Matapos ang pagtugtog nila ng piniling piyesa sa pangalawang eliminasyon, agad-agad na inanunsyo ang mga kalahok na magpapatuloy sa huling bahagi ng kompetisyon. Nakahinga si Lucita nang maluwag nang matawag ang pangalan niya sa mga napili. Sa wakas, napagtagumpayan din nila ang pangalawang pagsubok. Subalit, hindi pa tapos sapagkat patungo pa lamang sila sa totoong labanan.
Ang mga mapipili sa huling eliminasyon ang mabibigyan ng scholarship at pagkakataon na makasali sa orchestra. Kasama na sa premyong ito ang salapi na malilikom nila kung sila ay mananalo.
"Binabati ko kayong mga nakapasa sa ikalawang eliminasyon!" Nagpalakpakan ang lahat ng mga tao sa loob nang sabihin iyon ng punong-hurado. Nakahilera ang mga napili sa entablado at nakaharap sa mesa ng mga hurado. Sa labing-tatlong musikero kanina, anim na lamang silang natira.
Saglit na natigilan si Lucita sa pagpalakpak at sumulyap sa lalaking katabi. Nakangiti lamang si Louis at nakatutok ang mga mata sa harap. Ayaw man niyang aminin, subalit tunay na may utang na loob siya rito. Hindi siya makakarating sa paligsahan kung hindi sila tinulungan ni Louis kanina.
Nang matapos ang anunsyo, lahat ng mga kalahok ay naisipan nang umuwi upang makapagpahinga. Kabuntot niya si Alexei sa likod nang makita nila si Louis na palabas ng gusali.
Lakad-takbo niyang hinabol ang lalaki sa pinto. "Louis."
Napahinto naman ito at napalingon sa kaniya. Nakaawang bibig nito na parang nagtaka sa kaniyang pagpigil.
"Hindi ko mararating ito kung hindi mo ako tinulungan kanina. Maraming salamat."
Nagkatinginin sina Alexei at Louis. Kapwa nagtataka ang dalawang lalaki dahil sa biglang pagbabago ng personalidad niya.
Nahulaan ni Lucita kung anong iniisip ng dalawa. Malalim siyang napabuntong-hininga. "Kahit ganito ako may pagkakataon din naman na kayang kong maging mabait. Lalo na kung mayroon akong utang na loob."
"Is this real?" Hindi pa rin makapaniwala si Louis. Unti-unting lumawak ang ngiti nito. "So that means you're agreeing to date me."
Naiirita na naikot ni Lucita ang mga mata. "Napakayabang mo talaga. Pero kung iyan lang ang paraan para makabayad ako sa 'yo, sige kahit isang beses lang."
"Then I'll pick you up at the hotel later." Ngunit hindi pa rin napapalis ang ngisi sa mukha ni Louis.
"Okay, I'll wait for you."
Iyon lamang at tumalikod na siya saka inunahan ang lalaki palabas ng pintuan. Hindi na siya nagpaalam. Mabibilis ang kaniyang mga hakbang na naglakad palayo.
Samantala, gulat na gulat naman si Alexei sa narinig. Napatulala muna ito nang ilang segundo bago sumunod sa likuran niya.
"What did you tell him?" usisa ni Alexei na kasabay niya sa paglalakad.
"I said I'm willing to date," simple niyang tugon na hindi ito tinitigan.
Napasinghap ito dahil nabigla sa kaniyang diretsong pagsasabi. "He was just joking about the date, yet you believe him. Your father might be angry when he finds out."
"Who said that he was joking? I have to pay him, too. I don't want to be indebted."
"And this is your way?" sarkastikong tanong nito.
Napatigil siya sa paglalakad, tinaasan ng kilay ang lalaki at hinarap. Pinagkrus pa niya ang mga braso na parang nagtataray. Kung hindi sila magkaibigan, aakalain niyang nagseselos ang binata. Pero impossibleng may damdamin sa kaniya ito.
"So what? Have you thought of any other way to pay him? My father does not have time for me; do you think he cares about who I date? It was just a date. That doesn't mean he's going to be my boyfriend. He's definitely not my type."
Natameme naman si Alexei. Mukhang hindi alam ng binata kung paano sasagutin ang mga sinabi niya. Nawalan ng pasensya na tumalikod muli siya at dire-diretsong umalis.
