Kabanata VI

1741 Words
Iris POV "Nais niyo bang kumain?" Tanong ko sa kanila. Kanina pa luto ang aking sinaing. Nahihiya na nga ako sa dalawa dahil pakiramdam ko'y wala akong kwentang kaibigan. Marahil ito rin ang dahilan kung bakit iniiwasan na ako ng halos lahat ng aking mga kaibigan. Hindi ko naman sila masisisi kung ayaw na nila sa akin. "Huwag na-" si Valeria na kaagad na pinutol ni Samuel. "Sige ba!" Masaya niyang wika. Napangiti naman ako sa kaniyang sagot. Kanina kasi ay halos ayaw niya akong tignan ng diretso. Nagalit kaya siya nang sinabi kong hindi ako si Cariña? Pero bakit nga ba iyon ang kaniyang tawag sa akin? Nakalimutan niya ba ang aking ngalan? Cariña ay lalaking pangalan sa aking pandinig. Malabong akala niya'y iyon nga ang aking pangalan. O baka may ibang ibig sabihin iyon? Ano naman kung ganoon? "Teka lang ha? Maghahanda na ako ng pagkain." Sabi kong nakangiti. "Tulungan na kita." Presenta niya na kaagad kong tinutulan. "Hindi na, Samuel. Mga bisita ko kayo. At isa pa, anak kayo ng may katungkulan sa gobyerno. Nararapat lamang na pagsilbihan kayo." Giit ko. Nilingon ni Samuel ang kaniyang nakababatang kapatid. Nagkibit balikat naman si Valeria. Iniwan ko ang dalawa. Mukhang may mahalagang pinag-uusapan. Hindi ko maintindihan dahil sa sarili nilang wika iyon. Lagi ko silang naririnig na Wikang Espanyol ang kanilang ginagamit sa tuwing nag-uusap silang dalawa. Naihanda ko na ang mga plato at iilang kubyertos para sa dalawa. Nagsandok na rin ako ng kanin na bago saka inilapag sa hapagkainan. Pagkatapos ay ang ulam naming pinakbet. Isa itong lutong gulay. May talong, okra, sitaw at iba pang sangkap. "Masarap ba?" Tanong ko sa kalagitnaan ng kanilang pagkain. "Sobrang sarap, Iris!" Masayang pahayag ni Samuel. Ngumiti naman ako dahil akala ko'y nakalimutan na niyang tuluyan ang aking pangalan. O marahil pinaalala ni Valeria sa kaniyang nakatatandang kapatid ang tunay kong pangalan. "Salamat." Nahihiya kong sabi. Hindi ko alam kung ano ang mga pagkain ng mayayaman lalo na ng tulad nila. Kaya naman ang marinig na sabihing masarap ang lutong ulam ni Ina ay nakakataba ng puso. "Sino nagluto nito, Iris?" Biglang tanong ni Valeria na ngayo'y nawiwili sa pagkain ng sitaw. "Si Ina, Valeria. Siya ang nagluluto ng ulam namin." "Masarap din ang kanin, Iris." Singit ni Samuel. "Magaling ka naman palang magluto. Bakit hindi ka nalang kaya sa amin?" Siniko kaagad siya ni Valeria. May sinenyas siya sa kaniyang kuya sa pamamagitan ng kaniyang mukha. At sa palagay ko'y hindi nagustuhan ni Valeria ang sinabi ni Samuel. "Naku hindi na, Samuel." Nahihiya kong sabi. Nahiya ako ng kaonti sa kaniyang kapatid. Maaaring iniisip niya ngayo'y sumosobra na si Samuel sa pagiging mabait sa akin. Tama naman siya. Kung tutuusin, bawal makipag-usap ang mga haciendero at haciendera sa kanilang mga tauhan. "Ayos lang ako rito. Masaya akong nagustuhan mo ang luto ko at maging ng aking Ina. Isang karangalan na mapuri ng isang tulad mo." "Ah eh..." si Valeria, mukhang nag-aalinlangan. "Kasi Iris..." nilingon niya ang kaniyang kapatid at pinandilatan. "Nais naming sa bahay ka na mamasukan tutal may kakayahan ka naman. Ngunit, baka magagalit ang aming madre kung padalos dalos ang desisyon namin. Pero huwag kang mag-alala, kami na ang bahala." "Ayos lang, Valeria." Ngumiti ako para ipakita sa kanila na maayos lang ako rito. "Kung gusto niyo, si Ina nalang. Mas magaling siyang magluto kesa sa akin." "Pero bibisita ka pa rin naman sa bahay 'di ba?" Pahabol ni Samuel. Napatingin ako sa kaniyang kapatid. Ganoon din ang kaniyang ginawa sa akin. Bumaling naman ako kay Samuel na ngayo'y