Chapter 6: The Good karma

1297 Words
Kenj's Pov Sumasakit ang ulo ko sa dami ng kailangan gawin sa kumpanya,idagdag pa ang pagreresign ng secretary ko.Mabuti na lang at nagvolunteer si Benj na siya ang mag asikaso ng branch sa Amerika kahit alam kong may hidden agenda ang isang yun. Siguradong may kasamang pagliliwaliw ang pagpunta niya dun. "Oh anak nandyan ka na pala." Bati sakin ni mama pagdating ko."Kumusta ang trabaho,ok ka lang ba? Sabi ng Papa mo may problema sa kumpanya. "Ok lang naman po ma,yung isang branch lang sa us pero Minor problem lang naman po at si Benj na daw ang bahala dun"sagot ko sa kanya. "Kayo po baka po masyado kayo nagpapagod,mabuti na lang po at may nakakita nung nahimatay kayo." "Ok na ko nak,dala lang yun ng panahon kaya nawalan ako ng malay. Siya nga pala totoo ba na nagresign na si Melanie?" Tanong sakin ni mama na ang tinutukoy ay ang secretary ko. "Yes Ma,wala daw po kasi mag aalaga sa mama niya sa Probinsiya." "Sayang ang bait pa naman ng batang yun." ------ Ally's Pov Busy akong nagluluto ng biglang magring ang phone ko.Hmmmm... "Sino kaya to?" Tanong ko sa sarili ko. Unregistered number kasi. "Hello Ally?" "Mrs Carlson kayo po pala." Sagot ko ng mabosesan ko ang tumawag."Kumusta na po kayo?" Ilang araw na din kasi simula ng maospital siya. "Okay naman na ako.Gusto sana kita yayain maglunch kung di ka busy." "Sige po ok lang po." Pagpayag ko tutal wala naman akong gagawin ngayong araw. "Sige kita na lang tayo sa Mall ng 11am." ------- Nandito na ako sa meeting place na sinabi ni Mrs. Carlson "Pasensiya na Ally medyo na late ako." "Ay hindi po halos kadarating ko lang din po." Habang hinihintay namin ang order nang biglang magtanong si Mrs. Carlson."Ano palang pinagkakaabalahan mo ngayon?" "Ah nag aapply pa lang po ako ngayon ng trabaho." "Ah talaga?" nakangiting sabi niya sa akin."Gusto mo ba mag apply sa company namin?" "Po? Sigurado po kayo? "Nagresign kasi yung secretary ng anak ko. Wala ka pa naman trabaho kaya bakit hindi mo subukan mag apply sa company namin. Ano bang natapos mo?" "Business Administration po." "Oh yun naman pala eh. Huwag ka mag alala mabait ang anak ko." Dagdag pa ni Mrs. Carlson nang makitang nag aalinlangan ko. "Sige po susubukan ko po." Mukhang ito na yata ang good karma ko ah. "Oh eto ang business card namin." Sabay abot niya ng maliit na papel. "KBC Furnitures International." Basa ko sa nakasulat." Kayo po pala may- ari nito?" namamanghang tanong ko. Isa kasi ito sa mga sikat na Furniture Companies pagdating sa quality and designs sa Furniture Industries sa bansa at maging sa abroad. "Actually isa yan sa mga Family Business namin at ng asawa ko. Matagal na kasi magkaibigan ang pamilya namin at business partner pa ang mga magulang namin,kaya yang business na yan ang namana namin sa kanila." Mahabang kwento ni Mrs. Carlson habang kumakain kami. "Ang yaman po pala ng Pamilya niyo." Di makapaniwalang sabi ko. "Ahmmmm... oo pero alam mo ba na maliit lang yan ng ipamana sa amin. Gusto kasi nila na matuto kami magsumikap at hindi umasa sa kanila. At sa awa naman ng Diyos ay napalago naman namin ito." Pagpapatuloy niya pa. Naisip ko tuloy ang swerte naman ng mga anak nila kasi parang ang bait bait ni Mrs. Carlson. Mabait naman siya kaya siguro mabait din ang anak niya. Wala naman mawawala sa akin kung susubukan ko mag apply sa kumpanya nila. ---------- Ally's Pov Dahil desperado na ako magkatrabaho ay sinunod ko na ang suggestion ni Mrs. Carlson kaya nandito ako ngayon Sa KBC Furnitures International upang magpasa ng Resume pero dahil urgent hiring daw ay tuloy interview na daw. "Ms Fortes tell me about yourself." Pagsisimula ng nag iinterview. "My name is Allizia Fortes,25 years old. I came from Nueva Ecija.I recently