***
Katulad ng inaasahan niya, tumupad si Louis sa usapan. Sinundo siya nito sa silid subalit hindi pa rin umuuwi ang kaniyang ama kaya hindi nito nakilala ang lalaki. Si Alexei naman ay nanatiling nakakulong sa sariling kuwarto, hindi na ito lumabas pa simula nang makauwi sila sa hotel.
Sa isang pribadong restaurant siya dinala ni Louis. "Is this your first time going through a date?"
"No. But my first date was kinda awkward," pag-amin niya.
Inurong nito ang isang upuan upang doon siya paupuin. Napansin ni Lucita ang pagiging maginoo ng lalaki. Ito rin ang nagbukas ng pinto ng resto para sa kaniya.
Nang makaupo roon ay inayos niya ang bulaklaking pencil skirt. Naka-tuck-in din ang kulay dilaw niyang polo shirt. Dahil sa ayos ay lumabas ang hugis ng balingkinitan niyang katawan.
Kinulot din niya ang ibaba ng tuwid na buhok sapagkat napansin niyang nahuhuli na siya sa uso. Kailangan din niyang mag-ayos paminsan-minsan.
Nang makaupo silang dalawa, nilapitan agad sila ng waiter at kinuha ang kanilang oorderin.
Nakaramdam ng pagkailang si Lucita nang sila na lamang ang naroon. Nakabaling ang atensyon niya sa plato nang magsalita ang lalaki.
"Salamat sa pagbibigay sa akin ng pagkakataon," simula nito.
Masama siyang napatingin dito. "Ayaw ko lang ng utang na loob."
"Sinabi sa akin ni Alexei na marami ka raw ayaw kaya hindi na ako magtataka kung bakit naiinis ka sa akin."
Hindi siya umimik sa sinabi nito.
"I came from a family of businessmen. Hindi ko iyon matatago sa 'yo." Kahit sinabi na Alexei na kailangan itong itago, ibinulgar pa rin ni Louis. "Maaaring isa ito sa dahilan kung bakit ayaw mong makipagkaibigan sa akin."
"Halata naman na anak-mayaman ka." Hindi iyon kinagulat ni Lucita, inaasahan na niya. "Pero hindi dahil doon kaya ayaw ko sa 'yo."
"Really?" anito.
"Masyado kang mahangin."
"May magagawa ba ako kung iyan ang tingin mo sa akin?" Mapanukso lamang itong ngumiti.
Malaki ang pagkakaiba nila ng lalaki— sa ugali nito, sa estado at sa pananaw. Nakita niya at naranasan ang hirap ng digmaan, ang isang ito mukhang hindi. Siguro ipinanganak itong may gintong kutsara sa bibig.
"Some businessmen profit from war but some don't. Siguro isa na ang pamilya ko roon."
"Talaga ba?" pakikipagtalo niya.
"Hindi mo ba nakita ang mga gusaling pinasabog ng hapon? Ang iba sa kanila, nagawang makatayo muli, ngunit ang iba ay hindi. Tingin mo walang negosyante na nagmamay-ari ng mga gusaling iyon? Mayaman o mahirap, pagdating sa digmaan, pare-pareho tayong nahihirapan. Sapagkat kahit ano pa ang pinaglalaban natin, nabubuhay pa rin tayo sa iisang mundo."
Binale-wala niya ang sinasabi nito. Dumating na ang pagkain nila. Inilapag ng waiter sa harap nila ang putahe, doon niya ibinaling ang paningin.
"However, we are known for our resilience. No matter what comes in our way— storms or war— we will keep standing. That's something I'm truly amazed by," dugtong ni Louis. "Do you believe there's no winner in war?"
Sa wakas, nakuha na rin ng lalaki ang kaniyang atensyon. Gusto niya ng mga ganitong usapan. Malalim. Mayroon silang mapupulot sa isa't isa. "Yes. Both opponents wanted to be the victor, which resulted in both of them losing. What benefits do they get from destroying one another?"
"You maybe right. Pero kahit saang anggulong tingnan may mga bansang yumaman dahil sa digmaan. War is always profitable."
Kumunot ang noo ni Lucita. "Yes it is."
"Regardless of whose side you choose... both of them are cruel; both of them want to write they are the victor. But in reality, both of them are evil, attempting to twist the truth to their benefit. These men think they're fighting monsters but they're not aware they have become monsters themselves."
Makahulugan ang mga salita ng lalaki pero wala itong balak na magpaliwanag. Hindi niya masyadong maintindihan ang pinupunto nito kaya hinayaan na lamang niya itong magpatuloy sa pagsasalita.
"When normal citizens just want to live or survive each day, these powerful men think they can control us. Greed is evil, power can corrupt even the kindest person. Idol worshipping these individuals with god-complex is for nincompoops. I don't care whatever they were fighting for, it's all nonsense to me."
Napangisi si Lucita. "I get your point. Akala ko ay puro hangin ka lang, may laman pala ang utak mo. Sinasabi mong hindi lang mga Pilipino ang kawawa sa digmaan. At kasalanan ito ng mga namumuno sa bawat bansa."
"Parang ganoon na nga at biktima rin ang mga sundalo. In war, they don't have a choice. Its either you kill or get killed. But they're killing not because they want to. They're killing to protect," pagpapatuloy nito, "Naiintindihan mo ba, Lucita? Kaya walang saysay na magalit ka sa mga dayuhan, sundalo, o negosyante."
"I don't think so. Psychopaths with guns love doing that." Naalala ni Lucita ang mga hapon na gumahasa at pumatay sa kaniyang ina at ginawa pa sa kaniyang harapan. "They don't have a choice? Don't give me that sh*t."
"Huwag mong sabihin na wala silang pagpipilian kundi manggahasa ng babae? Nasa digmaan tayo, oo, kailangang pumatay ng kalaban, pero kailangan din bang manggahasa at pumatay ng sibilyan? Walang kinalaman ang mga inosente sa laban ng mga bobo."
Natahimik si Louis. Naaaliw itong makipagpalitan ng paniniwala at lalo lang yata itong naging interesado sa kaniya.
"Kapag naging sundalo ka ba sa digmaan, kailangan mong maging sunod-sunuran at iwan ang sariling utak sa bahay? Alam ko na hindi lahat ng sumali sa laban ay ginusto iyon... isa na siguro doon si Alexei. Pero hindi lahat ay mabuti, may mga ganid sa laman na umabuso sa digmaan."
Napabuntong-hininga si Lucita at sumandal sa upuan.
"Bakit hindi natin ipadala ang mga presidente sa labanan? At kung sino ang makaputol ng ulo nila, doon magtatapos ang lahat. Tutal sila naman ang gustong mag-away-away, sila na lang ang magpatayan. Dinadamay pa nila ang iba."
Hindi na napigilan ni Louis ang mapatawa nang malakas. Muntik pa itong mabilaukan sa pagkaing sinusubo. Grabe talaga makapagsalita si Lucita, walang preno at walang halong pagbabalatkayo.
Ngunit mukhang ito ang isa sa mga nagustuhan ni Louis sa dalaga — tapat at hindi marunong magkunwari. "I like your guts, Lucita. I also like your wit," pagtatapat nito.
"I can say the same thing to you."
"Do you think I have a chance?"
"You're overconfident. I don't know."
"But are you interested in someone else?"
"What?" Nagtatakang-napatingin siya rito at natigilan sa pagkain.
"Do you have another person you like?" Inulit nito ang tanong. Nakapokus ang mga mata sa kaniya.
Bigla siyang natahimik dahil sumagi sa isip niya si Alexei. Gayunman, hindi pa rin niya sigurado sa sarili kung may nararamdaman siya para sa binata. Mabait ito, magalang, mapagkumbaba kabaliktaran ni Louis na halos lumubo na ang ulo dahil sa pagiging mahangin.
Subalit maraming dalahin sa puso si Alexei. At magkaiba sila ng mundong ginagalawan. Balang-araw din, aalis ito sa bansa sapagkat kailangan nitong makabalik sa tunay na tahanan. Walang saysay kahit mayroon pa siyang mabuong pag-ibig para dito.
"Lucita?" untag ni Louis sa kaniyang pananahimik.
"No. I- I don't..." maikli niyang tugon. Diretso siyang tumitig sa mga mata ng kausap.
"Well, If you didn't like someone else, it means I have a chance." Matamis na ngumiti ito sa kaniya.
"Huwag mong isipin na madali akong babae," wika niya rito at umirap.
"Mukha ngang pahihirapan mo ako," biro naman nito.
Naging maayos ang una nilang tipanan. Kahit hindi pumayag si Lucita sa balak nitong panliligaw, mukhang wala na siyang magagawa dahil mapilit ang lalaki. Tila lalo itong naging interesado sa kaniya dahil hindi siya basta-bastang babae. Napakahirap daw niyang amuin. Kakaiba raw siya sa lahat ng mga nakilala nito.
***