Genenis 1:12 And the earth brought forth grass, and herb yielding seed after his kind, and the tree yielding fruit, whosw seed was in itself, after his kind: and God saw that it was good.
SASHA’S POV
BINUHAT KO SI MISHA papasok ng aming kwarto dahil narinig siya ni Liam na umiiyak. Kaya nabahala ang ama baka kung na pa ‘no ang anak niya. Kaya embis na dalhin sa baba ang bunso namin ay pinatabi ko sa kaniya dahil humihikbi pa rin ito. Yakap yakap naman nito ang bunny bear niya habang papunta sa ama.
Agad na pinaghahalikan ni Liam si Misha kung kaya’t tumahan ito. Bumalik sa pag-higa ang asawa ko at pinatabi ang anak niya sa kaniya. ‘Di naman tumutol ang princesa namin at tumabi ng higa sa daddy niya. Parang ‘di na nila ako nakita na dalawa kapag silang dalawa na ang mag-kasama. Embis na mainis ay natuwa pa ako sa kanila habang pinagma-masdang natutulog.
Ilang minuto pa akong nanatili sa harap nila bago ko napagdesisyonang umalis. Dahan dahan ang bawat pag-sara ko ng pinto sa kwarto para ‘di magising si Misha. Kulang lang pala sa tulog kaya umiiyak. Kala mo kung maka-atungal ay aping-api siya.
Peru wala tayong magagawa kasi… bata. Kaya dapat mahaba ang pasensya nating mga magulang sa mga anak natin. Hindi naman sila makukulit. Peru grabi lang sila maka-iyak na kala mo ay pinagkaitan ng laruan. At kung maka-atungal daig pa baka sa ingay.
Malapit na ako sa pang-hulihang baitang ng makita ko si Tanya palabas ng kusina na may bitbit na dalawang mug na may lamang kape. ‘Di niya ako na pansin kaya deri-deritso lang ang lakad nito.
Nang makarating sa baba ay agad akong pumasok sa loob ng kusina para mag-handa ng agahan. Na-amoy ko pa ang nakakalat ng bango ng kape sa loob ng kusina. Bigla namang kumulo ang tiyan ko nang maamoy ko ang bango ng aroma nito. Dali dali akong kumuha ng mug para templahan ng kapa ito upang mainitan ang tiyan ko.
Pagkatapos mag-templa ay agad akong humigop kahit mainit pa. Syempre hinipan ko muna para ‘di ako mapaso. Mahirap na kapag mapaso ang labi ko at makita ng asawa ko, baka sumpain pa ang kapeng iniinom ko. Ilang lagok pa ang ginawa ko, bago ako kumilos para kumuha ng mga lulutoin.
Usual breakfast pa rin ang gagawin ko, peru sasamahan ko ito ng may sabaw. Para ‘di laging tuyo ang ulam namin… pinaghihiwa ko ang mga gulay bago ako humiwa ng sangkap. Nang masiguro kong kumpleto na ang lulutoin ko ay saka pa lamang ako nagpa-kulo ng tubig.
Mabilis lang kasi magpakulo… kung inuna ko ito. Baka mag-kanda sugat sugat pa ako sa pag-hiwa. Embis na makapag-luto ako, ay baka ‘di pa matuloy. Mahirap kaya may sugat sa kamay.
Ilang minuto lang ang hinintay ko ay kumulo na ang tubig. Nilunod ko isa isa ang mga sangkap bago ang gulay. Nang makita kong nalunod ko na silang lahat ay agad ko itong tinimplahan. ‘Di ko pa muna ito tinikman bagkos ay tinakpan ko muna ito.
Habang naghihintay na maluto ang gulay ay sinalang ko na rin ang kawali. Maglu-luto ako ng itlog, ham, bacon, at hotdog. Tapos fried pork chop naman ang gagawin ko para kay Misha. Halos fried chicken kasi ang gustong iulam nito tuwing umaga. E, ayaw ko naman ng gano’n… kaya minsa ay pinag-salit-salitan ko ang pag-luto ng manok at baboy. Minsan naman wala…. dahil ayaw ko namang araw arawin niya ito.
Peru ngayon ay papakainin ko siya ng gulay. Malusog naman ang mga anak ko, peru iba pa rin ang sustansya ng gulay sa katawan nila. Nag-luto ako ng laswa dahil purong gulay talaga ito, at puno ng bitamina. Kaya’t nararapat ito sa asawa at mga anak kong mga cannibal.
Pambihira kasi! Puro na lang sila karne… ni gulay ay ayaw nilang pansinin. Kaya nga gustong gusto kong mag-tanim ng mga gulay rito dahil ‘yon ang lulutoin ko sa kanila. Next week mag-go-grocery kami ni Tanya. Bibili ako ng isda… at karne na baka. Para balanse ang kinakain nila… ako ang masusunod sa mga kinakain nila. At dapat healthy ang kainin nila para makaiwas sila sa sakit. Kahit ‘di sila sakitin ay mas mainam may sustanya at resistensya ang kanilang mga katawan.