nangungusap ang mga mata. "Walang problema, Samuel." Nakangiti kong pahayag. "Kung iyan ang nais mo, masusunod." Ngumiti ako saka tumango. Ngumiti naman siya't tumango rin saka pinagpatuloy ang pagkain. Samuel POV "Salamat, Hermana Iris." Nakangiting sabi ng aking kapatid na si Valeria. Pauwi na kami ni Valeria dahil nakasisiguro akong hinahanap na kami ni Ina. Baka magpadala pa siya ng hukbo kung sakaling hindi na siya mapakali sa sobrang pag-aalala sa amin ng aking kapatid. "Walang anuman, Valeria. Masaya ako't nagustuhan niyo ang luto ng aking ina." Nakangiting tugon ni Iris. "Ah... Iris..." sambit ko, nahihiya sa malabong dahilan. May kung anong kababalaghan sa kaniyang mga mata kaya hindi ko siya matignan ng diretso. "Hmm?" Bumaling siya sa akin, nakaipit ng husto ang mga labi. "Huwag mong kalimutan ha?" Untag ko. Nais ko siyang makita araw-araw. Nais ko siyang makasama bawat minuto dahil masaya ako. Kung puwede nga lang sa mansyon na namin siya titira para lang lagi ko siyang makasama. Alam ko namang ayaw ni Ina. Kaya hanggat kaya ko, ipagpipilitan kong kahit ang kaniyang ina nalang ang maninilbihan sa amin. Para may dahilan siyang dumalaw sa mansyon."Kuya, nakakatuwa ang iyong kaibigan!" Masayang sabi ni Valeria nang umalis si Iris sa harap namin dahil pumasok sa kanilang bahay. "Tama ka... ngunit ang ipinagtataka ko ay bakit maraming natatakot sa kaniyang gayong mabait naman siya?" Bahagya kong pinagsalubong ang aking mga kilay nang tinignan ko siya ng diretso. Ngumuso siya at tumingin sa itaas, tila nag-iisip. "Oo nga naman kuya. Pero..." nakanguso pa rin siya hanggang ngayon. "Nakakatakot kasi siya sa unang tingin." Nag-iwas ako ng tingin sa kaniya. Sakto namang kalalabas lang ni Iris mula sa kanilang bahay. Ngumiti siya. Kaagad akong kinilabutan. May ano sa kaniyang ngiti na nakakagising ng diwa. Magulo ang kaniyang buhok. Hindi ko alam kung sadya ba iyon o natural. At iyong damit niya'y ang damit na sinuot niya kahapon. Hindi naman siya maamoy pero hindi dapat dahilan iyon para hindi na siya maligo. Marahil walang ibang damit? O... sadyang hindi lang siya naliligo? "Nakakakilabot ang kaniyang itsura kuya." Bulong ni Valeria sa akin. "Pero mabait siya! Kaya nakapagtataka talaga kung maraming ayaw sa kaniya." Hindi ko na pinansin pa si Valeria. Umalis ako sa gilid niya't lumapit kay Iris. "Maaari bang tumulong, cariña?" [Love] Tanong ko na kaagad kong pinagsisihan dahil sa huli kong salita. Nakita ko ang pagkagulat sa kaniyang mukha. Nakaukit sa kaniyang mukha ang kahihiyan. Nagbaba siya ng tingin saka tumungo. "P-Paumanhin, Iris. H-hindi ko sinasadya." Utal kong paghingi ng tawad. Pinagdarasal kong hindi siya galit. "Ah!" Ngumiti siya. "Paumanhin. Hindi ko naintindihan ang huli mong salita. Hindi cariña ang aking ngalan." Napaawang ang aking labi. Abot langit ang pasasalamat ko dahil hindi niya ako naintindihan. Lumunok ako ng isang beses at tumango. Pilit akong ngumiti para hindi niya mahalatang hindi ako mapakali ngayon. "Teka lang ha? Papasok muna ako. Titignan ko lang ang aking sinaing." "H-ha? O-o sige ba." Tumango ako ng maraming beses saka ngumiti. Tumango siya't ngumiti rin saka umalis na sa harap ko. Panay ang aking paglunok. Pinagpapawisan ako ng husto. "Hermano..." tawag sa akin ni Valeria. Halos tumalon ang aking puso dahil doon. "Narinig ko iyon, kuya!" Aniya. Sumilay ang pilyong ngiti sa kaniyang labi kasabay ng pag-alon ng kaniyang mga kilay. "Gusto mo na siya kaagad? Cariña pala ha?" Kutya niya. "Shsh!" Saway ko. Baka may makarinig. "O sige kuya..." nagngiting tagumpay siya. "Ililihim natin 'to sa isang kondisyon." Umismid siya. Tamad naman akong umirap. Negosyo na naman ang nasa utak niya. "Alam ko na 'yan, Valeria. Kilala kita." "Ayun naman pala!" Aniya na parang nanalo sa isang sugal. "Alam mo na ha? Pagkauwi natin, ibigay mo kaagad sa akin." "Tss." Umiling ako. Kahit kailan talaga si Valeria. Mukhang pera. "Ang alin?" Naguguluhan niyang tanong. Nag-angat siya ng tingin sa langit, tila nag-iisip ng malalim. At nang nakabawi na siya'y tinignan niya ako ng diretso sabay ngiti. "Sige ba!" Maligaya niyang bulalas. Napangiti ako ng husto. Pakiramdam ko'y lumilipad ang aking puso. "Salamat. Pangako, Iris. Pipilitin ko si madre na mamasukan ang 'yong ina sa amin." Ngumiti ako para mapanatag ang kaniyang loob. "Walang problema, Samuel. Maraming salamat." Lumapit siya sa akin. At sa sandali pa'y niyakap niya ako, dahilan para ako'y manigas. Umihip ang hangin. Nagsitayuan ang mga balahibo ko sa aking batok. Kakaibang enerhiya ang aking nararamdaman. At naging dahilan ito para ako'y hindi makagalaw. "Salamat dahil mabait kayo sa akin." Aniya sabay baling saglit sa aking kapatid. Ngumiti siya sa akin at humakbang paatras. "Tatanawin ko itong malaking utang na loob. Nagagalak ang aking kaluluwa dahil mayroon kayong busilak na puso. Hindi lahat ng taong galing sa mayayamang angkan ang may malasakit sa aming mga indio. Kaya salamat ulit, mga kaibigan. Malaking tulong ang gagawin niyo sa amin." "Walang anuman, Ate Iris!" Masayang sabi ni Valeria. "Ang tunay na magkakaibigan ay nagtutulungan, Iris." Sabi ko. "Kaibigan kita't pinagkakatiwalaan. Batid kong imposible dahil ngayon lamang tayo nagkakilala ngunit iyon ang totoo. At nagpapasalamat rin ako dahil tinuturing mo akong kaibigan." Matapos ang madramang litanya namin sa isa't isa'y tumulak na kami ng aking kapatid. Habang naglalakad kami sa makipot na daan sa gilid ng palayan ay may nahagip ako ng tingin. Napahinto ako sa paglalakad habang titig na titig sa isang bagay. "¿Hay algún problema, hermano?" Kuryosong tanong ni Valeria. [May problema ba kuya?] "Tener traza de." Sabi ko sabay turo sa isang kwintas. Nilapitan ko ito't pinulot. [Tignan mo.] Isang kakaibang kwintas. Gawa ito sa estambreng kulay itim. Ang kaniyang palawit ay isang pangil ng kung anong hayop. Katamtaman lamang ang laki nito. At nakasisiguro akong ang tribo nila Iris ang may-ari nito dahil sila lamang ang may ganitong kagamitan sa katawan. "Kwintas?" Naguguluhang tanong ni Valeria. "Hindi kaya't kay Iris ito?" Tanong ko sa kaniya, kasabay ng pagbalandra ng kwintas sa kaniyang harap. Lumiit ang kaniyang mga mata, bahagya namang magkasalubong ang mga kilay. "Maaari, kuya!" Bulalas niyang puno ng kasiguraduhan. "Ang tribong igorot lamang ang alam kong gumagamit ng kwintas na gawa sa mga pangil ng mababangis na hayop." "Kung gayon, bakit maputi ang balat ni Iris?" Takha kong tanong. Hindi ba lahat ng igorot maiitim? May iilang tao akong nakakasalamuha na kayumanggi ang kulay ng kanilang mga balat. Humagalpak sa tawa si Valeria. Pinagsalubong ko ang aking mga kilay, kuryoso sa biglaan niyang pagtawa ng malakas. "Nakakatawa ka kuya!" Natatawa niyang sabi, todo piit sa kaniyang tiyan. "Hindi lahat ng mga igorot maiitim! Porket ba igorot, maitim na kaagad?" Nag-iwas ako ng tingin. Marahil ang pagkakaalam ko lamang ay kapag igorot ang pinag-uusapan, maiitim na tao ang unang pumapasok sa aking isipan. Hindi ko na inalam pa na posibleng may mapuputing igorot. Kung ganoon, hindi ba't nakakatawa iyon? "M-Malay ko!" Depensa ko. "Saka kaya nga nagtatanong 'di ba? Nang malaman ko." Umirap ako't umiling. Malabo rin kausap ang babaeng ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD