Kabanata III

988 Words
Iris POV Ano raw? Hindi ko naintindihan ang kanilang mga winika! Pang-Espanyol iyon! "¿por que?" [Bakit?"] Hingal na hingal ang babae dahil kagagaling niya lang sa pagtakbo. Lumunok siya't pinakalma ang sarili. "Galit na galit ang iyong Ina, Senyorito Samuel. Kung saan saan ka raw pumupunta. Ang sabi mo'y sa palayan ka lang." Nilibot niya ng tingin ang buong paligid. "Bakit ka nga ba nandito? Sino ang binibista mo?" Matulin ko silang pinapanood. Para bang hindi ako napapansin ng matanda. Kung sa bagay, nag-uusap sila ni Samuel. "Kasama ko si Iris. Nagtungo lang kami rito para kunin ang naiwan niyang gamit. Pagkatapos ay tutulak na kami." "I-Iris?" Kinakabahan niyang sabi. "Oo." Nakangiting tugon ni Samuel. Nilingon ng matandang babae ang gawi ko. Kumaway ako sa kaniya at ngumiti. Napalunok ang matandang babae. Bigla na lamang siyang namutla. Pinapapawisan na rin ang kaniyang noo. "I-Iris?" Nilingon niya muli ako saka agad ding bumaling kay Samuel. "Samuel!" Rinig kong galit na galit na tawag ng isang babae. Lahat kami'y napalingon sa kaniya. "Anong ginagawa mo rito?! Ano 'tong naririnig ko na nakikipag-usap ka sa kung sino sino? Hindi ba't ang bilin ko'y huwag makipag-usap sa mga estrangherong nakakasalamuha mo?" Galit na galit ang kaniyang Ina ngunit bakas din sa mukha niya ang pag-aalala. Estranghero? Ako si Iris Magsaysay. Hindi ako estranghero! "Calmese, Madre." [Kalma, Mama.] Tanging tugon ni Samuel sa gitna ng kaniyang ngiti, hindi alintana ang praning niya Ina. "Calmese? Sa tingin mo ba'y hindi ako mag-aalala sa'yo, anak? Kalat na sa buong lugar ang ginagawa mo!" [Chill?] "¿por qué, madre? Wala akong ginagawang masama. Kasama ko lamang si Iris." Aniya't hinarap ako. [Bakit, Mama?] Yumuko ako. Kasalanan ko pa yata na pinapagalitan siya ngayon. "Sino?" Madiin niyang tanong, nagkaklaro. "Si Iris Magsaysay, Ina." Simple niyang sabi. Nag-angat ako ng tingin at sakto namang humarap sa akin si Samuel. Ang langit niyang mga mata'y kumikinang. "Huwag kang matakot, Iris. Siya ang aking Ina." Nakangiti niyang sabi. "H-Hindi ba siya nananakit?" Kinakabahan kong tanong. Isang matunog na pilyong ngiti ang kaniyang tinugon. "Mabait ang aking Ina. Huwag kang mag-alala. Hindi kita ipapahamak." "Con quién estàs hablando?" [Sino 'yang kausap mo?] Umikot si Samuel para maharap ang kaniyang Ina. "Un amigo mío, madre." [Kaibigan ko.] "Amigo? ¿estas loco?" [Kaibigan? Nababaliw ka na ba?] Mahaba pa ang kanilang pinag-usapan. Wala naman akong maintindihan dahil wikang Espanyol ang kanilang ginagamit. Marahil may alam ako ngunit bilang lamang. Humarap muli sa akin si Samuel gamit ang malungkot niyang mga mata. "Patawad ngunit kailangan ko ng umalis, Iris. Hanggang sa muling pagkikita natin." Ngumiti ako. "Okay lang, Senyorito Samuel. Naiintindihan ko. At oo, hasta la proxima. Nawa'y magkita muli tayo." Ngumiti ako. (Hanggang sa muli.) "Adelante." [Sige.] Pagkatapos noo'y umalis na sila. Lumingon pa sa akin sa huling pagkakataon ang Senyora gamit ang galit niyang mga mata. Bumuntong hininga ako. Ano kayang meron sa akin at bakit ayaw ng mga magulang na makausap ako ng kanilang mga anak? Samuel POV "Anong pumasok sa isip mo't pumunta ka sa lugar na iyon?" Galit na usal ni Ina nang dumating kami sa bahay. "Kaibigan ko si Iris, Mama! Sinamahan ko lamang siyang kunin ang kaniyang naiwang buto. At pagkatapos ay maglilibot na kami sa buong palayan." "Iris? Nababaliw ka na ba? Wala ka namang kasama kanina, a! Huwag mo nga akong gawing bobo, Samuel!" Nababaliw? Wala akong kasama? Bakit hindi nila nakikita si Iris? Totoo siya! Bakit ba sinasabi nilang nababaliw na ako e kita ng dalawa kong mata na kasama ko siya kanina! "Hindi ko alam ang pinagsasabi mo, Ina. Kaibigan ko si Iris. Wala kaming ginagawang masama." Giit ko. "Sino ba si Iris, kuya? Bakit sabi nila wala ka namang kasama kanina?" Si Violeta. "H-hindi ko alam." Paano nangyaring nababaliw na ako? Na nagsasalita ako mag-isa e buong oras kong kasama si Iris? "Hmm..." si Valeria. "Ipakilala mo siya sa amin-" "Silencio, Valeria!" Tutol kaagad ni Ina. Ngumuso naman si Valeria. [Tumahimik ka, Valeria!] Tumagilid ang kaniyang ulo. "¿por qué, madre? Wala naman sigurong masama kung sakaling makilala ko rin ang kaniyang kaibigan na si Iris." Si Violeta. [Bakit, Mama?] "Naririnig mo ba ang sarili mo, Violeta? Ni hindi mo nga alam kung anong klaseng demonyo ang tinutukoy niyang kaibigan. Malinaw pa sa sikat ng araw na nag-iisa lang siya kanina." Bumaling siya sa akin. "Paano kung malaman ito ng iyong Ama? Nakasisiguro akong magagalit iyon." "Kasama ko nga si Iris, Mama! Bakit niyo ba pinipilit na nababaliw na ako?" Umirap ako't umalis sa kanilang harap. Hindi ako nababaliw! Kitang kita ko na kasama ko si Iris kanina. Kaya kong ilarawan ang kaniyang mukha kung kinakailangan. Nagkulong ako sa aking kuwarto. Nais kong mapag-isa. Hindi nila ako naiintindihan! Marahil nais lamang nila na layuan ko si Iris kung kaya't sinasabi nilang nababaliw na ako. May kumatok sa pinto ng aking kuwarto. "Hermano?" Rinig kong boses ng babae. [Kuya?] Tamad akong umirap at bumangon mula sa aking kama para pagbuksan siya ng pinto. "¿por qué? Pati ba naman ikaw ay huhusgahan ako? Na sasabihing nababaliw na ako dahil nagsasalita akong mag-isa?" Sunod sunod kong sabi. "Hmm," aniya't pumasok sa loob. "Nandito ako para magtanong, hermano. Huwag kang mag-alala, hindi naman ako katulad ni Ina na mapanghusga." Umupo siya sa gilid ng kama ko. Mataman ko siyang pinapanood. Ano na naman kaya ang binabalak nito? Sinarado kong muli ang pinto habang nakatingin sa kaniya. Tumuwid ako sa pagkakatayo saka naglakad palapit sa kaniya. "Kung gayon... anong kailangan mo? Pera? Wala ako noon." Diretso kong sabi. "Pera?" Natatawa niyang sabi. "At naisip mo pa talagang kailangan ko ng pera? Aanhin ko naman iyon, hermano? Gayong buong araw lang ako rito." Kinagat ko ang pang-ibaba kong labi. "Anong kailangan mo?" Malamig kong tanong at tumayo sa harap niya. Dahan dahan siyang tumayo habang nanatili ang tingin sa akin. "Samahan mo ako... ipakilala mo ako sa iyong kaibigan." Umismid siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD