa-pa-salamat pa rin ako kasi ‘di siya mapili sa pagkain. Lahat kinakain niya… mapa-gulay man o karne. Kaso minsan talaga ay ‘di mawawala sa kaniya ang fried chicken dahil ‘yon ang gusto niya. Kaya kapag wala akong maihain sa kaniya na ckicken ay to da explain na naman ako kapag siya ang kaharap ko. Pinag-lihi kasi ito sa tanong kaya panay tanong nang tanong. Nang maayos ko ang pagkain ni Misha ay saka ko naman binalingan ang panganay ko. Tulad ni Misha ay kailangan mo pang pag-silbihan. ‘Di tulad ni Llander ay na ‘di mo na kailangan pag-silbihan. Maliban na lang kung ‘di niya abot ay magpapa-tulong siya. The rest wala na… at halos siya ang gumagawa. “Mommy, why aren’t you eating yet?” tanong ni Llander sa ‘kin. Napatingin naman silang lahat sa ‘kin. Pa ‘no ba naman e, nakatayo pa ako at ‘di pa sumasandok ng pagkain. Binalingan ko naman ng tingin ang magaling kong asawa at nakita kong nakakunot ang mga nuo. Iirapan ko na naman sana siya kaso naalala ko nakatingin sa ‘kin ang dalawang bata. Kaya embis na irapan ay tinaasan ko na lang ito ng kilay. At mukhang effective naman dahil naging sunod sunod ang pag-lunok nito. “I though you just needed help, baby. That’s why mommy hasn’t eaten yet.” nakangiti kong sagot sa anak ko. Tumango naman siya at ngumiti rin pabalik. Kaya’t ang mga tao sa paligid ay nakangiti rin sa kaniya. Maliban kay Misha na busy sa pagkain at punong puno ang bibig. Pa ‘nong ‘di mapupuno kung sunod sunod ang subo. “I’m fine, Mommy. You can eat now. I’ll ask Daddy for a help if I need something. So, don’t bother yourself, okay? I’ll be fine. Remember, I’m a grown man now, right Dad?” “Right, son.” Napahinto ako sa pag-sandok at pinag-lipat lipat ko ang tingin sa kanilang dalawa. Maging si Tanya at Kuya Rey ay napatingin rin sa kanila. Kunot noo kung tinignan ang asawa ko, peru kinindatan lang ako nito. Mukhang wala akong laban kapag lalaki sa lalaki na ang mag-usap. Isang batang lalaki at isang feeling bata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD