Kabanata 5.2

1392 Words
Kabanata 5.2 "Sa tingin ko ang perang 'yan ay sapat para umalis na kayong apat." muling sambit ni Zao habang may mga apat na sobre siyang inilagay za mesa at laman nito ay pera. Hindi ko alam kung magkano, pero base sa nakita ko, mukhang marami ito. So it means, ginusto din nilang gawin ito. Ako lang siguro ang hindi ginusto ang pagkapadpad ko kay Zao. They beg for Zao. Pero hindi si Zao sumang-ayon. I am enough for him to owned with. Iyon ang sabi niya. Pinunasan ko lang ang labi ko gamit ang tissue. Nananatili akong nananahimik dito. Baka pag nagsalita pa ako, masasabunutan nila ako. Mahirap na. "I already made a decision," muling sabi ni Zao at muling napatingin sa akin. "Verity is enough for me." nakangiti niyang sambit sa akin kaya iniwas ko nalang ang tingin sa kanya. Hindi sana tatanggapin ng mga babae ang pera na 'yon sapagkat gusto pa nilang mananatili kay Zao. Pero wala na silang nagawa pa dahil hindi na magbabago ang desisyon niya. Pinagpatuloy pa nila ang kanilang pag-uusap. Hindi na ako masyadong nakinig sa kanila. Matapos siyang makipag-usap sa mga babaeng 'yon ay napatayo na kami at iniwan silang apat doon sa restaurant saka muling pumasok sa loob ng sasakyan. Darating ang araw na ganon din ang gagawin sa akin ni Zao. Hindi ko alam kung mangyayari din ba 'yon sa akin ang ginawa niya sa kanila. Haist. Siguro naman at darating din kami doon. Ano pa bang inaasahan ko? Na mamahalin niya ako panghabang buhay? Haist. "Dapat lang sa kanila 'yon." narinig kong sabi niya. "I don't want to love a woman, I just want to..." napatingin siya sa akin tila ba hindi niya gustong ituloy ang kanyang nais na sasabihin. ".....to play with them." dugtong niya. "Karmahin ka sana." sabi ko sa kanya. Sinamaan niya lang ako dahil sa natura kong sinabi sa kanya. "I know that day will come." I added. "What did you just said?!" galit niyang sigaw sa akin. Hindi niya naman kailangang sumigaw e. Kahit na ibulong niya pa ang kanyang sasabihin ay maririnig ko 'yon. "Karmahin ka sana." inulit ko. Hindi niya narinig iyon kaya mas mabuting ulitin ko ito ng malinaw. Para marinig niya ito. "Damn it." binuhay niya na ang makina ng sasakyan. "You don't have to worry about it. I don't want to abandon you just like them. Siguro masyadong maaga ang isang buwan para bitawan ka. I want to owned you forever." "Walang forever. Mamamatay lang din naman tayo." cold na sabi ko sa kanya. "May forever sa langit." "So are you saying, gusto mong sabay tayong mamamatay tayong dalawa?" "Hindi ko sinabi 'yon." "Tsk." Ipinagpatuloy niya lang ang kanyang pagmamaneho habang tahimik pa rin ang pumapagitan sa amin. Iniwas ko ang tingin sa kanya at ibinaling ko nalang ito sa labas ng glass window. Inaaliw ko nalang ang sarili ko sa madadaanan namin. Hindi ko alam kung pauwi na ba kami sa kanyang mansion. Maybe. Hindi ko din naman siya gustong tanungin tungkol doon ngayong katahimikan na ang pumapagitan sa amin. ______________________________________________________________ Hindi ko namalayan dahil sa bilis ng takbo ng panahon, ilang araw na pala ako sa kanya. Na palagi kong nasa tabi siya. At ngayon ay gabi na habang suot ko na naman ang isang dress. Hindi ko alam kung saan kami pupunta. Basta't sinabi lang niya sa akin na may lakad kami. Saan na naman kaya kami pupunta? Ilang sandali pa ay pinark niya na ang sasakyan sa harapan ng isang club kung hindi ako nagkakamali. May nakikita akong mga sexy na babae at mukhang mayayamang mga lalaki. Hindi naman ito ang club kung saan nagtatrabaho si Tita. Iba ito at hindi ko alam kung saan ang lugar na ito. "At bakit ganyan ka kung makatingin sa akin?" tanong ni Zao sa akin habang nakatingin lang ako sa kanya. "Let's party!" sigaw niya. "Ayaw ko." walang gana kong sabi sa kanya. "Ikaw nalang." "No. I said let's party, so let's party." ulit niya sa akin at lumabas na ng pintuan ng sasakyan. May magagawa pa ba ako pag sinabi kong hindi ko? Nandito na kami kaya wala na akong ibang choice kundi ang lumabas na din ako. Narinig ko agad ang malakas na tugtugan mula sa loob kasabay nito ang hiyawan ng mga tao. Bahagyang lumapit si Zao sa akin at hinawakan niya agad ang braso ko. Pumasok kami sa loob at bumungad sa akin ang dance floor na puno ng mga tao habang may rotating lights sa taas na kulay green at red. So I hate it. Naaalala ko na naman ang kababuyang ginawa sa akin ni Tita. Bahagya kaming pumunta sa gilid kung saan may mga sofa. May mga kalalakihang nakaupo dito at may mga babae itong katabi. Huminto kami sa harapan nila. So I guess, they are his friends. "Zao!" sigaw ng isang lalaki. Bahagyang umupo si Zao sa bakanteng upuan at pinaupo niya rin ako dun. "At may babae ka ring dala." "Where's Whyth?" tanong ni Zao sa kanila. "He's busy with his fvcking business." ani ng isang lalaki na ka-edad lang ni Zao. "At may business din siya kay Aeneas. Alam niyo na, ganon talaga ang inlove." dugtong nito. Hindi ko alam ang pinag-usapan nila kaya minabuti ko nalang ang manahimik. "By the way, this is Verity." pakilala ni Zao sa akin sa kanila at agad silang napatingin sa akin. Napatingin din si Zao sa akin. "And Verity, they are my friends, Gustav and Urian." sabay turo niya sa dalawang lalaki na nakaupo lang sa tapat namin. "Hi Verity," sabi ni Urian. Ngumiti lang ako sa kanya. Bahagya pa siyang kumuha ng alak sa center table at ininom ito. "Siya ba 'yong sinasabi mong babae na galing sa club?" tanong ni Gustav kay Zao. "Well, she looks innocent." dugtong nitong sambit. "At alam kong kagaya na rin siya ni Whyth." natatawang sambit ni Urian. "Aeneas make him damn crazy and you will be damn crazy just like him." "Habang si Verity naman, pababaliwin si Zao." tawa pa silang lahat. "And thats the twist of fate. "Your stupid mouth. Hindi ako kagaya ni Whyth." ani Zao. "Hindi ako mababaliw sa pag-ibig. Loving a woman is not in my vocabulary." Ayan na naman ang pinagmamalaki niyang bokabularyo. Pag ito talaga na inlove sa isang babae, sasampalin ko talaga ito. May puso kaya siya kaya imposibleng hindi siya mapamahal sa isang babae. Pwera nalang kung bakla ito. Maniniwala ako na hindi siya mahuhulog sa isang babae kung ito ay bakla. Paniguradong hindi 'yon mahuhulog sa isang babae at hindi din naman siya robot para hindi makaramdam no'n. Marami lang silang pinag-usapan tungkol sa mga babae, tungkol sa negosyo at mga bagay-bagay. Hindi na ako masyadong nakinig sa kanilang pinag-usapan sapagkat karamihan sa kanilang pinag-uusapan ay tungkol sa business and so on. Iniisip ko na nga lang din na hindi ko narinig ang sinasabi nila. That's their thing talking some shits and nonsense. They are professionals. Narinig kong nagmamay-ari sila ng mga kumpanya. And they are acting like they are not. They are already at the mid 20's. Sinabi sa akin ni Heat noong mga nakaraang araw na si Zao ay 28 years old na ito, while I am 24 years old. We have only four years gap. Inilagay na ni Zao ang bote ng alak na naubos niya. "She's still not ready for it. I still wait for her to be ready." narinig kong sabi ni Zao sa kanila. "Oh. So gentleman." ani Gustav at napainom ng alak. "Mukhang bibigay ka na ata kay Verity e." "No, I'm not." "Yes, you are." "That's stupid." Sa pagkakataong ito, napabaling lang ako ng tingin sa kanya. Pinagmasdan niya lang ako habang umiinom ng alak kaya iniwas ko lang ang tingin sa kanya. Damn it. Bakit ganyan siya kung makatingin sa akin? Don't stare at me like that Gustav. I hate it Patuloy ko lang na ipinako ang tingin ko sa paa ko. What they are talking about? God. I am not going to be wild someday. I am hoping not. There's a quotation said, 'There's no permanent in this world. The only permanent in this word is change.' Alam kong magbabago ako. Alam ko ding magbabago si Zao. And I am hoping for it. Haist. ___________________ TheDarkProphecy
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD