Kabanata II

891 Words
Iris POV "Dito ka muna, Eris. May kukunin lang ako." Sabi ko. Nakalimutan kong dalhin ang mga butong itatanim ko sana dito. Nawala sa isip ko kaya kailangan kong bumalik sa bahay namin. Hindi naman kalayuan mula dito iyon kaya ayos lang kung lakarin ko 'yon mula dito. "Buenos dìas, mujer joven."  Rinig kong sabi ng isang lalaki. [Magandang umaga, binibini.] Ginapangan kaagad ako ng kaba sa aking dibdib. Hindi pangkaraniwan ang kaniyang salita. Ibig sabihin nito ay isa siyang Kastila! "Buenos dìas, señorito." Bati ko pabalik sabay luhod sa kaniyang paanan. [Magandang umaga, senyorito.] Narinig ko ang paghalakhak niya. Gustuhin ko mang mag-angat ng tingin sa kaniya, wala akong karapatan para gawin iyon. "Tumayo ka nga riyan." Aniya sa gitna ng tawa. Dahan dahan akong nag-angat ng tingin sa kaniya. Nang nagtama ang paningin namin ay napalunok ako. Isang Kastila! Abot langit ang kaba ko ngayon. Hindi ako makapaniwalang isang kastila ang nasa harap ko. Totoo ba 'to? O namamalik-mata lang? "S-Senyorito..." kinakabahan kong sambit kahit wala naman akong kasalanan sa kaniya. Yumuko ako. Hindi ko dapat siya tinitignan sa mata! Baka kung ano pa ang iisipin niya. "Ano ang iyong ngalan?" "H-Ho?" Dahan dahan akong nag-angat ng tingin sa kaniya. Kung hindi ako nagkakamali, magkaedad lang kami nito o maaaring mas matanda siya ng isang taon sa akin. Kulay langit ang kaniyang mata, pinaghalong asul at puti. Sa tanang buhay ko'y ngayon lang ako nakakita ng ganitong kulay ng mata. Isa siyang Kastila! Ibig sabihin ay masama siyang tao! Isa siya sa mga sumakop ng mahal kong bansa! Ginawa nila kaming alipin sa sarili naming pamamahay. At silang mga dayo ay tila naging may-ari ng sarili naming bansa. At nangyari ang lahat ng iyon, marahil kami'y mga hamak na indio lamang. Mababa ang tingin nila sa amin. Swerte na ang mga angkang may kayang makapag-aral sa Europa. Samantalang kaming dukha na mas mahirap pa sa daga, nakikipagsapalaran para lamang mabuhay. "Mawalang galang na, senyorito, ngunit wala akong karapatan para magpakilala sa inyo." Sabi ko, nakayuko. Narinig ko ang pilyo niyang tawa. "Dilag, ako na mismo ang nagtanong sa'yo. At kung tutuusin, magpasalamat ka dahil ika'y aking kinakausap." Nag-angat ako ng tingin sa kaniya't ngumiti. "Tama ka, senyorito. Maaaring para sa inyo'y isang malaking biyaya ang makausap ang mga tulad niyo. At kung inyong mararapatin, ako po ay si Iris... mula sa angkan ng Magsaysay." Napaseryoso siya. Hindi ko batid bakit ganoon na lamang ang kaniyang naging reaksyon sa sinabi ko. "Kung gayon... maaari mo ba akong samahan sa paglilibot dito sa aming malawak na lupain?" Umawang ang labi ko. Tama ba ang narinig ko? Totoo bang nagyayaya siya sa akin? "Sa akin po ang dangal, Senyorito Samuel." Nakangiti kong sabi at tumango sa kaniya. "Ngunit... maaari rin bang umuwi muna ako sa amin? May nakaligtaan lang akong mahalagang bagay." "Hmm..." siningkitan niya ako ng mata. "Kung nais mo'y sasamahan kita." Bahagya akong nagulat sa alok niya. Nang nakabawi ako'y ngumiti ako sa kaniya. "Adelante, señorito." Tumango ako at nagsimula ng maglakad. [Sige, senyorito.] Samuel POV Naririnig ko ang iilang bulung-bulungan ng mga tao rito. Hindi ko batid kung para saan talaga 'yon pero isa lang ang kinukutuban ko. Si Iris Magsaysay ang kanilang pinag-uusapan. Bakit? Paano nangyari iyon? Masamang tao ba siya para matakot at mangamba ang mga tao sa kaligtasan ko? Wala naman akong masamang nakikita sa kaniya. Marahil dahil sa itsura niya? Ano naman ngayon? Puting bestida, magulo at maitim ang kaniyang buhok at maputi siya. Wala na akong ibang nakikitang iba sa kaniya. Habang tinititigan niya ako kanina, para akong nilulunod. Ang kaniyang mata'y bilugan na hindi ko matukoy kung ano ang kulay dahil masyadong madilim. At mas lalo itong dumilim dahil sa kaniyang pilik matang mahahaba't maiitim. "Dilag..." tawag ko sa kaniya. Kanina lang ay nauna ako sa kaniya. Bakit ngayo'y nauna na siya sa akin? "Senyorito?" Sambit niya't huminto sa paglalakad at hinarap ako. Napalunok ako. Kakaibang enerhiya ang aking nararamdaman sa kaniya. Madilim, magulo, maingay. "Paumanhin..." nakangiti niyang sabi at bumalik sa akin. Iyong magkabilaan niyang biloy ay malalim. "Nasaan na tayo?" Tanong ko, hindi pinapahalatang kinakabahan ako. "Paumanhin muli, Senyorito Samuel. Halika..." hinawakan niya ang kamay ko. Umihip ang malamig na hangin. Ang kaniyang putlang kamay ay malamig. Kaagad akong ginapangan ng kakaibang sensasyon. Naramdaman ko na lamang ang kung anong malamig sa aking batok. At nang tinignan ko ang aking kamay, halos bumagsak ako sa lupa nang napagtantong tumatayo ang mga balahibo ko. "Estaban aquí." Aniya. [Nandito na tayo.] Napalunok ako. Kanina lang ay nasa kakahuyan kami. Paano kami nakarating dito? "Paanong nangyari iyon?" Nagtataka kong tanong. "Ang alin, senyorito?" Tanong niya pabalik. Nakapirmi ang tingin ko sa kaniya at maging siya'y nakatingin lang din sa akin. "Kung hindi ako nagkakamali, nasa gubat tayo kanina. Paano tayo nakarating dito ng ganoon kabilis?" Tumawa siya na para bang nakakatawa ang sinabi ko. Anong klaseng nilalang ba ito? Ano't tinawanan lamang ang aking mga tanong? "Hindi ko alam ang sinasabi mo, señorito. Marahil hindi mo kabisado ang lugar na ito kaya ka nagkakaganiyan." Pinagsalubong ko ang aking mga kilay, nakatitig sa kaniya. "Señorito! Señorito!" Rinig kong tawag ng isang babae sa akin. Nilingon ko ang gawi niya at napagtantong si Manang Kalya. Hingal na hingal siya pagkatapos niyang tumakbo. "¿por qué?" [Bakit?] "Tu madre viene!" [Paparating na ang ina mo!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD