Kabanata 5.1
"What's your name again?"
"Verity." tipid kong sagot.
"Nice meeting you Verity. I'm Heat, Zao's personal assistant." aniya. Hindi lang ako sumagot sa kanyang sinabi.
Hindi mapagkakailang may itsura din itong si Heat. But they are not my type. Hindi ko rin type si Zao. I want to stop thinking about what happened last night.
"Stop with that chitchat, give her that paper bag so she can change." ani Zao. Kaagad namang ibinigay sa akin ni Heat ang paper bag na kulay itim na nasa center table. Sa narinig ko kanina, naglalaman ito ng pambabaeng kasuotan. "Go back to your room and change quickly." muling sambit ni Zao sa akin.
Muli akong naglakad papunta sa taas at nang makarating na ako sa taas ay pumasok na ako sa kanyang kwarto. Hinubad ko na ang suot kong t-shirt at boxer. Walang akong anong saplot ang natira sa aking katawan. Inilabas ko agad sa loob ng paper bag ang lahat ng gamit ni binili ni Heat. Nakita ko lang na may kulay itim na dress. Puro black at white mula sa dress, panty at bra. Kailangan ba talaga uniform? Pwede naman kasing red or something light colors.
Hindi naman ako mapili kaya sinuot ko nalang ang kulay itim na panty, itim na bra at kulay itim na dress. Hindi naman siguro ako nagmumukhang kampon ng kadiliman nito ano?
Napahinga ako ng malalim. Siguro naman maayos na akong tignan nito. Siniguro ko talagang maayos akong tignan kaya napaharap ako sa salamin. Well, it fits for me. Kahit naman ano bagay sa akin. Ang mahalaga ay may maisuot sa katawan. Hindi dapat mapili.
Matapos kong pagmasdan ang sarili ko sa salamin ay kaagad na akong bumaba. Nakita kong wala na silang dalawa sa sofa kaya nagtaka ako kung nasaan na silang dalawa. Hindi naman siguro 'yon umalis. I'm sure hindi. Natatakot kaya 'yong si Zao na tumakas ako.
Nang makababa na ako ay inilibot ko agad ang tingin ko? Nasaan na ang dalawang mokong na 'yon?
Dahil hindi ko sila makita, napabaling ako sa may pintuan at nakita kong nakabukas ito. Sign na siguro ito na makalabas na ako dito. Kaya dali akong napatakbo at saktong nasa may pintuan na ako ay narinig ko ang kanyang boses sa aking likuran.
"I told you already, you can't escape here." aniya mula sa aking likuran.
Haist! Wala na ata akong kawala dito! Napaharap ako sa kanya at nakita ko siyang palapit sa akin. Seryoso lang itong nakatingin sa akin habang hinawakan niya ako at agad na hinila.
"I'm just joking." nasabi ko nalang sa kanya.
"Eat," aniya nang napahinto siya sa may dining table. Pinaupo niya pa ako habang may nakahain ng pagkain doon.
Umupo na rin siya sa aking tapat habang maigi lang niya akong pinagmasdan.
"Wala akong ganang kumain." sabi ko sa kanya. Wala naman talaga akong gana. Kahit gaano kasarap itong pagkain sa aking harapan.
"Just eat it! Don't be too demanding!" sigaw niya sa akin.
"Hindi ako demanding. Sadyang wala akong ganang kumain sa bahay na ito." sambit ko sa kanya. "Sino ba namang taong gustong kumain sa impyernong ito."
Nawawalan ako ng gana sapagkat maaalala ko ang kahilayang ginawa sa babae kagabi.
"Fine! Don't eat it!" sigaw niya at napatayo. Bahagya siyang lumapit sa akin. "Let's go. I still have things to be fixed with." aniya.
"Dito nalang ako." sabi ko sa kanya.
"Fvck! No. I can't let you out of my sight!" muli niyang sigaw at hinawakan niya ang braso ko. Napatayo ako at hinila niya na naman ako palabas ng mansion.
Ayaw niya akong mawala sa kanyang paningin? Sounds sweet, but I think its sweet for him. He never love a woman.
Hinila niya ako hanggang sa kanyang kotse. Pwede niya naman akong hindi pilitin. Sasama naman ako sa kanya kahit hindi niya pa ako pipilitin. Agad niyang binuksan ang kanyang kotse at pinasok niya agad ako sa front seat pagkatapos ay sinarado niya ang pinto ng kotse.
"Sasama naman ako kahit hindi niya pa ako pipilitin. Damn him." nasabi ko nalang sa sarili ko.
Bahagya siyang umikot sa harapan ng kotse at pumasok sa driver's seat. Nang makapasok na siya ay agad niyang binuhay ang makina ng sasakyan.
Nakita kong binuksan lang ni Heat ang gate at kumakaway pa ito sa amin. Napahinga lang ako ng malalim. Wala akong ideya kung saan kami pupunta. Hindi niya naman sinabi kung saan.
"Saan tayo pupunta?" tanong ko lang sa kanya.
"Where do you think we are going?" pa-tanong niyang sagot sa akin.
"Kaya nga ako nagtatanong kasi hindi ko alam." nasabi ko nalang sa kanya. "Bakit ako ang tinatanong mo?"
"Just don't asked me." nasabi niya nalang sa akin. OA nito parang gusto lang magtanong e.
Ilang sandali pa ay may tumawag sa kanya. Agad niyang kinuha ang phone niya at sinagot ito kahit na nagmamaneho.
"Yeah we're coming....Just wait for me there...okay..." narinig kong sambit niya sa kabilang linya at pinutol din ito kaagad. Hindi ko na siya tatanungin kong sino 'yon. Hindi din naman ako interesado na malaman 'yon.
"What?" tanong niya kaagad sa akin nang nakita niyang nakatingin ako sa kanya. Agad akong napaiwas ng tingin sa kanya. Binaling ko nalang ang tingin sa glass window ng kanyang sasakyan.
God.
Habang patuloy pa akong humihinga sa mundo, nararamdaman ko na ang impyerno. Sabi nga ng mama ko, hangga't nabubuhay tayo sa mundong ito, hindi tayo mauubusan ng problema. Haist!
Hininto ni Zao ang kanyang kotse sa harapan ng isang restaurant. Hindi ko alam kung ano ang ginagawa namin dito kaya agad akong napabaling ng tingin sa kanya. Nakita kong lumabas na siya ng sasakyan kaya lumabas na rin ako.
Maybe gusto niya rin kumain dito kaysa doon sa mansion.
Dali siyang lumapit sa akin at daling hinawakan ang kamay ko. "You can't escape." sabi niya. So iniisip niya talagang tatakas ako? Damn him.
Nagsimula na kaming naglakad papasok sa isang mamahaling restaurant. May sumalubong sa kanyang staff at itinuro kaagad kung saan kami uupo.
"Zao!" narinig kong sigaw ng isang babaeng naka-sleeveless. May tatlo pa itong kasamang babae habang tinitignan lang nila ako mula ulo hanggang paa. "Who's that girl?"
I remember this voice. If I'm not mistaken, ito ang narinig ko noong gabing 'yon. God. Hindi ko naman inaasahan na matatagpuan ang babaeng 'yon dito. Not bad. Maganda din ito.
Napaupo si Zao sa tapat nila at pinaupo niya rin ako sa kanyang tabi. Kahit na hindi ko sila lubusang kilala, alam kong kagaya ko sila. Sila ang mga nagamit na ni Zao at ako pa ang hindi.
"So I guess you already got it," panimulang sambit ni Zao sa kanila.
"No. It can't be Zao." ani ng isang babae. "Don't tell me, siya ang pinalit mo sa aming apat?" tanong nito.
"Yeah, you're right." ani Zao. "She's now my new."
"The four of us can be hottier than that girl." ani ng isang babae habang sinamaan niya lang ako ng tingin. "And besides, I can give you the pleasure."
"We can give me anything. The satisfaction." ani nila.
Napatawa lang si Zao. "Yeah, you can give me that. But she's different from you all." ani Zao. Ipinagmalaki niya pa ako sa mga babae niya. Malungkot ang naging reaksiyon nila. Alam kong ako ang kanilang sisisihin. Wala akong magagawa. Si Zao na ang nagsasabi n'on.
"Waiter!" tawag nalang ni Zao habang nagmamakaawa pa rin ang apat na babae sa kanya.
Damn it. Could I be the luckiest woman? No. Hindi ako swerte kay Zao. Malas nga e at napadpad pa ako sa kanya.
___________________
TheDarkProphecy