"Your feelings are valid."
***
Napatulala si Lucita nang ianunsyo ng tagapangasiwa ng tanghalan ang mga napiling mga musikero. Mistulang naestatwa siya sa pagkakatayo roon, hinintay niyang mabanggit ang kaniyang pangalan subalit wala siyang narinig. Sa kanilang anim na kalahok, tatlo lamang ang napili at napabilang doon si Louis. Nagpalakpakan ang mga tao at binati ang mga nanalong kandidato.
Samantala kahit pumapalakpak ay nag-aalala ang mga mata ni Louis na nakatingin sa kaniya. Katabi niya ang lalaki at bumulong ng, "Lucita, ayos ka lang?"
Subalit parang hindi niya ito narinig. Iginiya na sila ng isa sa mga tauhang babae ng patimpalak, pinababalik na sila sa likod ng entablado. Walang sinabi o emosyon na sumunod si Lucita sa babae.
Napanganga na lamang si Louis na sinundan siya ng tingin, pinaiwan naman ang mga nanalo sa gitna ng tanghalan.
Nang makarating sa likod, sinalubong siya ni Alexei na naghihintay sa kaniya. Nag-aalala rin ang mga mata nito.
Subalit wala siyang lakas nang loob na humarap sa lalaki. Nahihiya siya rito. Nahihiya siya sa sarili. Hindi niya matutupad ang perang ipinangako niya rito.
Saan siya nagkamali? Ibinigay naman niya ang makakaya subalit kinulang pa rin. At bago pa man tumulo ang kaniyang mga luha, nilagpasan niya ang lalaki at dire-diretsong pumunta sa labasan. Subalit pinigil nito ang braso niya.
"Wait." Pinaharap siya nito ngunit hindi siya makatingin nang diretso. "Its okay."
Pinipigilan pa rin niya ang mga luha na nagbabantang tumulo.
"Losses are part of the game. Your hard work doesn’t go unnoticed so keep your heads up. You did very well."
Hindi siya nagsalita sa sinabi nito. Naiisip pa rin niya ang kahihiyan sapagkat nakita rin ng kaniyang ama at kapatid ang kaniyang pagkatalo. Ito ang unang beses na pinanood siya ng kaniyang ama sa tanghalan ngunit ito pa ang kinahinatnan ng lahat...
Napakahalaga din nito sa kaniya dahil ito ay pangarap niya. At ang matalo rito ay isa sa pinakamasakit na nangyari sa kaniyang buhay.
Hindi niya napigilan ang mga butil ng luha gayunman ayaw niya iyong ipakita kay Alexei, tumalikod siya at pinunasan ang mga iyon. Pinipilit niyang pakalmahin ang sarili subalit hindi niya nagawa.
Napakislot siya nang tumapat sa kaniya si Alexei at ipinaikot nito ang mga braso sa katawan niya. Hindi niya inaasahan na kakabigin siya nito payakap. Huminto nang saglit ang t***k ng puso niya at dinama ang init ng katawan nito.
"It's alright. You may not have won this time, but there will be more opportunities ahead. This is not the end."
Hindi siya nagsalita. Ilang minuto na nasa ganoong ayos lamang sila nang marinig ang pamilyar na boses.
"Lucita." Dumating si Louis at nakita silang nasa ganoong posisyon. Parang natuklaw sila ng ahas na napalayo sa isa't isa. Naging mailap ang mga mata nila na hindi makatingin nang diretso kay Louis.
Pinunasan agad ni Lucita ang mga luha. Mas lalong nakakahiya kapag nakita siya ni Louis sa ganitong estado.
"I'm sorry about what happened." Ngunit hindi na sinita pa ni Louis ang nakita. Imbis na magselos ay piniling kumustahin nito ang damdamin ni Lucita.
"Bakit ka humihingi ng pasensya? Wala kang ginawang mali. Ganoon talaga. May nananalo at may natatalo. Hindi ko dapat iyon iniiyakan." Mas matatag ang mukha na bumaling siya rito. Sa harap ni Louis hindi niya hahayaan ang sariling magpakita ng kahinaan. Baka isipin nitong iyakin siyang babae. Ayaw niyang mabago ang positibong paningin nito sa kaniya. Ma-pride din siyang tao.
"No," seryoso at madiin na sambit nito. "It’s okay to feel the way you do. Your emotions deserve acknowledgment."
Inaasahan niya na tatawa rin ito at babalewalain ang damdamin niya subalit naunawaan ng lalaki. Mali ang pagkakakilala niya rito. Kahit mahangin ang ulo ay may pakialam ito sa damdamin ng iba.
Tumingin si Louis nang diretso kay Alexei. "I am considering not accepting their offer. If I decline, there will be a vacancy. And being the 4th placer in the third elimination round, Lucita will have the chance to be accepted."
Kapwa sila napanganga nang sabihin iyon ni Louis. Nabubuang na ba ito?
"Hindi ko tatanggapin iyan!" aniya. Ayaw na ni Lucita na magkaroon ng utang na loob.
"This isn't only for you, Lucita; it's for Alexei as well," anito. Totoo naman dahil kabilang sa pagkakataong makasali sa orchestra ay ang mapapanalong salapi.
Ngunit hindi inaasahan ni Lucita na alam ni Louis ang tungkol sa pinanggalingan ni Alexei. Naikwento pala ng binata ang dahilan kung bakit sila narito.
Pero kahit na...
Naikuyom ni Lucita ang mga kamao. Oo, tunay nga na matagal na niyang hinahangad na mapabilang sa orchestra at tumugtog sa iba't ibang panig ng bansa o mundo. Subalit nais niyang makamit ang pangarap hindi sa ganitong paraan. Mawawalan ng pagkakataon ang isa dahil sa kaniya... mabigat iyon sa loob.
Umiling siya. "I can't accept your offer. It would cost you because of me. Yes, I want to be part of the orchestra, but not like this. I want to earn my place through my own efforts and skills. Please, don't do that for me. Don't steal my chance to experienced my supposed to be glory." Nagmakaawa ang mga mata niya kay Louis. Natahimik naman ang lalaki.
"Do you understand, Louis?"
"Hindi ko na ba mababago ang isip mo?"
Umiling siya. "Salamat pero hindi."
"Kung ganoon ay hihintayin kita. Balang-araw, magkasama tayong tutugtog sa harap ng buong mundo." Ngumiti ito sa kaniya at sa pangalawang pagkakataon ngayong araw, tumalbog ang kaniyang puso.
Posible bang magkagusto sa dalawang lalaki nang sabay?
Napagtanto niyang seryoso nga si Louis sa kaniya. Hindi na ito naglalaro. Handa nitong ialay maging ang mapabilang sa orchestra para mabigyan siya ng oportunidad.
Muling bumaling ang mga mata ni Louis kay Alexei. "But I still plan to donate the money to the refugees. I just hope you will allow me to do that."
Natameme si Alexei nang ilang segundo bago napagdesisyunan na tumango. "Thank you, Louis. We wouldn't have made it this far without you." Kahit ngumiti may lumbay sa mga mata ni Alexei.
"Until next time, Lucita," huling sabi nito sa kaniya na may kasamang ngiting pamamaalam. Pagkatapos, tumalikod ito at dire-diretsong naglakad pabalik sa entablado.
Napatulala si Lucita na sinundan ito ng tingin, samantala katabi niya si Alexei na nakatitig din sa papalayong binata.
Sumulyap si Alexei kay Lucita at nakaramdam nang matinding kirot sa dibdib nang makita ang paghanga sa mga mata ng dalagita. Malungkot na napangiti at nagbaba ng tingin ang binatilyo.
Nagawa ni Louis na patahanin si Lucita at bigyan ng panibagong lakas ng loob... subalit si Alexei, hindi alam kung paanong gagawin o anong sasabihin kanina para mapatahan ang dalagita.
"Good for you, Lucita. You found someone worthy of you," bulong ni Alexei na hindi narinig ng babae sapagkat okupado ang utak. Napalingon si Lucita, subalit bago pa man makapagtanong ang dalagita, mabilis na tumalikod ang binata at tuloy-tuloy na ring umalis palabas sa auditorium.
***