Naniningkit ang mga mata ni Anthony habang nakatanaw sa dalaga. "Mamaya na lang tayo mag-usap," aniya sabay hawi kay Dindo. Kunot ang noong sinundan siya ng tingin ni Dindo habang papalapit siya kay Mia na noo'y agad na nagyuko ng ulo. "Ano ang ginagawa mo rito?" seryoso ang mukhang tanong niya habang pinagsasalikop ang mga braso. Gumuhit ang alanganing ngiti sa mga labi ng dalaga. "H-Hi!" bati nito. Naiiling na inabot niya ang isang braso ng dalaga atsaka niya ito hinila palabas. "Kung kailangan mo ng pera magsabi ka kay Doughs, hindi mo naman kailangang magtrabaho." Galit na kinalas ni Mia ang kamay niya na nakahawak sa braso nito atsaka siya nito tiningnan sa mga mata. "Wala kang obligasyon sa akin! Hindi mo ako kailangang buhayin! Kaya pwede ba? Pabayaan mo ako!" "Magsisimula ka

