Kabanata 6 Days passed by. Madali lang umikot ang panahon at halos hindi ko lang namamalayan habang nandito ako sa mansion ni Zao. Namimiss ko na ang pamilya ko at hindi ko man lang magawang mangamusta sa kanila sa probinsiya. Binilhan ako ni Zao ng mga magagarang damit at mga make-up kit kahit hindi ko naman hiningi sa kanya. Gusto ko sanang ibalik sa kanya ang mga ibinigay niya pero tumanggi ito. Dahil binigay na niya sa akin ito, hindi ko na pwedeng ibabalik pa sa kanya ito. Tanging nagawa ko lang ay tanggapin at magpasalamat sa kanya. Atleast naisip niya pa ring bilhan ako ng mga gamit pambabae. Ilang sandali pa ay bumukas ang pintuan at iniluwal nito si Zao. Nakasuot lang ito ng longsleeves na black at tumingkad mapuputi niyang balat dahil sa suot niya. Bahagya itong lumapit sa