obtain my Bachelor's Degree in Business Administration Major in Marketing Management at NE University." pagpapakilala ko naman sa akin. "Do you have an experience about being secretary or any related job?" "No Ma'am but base on my own though no need to have an experience to say that someone is capable on a job. Because every Professional or successful Business man start from the very beginning without experience. But if you love your job or your passion and willing to learn any or everything,you can do it well." nakangiti kong sagot "Hmmmm...very well said Ms. Fortes." nakangiti ding sagot ng interviewer."I think you will be a good employee and I hope you won't dissapoint me." "Po?" nalilitong tanong ko. Para kasing may ibig ito. "Yes Ms.Fortes you're hired." Paglilinaw niya. Nakita niya siguro na para di ako sigurado sa narinig ko. " Maraming Salamat po ma'am." masayang sabi ko."Pangako po di ko kayo bibiguin." "Ok sige pwede ka na magsimula bukas. Wag na wag ka male late ha,ayaw ayaw na kasi ni Mr. Carlson ng nalelate. Ang payo ko lang sayo Be Patience. By the way I'm Mrs.Grace Javier. " Huwag po kayo mag alala mas mahaba pa po sa traffic sa edsa ang pasensiya ko." Pabirong sabi ko. "Talaga? Aasahan ko yan." natatawa ding sagot niya. "Promise po.Thank you po ulit." ----------- "Yes,sa wakas." nasabi ko paglabas ng opisina ni Mrs. Javier. Mukhang tama nga yata si zhina,si Mrs. Carlson nga yata ang Fairy Godmother ko. Sa sobrang excited ko ay tinawagan ko agad si zhina para sabihin ang Goodnews pero bago ko pa maidial ang numero niya ay nahagip ng aking mata ang isang lalaki na akala ko ay hindi ko na makikita kaya mabilis akong nagtago. Hindi naman dahil sa guilty ako sa ginawa ko sa kanya pero konti lang. hehe.. Mahirap na baka kasi isipin niya pa na sinusundan ko siya. Pero ang ikinagulat ko ay pumasok din siya sa opisina ni Mrs. Javier. Hmmm.....mag aaply din kaya siya? Goodluck na lang pero sana huwag siya matanggap,ayoko kasi makasalubong siya araw araw... -------- Pagdating ko sa bahay ay tinawagan ko agad si Mrs. Carlson para sabihin na natanggap ako at siyempre nagpasalamat na din ako sa kanya. "Sabi ko na sayo PB Fairy Godmother mo yang si Mrs. Carlson." Pagmamayabang ni zhina matapos kong sabihin na natanggap ako sa trabaho. "Pero alam mo PB kung anong ikinagulat ko? Nakita ko din dun yung lalaking inaway ko sa mall. Mag aapply din yata." dagdag kwento ko pa sa kanya. "Naku PB iba na yan." Pagsisimula niya nanaman sa mga kwento niyang malayo sa katotohanan. "Ano nanaman?" tanong ko sa kanya kahit alam ko naman na ang ibig niyang sabihin. " Alam mo yung kasabihang " You hit two birds with one stone." "Ha? Anong connection naman nun sa sinabi ko." nalilitong tanong ko. Minsan kasi ibang level mag isip si zhina. "Eh di ba PB natanggap ka sa trabaho tapos nakita mo pa yung lalaking yun." "O ngayon? Anong ibig mong sabihin?" ipipilit niya nanaman na destiny ko ang lalaking yun. " Ganito yan PB di ba nagkita kayo. O yan na yun,yung tinatawag na Destiny." sabi ko na eh. " Wait lang PB. Nakita ko siya pero hindi niya ko nakita kaya hindi kami nagkita." Pagtatama ko kay Zhina "Eh ganon na rin yun." pagpupumilit pa rin niya. "Paano kung di siya matanggap." kontra ko sa kanya para huminto na siya,pero ang pinsan ko ayaw pa din patalo. "Eh paano kung matanggap siya." Balik tanong sa akin ni zhina. Pero napaisip ako,paano nga kaya kung matanggap siya? "Eh di matanggap lang." may pagsukong sagot ko. Lahat kasi ng sabihin ko ay may sagot siya. "Pag natanggap siya may trabaho ka na,may lovelife ka pa. Oh di ba bongga." Tsk. Ibang klase talaga mag isip ting si zhina. Bahala nga siya kung ano gusto niyang isipin. end of chapter 6..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD