Kabanata IV

992 Words
Iris POV "Anong nangyari? Bakit sinugod ka ng Señora Catalina?" Nag-aalalang tanong ni Ina. Nang narinig niya umano ang balitang kasama ako ni Senyorito Samuel ay dali dali siyang umuwi rito sa bahay. Nag-aalala, halatang kabado. "W-Wala ho, Ina. Pinagalitan lang po si Señorito Samuel dahil nakikipagkaibigan sa akin." Napatampal siya sa kaniyang noo. "Sinaktan ka ba nila? Ha?" Umiling kaagad ako. "Hindi po, Ina. Parang hindi pa nga ako nakita nila Señora Catalina. Pero 'yong kasambahay po nila, pinansin po ako." Nagbaba ako ng tingin at ngumuso na parang batang pinagalitan. Bakit kaya ayaw nila sa akin? Dahil ba sa itsura ko? Dati na akong ganito. Mahaba ang aking itim na itim at magulong buhok. Dati na rin akong maputla dahil may sakit ako. Tapos normal lang naman siguro kung nakaputing bestida ako, 'di ba? Bumuntong hininga si Ina. "Mabuti at hindi ka nila sinaktan. Alalang-alala kami ng Ama mo sa'yo." Aniya. Kinabukasan ay nanatili ako sa bahay. Ayaw akong paalisin nila Ina at Ama. Pero imbes na magmukmok buong araw, pumaroon muna ako sa likod ng aming bahay. Doon ko na lamang itatanim ang mga butong itatanim ko sana roon sa bukid. Habang nagtatanim ay kumakanta ako. Dati pa lamang ay kumakanta na talaga ako. "Sana isang araw, makikita ko ang taong mamahalin ko't mamahalin ako ng buong puso." Sabi ko sa mga halaman. Batid kong masyado pa akong bata para sa ganitong bagay. Pero habang tumatagal, pakiramdam ko'y bumabagal ang ikot ng mundo. Mula nang nangyari ang isang trahedya ay marami ng nagbago sa akin. Hindi ako ginugutom, hindi rin ako inaantok. Pero hindi ko alam kung bakit sa tuwing pumipikit ako'y may nakikita akong isang babae. Nakaputing bestida, mahaba at magulo ang buhok, at maputla ang balat. Sino kaya iyon? Bakit lagi ko siyang nakikita? Posible kayang... kilala niya ako? Pero paano? Hindi ko pa siya kilala. At pakiramdam ko ri'y iniiwasan ako ng mga tao rito. 'Yong mga kaibigan ko noon, nilalayuan na nila ako ngayon. Anila'y hindi na nila ako kaibigan. Anila'y multo raw ako. Ha? Paano ako naging multo e buhay pa ako? Kung multo na ako, bakit nakikita ako ng pamilya ko? Ni Senyorito Samuel? "Psst!" May sumitsit kaya napatayo ako mula sa pagkakaupo. Ginapangan kaagad ako ng kaba sa aking dibdib. "Psst!" Isang sitsit pa ay mas lalo akong kinabahan. Napahawak ako sa aking dibdib. Ngunit laking gulat ko nang wala akong maramdamang t***k ng puso. Patay na ba ako? Samuel POV "Sige na, hermano!"pangungulit ni Valeria. [Kuya.] "Hindi nga, bunso! Mapapagalitan tayo ni Mama!" Mariin kong tutol. Gusto niyang makilala si Iris. Hindi puwede! Baka bigla niya itong saktan. "Hindi naman malalaman ni Mama ito! Sige na, kuya!" Pamimilit niya habang hinihila ang damit ko. Hinawi ko ang kaniyang kamay na nakahawak sa damit ko. Inayos ko ang aking kasuotan at huminga ng malalim. "Adelante-" [Sige.] "Gracias, hermano!-" [Salamat, kuya!] "Silencio!" [Tahimik!] Awat ko kaagad nang nagdiwang siya. "Baka marinig tayo nila Mama. Baka hindi na tayo tuluyang makaalis ng bahay." Pinagdikit niya ng husto ang kaniyang mga labi at tumango ng tumango. Pinagulong ko naman ang aking mga mata. Kinagabihan ay may salu-salu kami. Nandito sina Lolo Santiago at Lola Rica. "Nandito na po sila, Señora Rica." Anang kasambahay nang dumating kami sa hapagkainan. "Hijo, Samuel!" Maligayang bati ni Lola. "Halika't samahan mo.kami sa pagkain. Marami pa tayong dapat na pag-usapan." Nakangiti niyang pahayag. Tamad akong umirap saka umupo. Alam ko na ang nasa isip niya. Pumarito siya marahil dahil sa akin. Baka nais niyang malaman ang kuwento sa likod ng balita-balitang may kaibigan raw akong multo o kaya'y nababaliw lang ako. Si Abuela Rica ay nakaupo sa tapat ni Abuelo Santiago na nakaupo sa kabisera. Si Ina ay sa kaliwang banda ni Lola Rica, si Ama ay sa tabi ko na nakaupo sa tapat ni Ina. Si Valeria ay sa tabi ko at ang iba ay sa tabi niya o kaya'y sa tapat nakaupo. "Alam ko na po ang pakay niyo, Lola. Maaaring iniisip niyo'y nababaliw na ang inyong apo. Uunahan ko na po kayo. Hindi po ako nababaliw at hindi ako nagsasalita na mag-isa. Buong oras po ay kasama ko po si Iris." "Iris?" Nakakunot noong pag-uulit ni Señorita Rica, ang aking pinsan na kapangalan ng kaniyang Ina at Lola. "Iris Magsaysay." Buo ko sa pangalan ng aking kaibigan. Inaamin kong kakaiba ang nararamdaman ko pagdating sa kaniya. Hindi ko maintindihan at maipaliwanag. Basta ay masaya akong kasama siya kahit may pagka... basta kakaiba siya. "Hmm..." si Lola Rica. "Samuel, apo. Nag-aalala lamang kami sa kalagayan mo. Baka kailangan mo ng magpatingin sa doktor." "Doktor?" Gulat naming bulalas. "Hindi ko kailangan ng doktor, Abuela!" Giit ko. "Matino akong mag-isip." [Lola.] "Anak, huminahon ka..." mahinahong sabi ni Papa. "Hermano..." si Victoria. [Kuya.] "Kung inyong mararapatin, Mama... Papa... Lola... Lolo... Señorita Rica at aking mga kapatid," nilingon ako ni Valeria. "Sasamahan ko po siya bukas para makipagkita kay Iris." Si Valeria na ang lakas ng loob. "Hindi!" Agap ni Mama. "Walang lalabas ng bahay!" Ano ba 'yan! Bakit hindi nalang nanahimik si Valeria?! Malamang ay hindi papayag si Ina! Ayaw na ayaw niya kaming lumalabas ng bahay. Baka umano pagbuntungan kami ng galit ng mga indio. "Nais ko lamang mapatunayan sa inyo na nasa tamang pag-iisip pa ang aking nakatatandang kapatid! Wala naman sigurong masama puwera na lamang kung... may tinatago kayo?" Natahimik ang lahat. Si Señorita Rica ay nakatitig kay Valeria. Samantalang ang iba ay nakatingin sa akin, kay Ina, Ama at sa mga kapatid ko. "Adelante..." si Mama, kasabay ng paghinga ng malalim at mariing pumikit. "Basta mag-ingat kayo. Kapag may nakita akong kahit na anong sugat ay malilintikan kayo sa akin." "Gracias, madre." Sabi ko't ngumiti. Nilingon ko si Valeria na nakangiti sa akin. Pinagulong ko sa taas ang aking mata sabay lihis ng tingin sa kaniya. Mabuti na lamang at napapayag ko si Ina. Baka una at huling pagkikita na namin iyon ni Iris Magsaysay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD