Kenj Pov
"Bro Kumusta ang meeting?" Tanong sa akin ni Benj na di ko namalayan na dumating. Hanggang ngayon kasi ay iniisip ko pa din kung anong dahilan ng babaeng yun at ako pa ang napagtripan.
"Hoy Benj sino nanaman yung babaeng pinangakuan mo pero iniwan mo na lang bigla?" Inis kong tanong sa kanya.Hindi kaya ang isang to ang may kasalanan sa babaeng yun.
"Huh? " Nagtatakang tanong niya. "Pinagsasabi mo Bro?Saka anong babae?"
"May lumapit kasi kanina sa akin at sinabing Girlfriend ko daw at malaki daw ang kasalanan ko sa kanya. Hindi ko naman siya kilala kaya siguradong ikaw ang tinutukoy niya. "
"Wala akong alam dyan Bro ah nagbagong buhay na ko." Pag depensa naman niya.
"Pero nakita ko siya nung kasal ni Ryan. Wala ka ba kasama na pumunta dun?" Paninigurado ko. Nakakapagtaka lang kasi
dahil sinabi niya na hindi niya daw makakalimutan ang mukha ko. Alangan naman na bukod sa amin ni Benj ay may nag mamay ari pa ng mukhang to. Ano yun Triplets pala dapat kami tapos nagkamali lang yung nurse sa ospital? Tsk. Kung ano ano tuloy naiisip ko.
"Ano bang itsura?"Curious na tanong niya.
Hmmmmm. Ano nga bang itsura.... Maganda siya,maamo at napaka inosente ng mukha. Kaya lang may pagka baliw.
"Bro promise mag isa lang ako nagpunta dun. Ano daw bang kasalanan mo?"
"Hindi ko alam. Hindi niya nabanggit eh."
"Baka naman bro Girlfriend mo talaga yun,nakalimutan mo lang." Pang aasar na tanong niya kaya sinamaan ko siya ng tingin.Sayang ang ganda niya pa naman kaya lang mukhang may tama sa utak. Siguraduhin niya lang na di na kami magkikita dahil pag nagkataon ako naman ang maniningil sa kanya.
---------
Ally's POV
"Eto na to,malakas ang kutob ko na magkakatrabaho na ako." Bulong ko sa sarili ko. May tumawag kasi sa akin kagabi na isa sa mga kumpanya na inapplyan ko.
Matapos magbihis ay maaga na akong umalis para hindi ako malate. At siyempre nagdala na din ako ng extrang damit. Oh di ba prepared! Mahirap na baka kasi maulit yung nangyari nung nakaraan. At sa wakas ay nakasakay na din ako ng tricycle,siguro naman ay wala nang masamang mangyayari.
"Manong dito na lang po ako." Para ko kay manong driver. Tutal maaga pa naman at may isang oras pa bago ang interview kaya naisipan ko na maglakad lakad muna dito sa mall. Malapit lang din yung lugar ng interview kaya sigurado ako na hindi ako malelate.
Habang naglalakad ay napansin ko ang isang babae na parang matutumba kaya nilapitan ko ito.
"Ma'am okay lang po ba kayo?" Tanong ko dito pero bago pa nakasagot ay nawalan na ito ng malay.
"Naku miss anong nangyari sa kasama mo?" Tanong nang isang babae na agad lumapit nang makita ang nangyari.
"Hindi ko din po alam eh. Bigla na lang po siya nahimatay."
"Dalhin na kaya natin siya sa ospital, para kasi siyang namumutla." Suhestiyon nito.
"Po? Pero....." Bigla ko kasi naalala ang interview.
"Ano miss?" Tanong ulit nito sa akin nang makitang nag iisip pa ako.
"Ano po kasi eh....." Hayst ano ba to bakit wrong timing na lang lagi ang nangyayari sa akin. Bahala na nga.
"Tara na po."
--------
"Miss ikaw ba ang kasama ng pasyente?" Tanong sa akin ng nurse matapos niya maasikaso ang babae." Paki Fill up an na lang ito." dagdag niya pa.
"Pero nurse hindi ko naman po kasi siya kilala. Saka may kailangan pa po kasi ako puntahan. Kumusta na po ba siya?" nag aalala kong tanong.
"Okay naman na siya,nawalan lang siya ng malay."
"Eh nurse baka po pwedeng pakiasikaso na lang po muna siya,mahuhuli na po kasi ako sa interview. Ibibigay ko na lang po itong number ko at paki tawagan na lang po ako kung kailangan."
"Ganon ba,sige i aupdate na lang kita."
"Sige po salamat po."
-----------
Kahit alam kong late na ako ay tumuloy pa din ako sa interview. Siguro naman ay pagbibigyan ako dahil naging good samaritan ako.
"Pasensiya ka na miss nakaalis na kasi si Mr. Carlson,late ka na kasi eh." Para akong pinagbagsakan ng langit at lupa sa narinig ko.
"Eh ma'am baka po pwede niyo siya pakiusapan,nagka emergency lang po kasi kaya ako nalate." Pakiusap ko. Baka kasi madaan siya sa pakiusap.
"Pasensiya ka na miss pero wala talaga ako magagawa. Mahigpit kasi siya pagdating sa oras."
Laglag ang balikat na umalis ako. Hindi talaga siguro para sa akin ang trabahong to. Sakto naman na tumawag sa akin ang nurse at sinabing nagising na daw ang pasyente kaya bumalik na lang ako sa ospital.
-------
"Ah Hija ikaw ba ang nagdala sa akin dito?" Bungad na natanong sa akin ng Babae
"Opo,nahimatay po kasi kayo kanina." Kaya din po hindi ako umabot sa interview . Pero siyempre sa isip ko lang yun. Hehe
"Salamat ah,bigla na lang kasi ako nahilo." nakangiting wika nito.
"Ah wala po yun." Infairness kahit mukha na siyang may edad ay maganda pa din ito. Saka mukhang sosyalin.
"Ano pa lang pangalan mo?"
"Alizia po. Alizia Fortes,Ally na lang po for short.
"Ang ganda naman ng Pangalan mo ,kasing ganda mo."
"Ah eh....Hehe hindi naman po." nahihiyang sabi ko. Mukhang okay na nga si madam,malinaw na ang mga mata eh. haha
"Ako nga pala si Kendra Carlson." Pagpapakilala niya. Mukhang yayamanin ang apelyido ah.
"Nice to meet you po." nakangiting sagot ko." Ok na po ba kayo? Alam na po ba ng asawa niyo na nandito kayo?" Sunod sunod kong tanong.
Wag ka mag alala nahilo lang ako kanina dahil siguro sa panahon. Saka susunduin na din ako ng asawa ko."natatawang sagot niya sa mga tanong ko.
"Okay na ako,pwede na daw ako umuwi sabi ng doktor. Pasensiya na ah naabala pa kita." Hinging paumanhin niya.
"Naku hindi po,wala po yun." Sabagay kahit siguro ulitin yung pangyayari gagawin ko pa din yun. Sabi nga ng mga kuya ko lagi ko daw piliin ang mabuti. Yun daw kasi ang turo ng mga magulang namin nung nabubuhay pa sila.
"Ah pwede bang makuha ang number mo?"
"Po?" nagtataka kong tanong.
"Para naman makapagpasalamat ako sayo ng maayos at para makilala na din kita. Magpahinga daw kasi muna ako sabi ng doctor kaya hindi kita maitreat ng lunch." nakangiting paliwanag niya.
"Sige po kayo pong bahala."
"Hon are you ok? anong nangyari?" Tanong ng lalaking kapapasok lang.
"Okay lang ako Hon. Buti tinulungan ako ni Ally." Sabay turo sa akin ni Mrs. Carlson. "Ally asawa ko nga pala."
"Hi Ally I'm Benjamin Carlson." Pagpapakilala ng asawa niya."
"Hello po." Nahihiyang sabi ko. Siguro maganda ang lahi nila,ang gwapo din kasi ni Mr. Carlson
"Salamat Hija ah." seryosong sabi nito.
"Naku wala po yun Sir. Ah ma'am paano po mauna na po ako." nagpaalam na din ako dahil dumating naman na ang asawa ni Ms. Kendra.
"Ah sige salamat ulit ally ah." ngiting na lang ang isinagot ko,kanina pa kasi sila nagpapasalamat.
---------
Ally's Pov
"Haaaaaaaay." napabuntong hininga na lang ako pagdating sa bahay.
"Couz ang lalim naman niya,di ko maabot." Pabirong sabi zhina ng marinig ako.
"Eh kasi naman couz hindi ko alam kung anong kamalasan meron ako. Wala naman akong balat sa pwet."
"Ha?" naguguluhang tanong niya kaya isinalaysay ko sa kanya ang nangyari.
"Alam mo PB baka hindi talaga para sayo yun. Malay mo yun palang si Mrs. Carlson na sinasabi mo ang Fairy Godmother mo o kaya pwede rin Mother in-law."
"Sira. Ayan ka nanaman sa mga kdrama na kwento mo." naiiling na lang na sabi ko.