Patapos na ako sa pag-preto nang pumasok si Tanya sa kusina. Nagulat pa ito ng makita akong kabilaan ang ginagawa. Kaya’t dali dali itong lumapit sa ‘kin para tulungan ako. Nag-hingi pa ito ng pasensya dahil raw sa kabagalan niya. Natawa naman ako sa kaniya… parang bata kung pangaralan ang sariling kamalian. Kahit wala namang problema sa ‘kin.
Bata pa si Tanya at nasa twenty three pa lang. Tulad ko ay ulilang lubos na rin ito sa mga magulang. Nag-sikap ito para mabuhay ang sarili. Namasukang katulong sa pamilya ni Liam at nang makilala ko ito noon ay nasa dise sais pa lang. Pinag-aral ito ng mag-asawa habang nagta-trabaho sa kanila. At nang makapag-tapos ay ‘di pa rin ito umalis sa kanila bagkos ay nanatili ito at sumama sa ‘min ng asawa ko no’ng kami ay kinasal.
Saksi lahat si Tanya sa pagmamahal naming mag-asawa. Kung minsan nga ay maabutan pa niya kaming nagla-lambingan ni Liam. At no’ng nabuntis ako sa dalawa ay nadiyan siya at laging naka-sunod sa ‘kin dahil utos daw ng kuya niya. Kaya simula no’ng sa ‘min na siya ay naging kampante at panatag ang loob ko sa kaniya. Tinuturing niyang mga kapatid ang mga anak ko, ‘di dahil wala siyang mga kapatid kundi mahal na mahal niya sina Misha at Llander.
Tulad ko ay naka-graduate din si Tanya ng business management. At may pwesto na sana ito sa kompanya nina Liam dahil wala namang balak mag-trabaho ang dalawang kambal na kapatid nito.
Kaso ang sabi ni Tanya ay sa amin na lang daw siya para may kasama raw ako sa bahay. Mahirap daw kapag wala akong kasama dahil ako lang daw ang mag-isa ang maiiwan sa bahay naming mag-asawa. Kaya’t simula no’n ay lagi-lagi namin siyang kasama.
“Ate, kumukulo na po ‘yong gulay.” tumango ako sa kaniya at tinapos ang pag-preto ng pork chop para malagay sa pinggan.
“Kunin mo muna ‘to, at ilagay sa lamesa. Titikman ko lang ‘yong gulay. ‘Di ko kasi muna tinikman ‘yon… dahil ‘di pa kumukulo.”
Agad naman siyang tumalima sa inutos ko at kinuha ang plato na may lamang prito na ulam ni Misha at nilagay ito sa lamesa. Nag-dagdag pa ako ng pampalasa sa gulay pagkatapos ko itong matikman. Medyu matabang kaya’t dinagdagan ko ng kunting asin at seasoning.
Nang maluto ay hinayaan ko muna ito at ‘di muna ako nag-hain nang wala pa ang kakain. Gusto ko mainit ang kakainin nila para ganado sila sa pagkain. Pangit kasi kapag malamig na ang pagkain mabbilis silang mabusog.
Sinabihan ko si Tanya na tawagin si Kuya Rey para maka-sabay silang kumain sa ‘min. Ang dami kasi ng niluto ko kaya tamang tama lang ito na sabay sabay kaming lahat kumain.
Palabas na ako ng kusina ng makasalubong ko ang pangay ko. Nagkukusot pa ito ng mata at halatang inaantok pa. Gayun paman ay napaka-responsably itong bata. Alam niyang may pasok siya sa school ay ‘di na siya nagpa-pa-tawag sa kwarto niya tuwing umaga. Siya ang kumukusa para sa sarili niya na maging ng maaga para ‘di siya ma late. Kahit may mga assignmet siya ay siya lang mismo ang gumagawa. Ni ‘di siya nagpapatulong sa ‘min ng daddy niya.
Kaya’t ‘di nakakapag-taka na nakuha niya ang pagiging responsably ng ama niya. Ang swerte ko sa pamilya ko… ang saya ng buhay ko, dahil nagkaroon ako ng anak at asawang marunong bumangon sa buhay.
Kahit six years old pa lang si Llander ay marunong na siyang mag-ayos at bumangon para sa sarili niya. Minsan gusto ko siyang buhatin kasi gustong gusto kong bini-baby sila kaso ayaw niya, dahil big boy na raw siya. Kaya’t nalulungkot ako… dahil inaayawan na niya ako. Kung dati ay panay hanap niya sa ‘kin para magpa-buhat ngayon naman ay sasabihan niya akong malaki na siya at ‘di na baby.
Minsan gusto kong maiyak habang lumalaki ang mga anak ko. Pa ‘no kapag naging dalaga at binata na sila. Hindi ko na sila mabubuhat at mahahalikan kapag kung kailan ko gusto. Nalulungkot ako. Bilang isang ina ay dapat maging handa ako sa panahon na magkaroon sila ng kanila kanilang buhay.