“Madungis pala akong tingnan sa lagay kong ‘to,” pigil ang boses na sabi ni Anthony sabay sipat sa sarili. Agad siyang hinila papalayo sa pinto ni Doughs atsaka nito sinipat ang kabuuan niya. “Hindi ka naman madungis, Boss, ah?” mahinang sabi nito. “Bakit hindi mo sinasabi sa akin, mukha pala akong kontrabida sa pormahan ko?” aniya. Napatakip sa bibig si Doughs na noo’y nagpipigil ng tawa. Napakunot ang noo ni Anthony. "Bwisit ka! Nagagawa mo pang tumawa," aniya sabay amba ng sapak kay Doughs. “Boss, matagal mo nang pormahan ‘yan. Sanay na ako na parang hindi ka nagpapalit ng damit. Iyan ang style mo, eh." "So, mukha nga akong kontrabida sa pelikula?" tanong niya. Napangisi si Doughs bago ito bahagyang tumango. Nagmamaktol na hinubad ni Anthony ang jacket atsaka niya idinikit sa

