Kabanata 7 Napahinga lang ako ng malalim at napabalik ng higa sa kama. Sino ba namang hindi magagalit sa ginawa ni Tita sa akin? Walang taong maging masaya doon. Damn it. Karma will come for that b***h. Madali lang umikot ang oras at gabi na ulit. Pagkatapos naming kumain ay sinabihan niya agad akong isuot ang ibinigay niyang black dress at black wedge. Sinabi niya rin sa aking maglagay ng make-up sa mukha dahil may pupuntahan kami. Hindi ko alam kung ano, kung ito ba ay isang party o sa club na naman ang punta sa amin. Suot ko na ang black dress habang nakaharap ako sa salamin. Naglagay ako ng make-up sa mukha. Bahagya ko pang pinagmasdan ang mukha ko. Unti-unti ko nang natanggap ang kapalaran ko sa mga kamay ni Zao. Wala akong magagawa. Kailangan kong tanggapin 'yon. "I told you, t

