Sa bar dumiretso sina Anthony at Doughs matapos niyang komprontahin si Gardo. Gabi na halos nang makabalik sila sa ospital. Habang nagpa-park si Doughs, bumaba na si Anthony at nagpatiuna sa loob. "Nurse, nasaan na ang pasyente rito?" kunot ang noong tanong ng binata nang mabungaran ang nurse na noo'y nagliligpit na ng silid. "Naku, Sir, naka-out na po kanina pa." Halos magsalubong ang kilay niya sa narinig. "Ano'ng naka-out?" "Nakiusap po kay Dok 'yung anak na kung maari daw na sa bahay na lang magpagaling ang tatay niya. Sinusubukan po namin kayong kontakin kanina pero naka-off po ang phone niyo, Sir." Sa narinig ay patakbong lumabas si Anthony, sa hallway na niya nasalubong si Doughs. "Boss, ano'ng nangyayari?" "Inilabas ni Mia si Mang Mando," humahangos na sabi niya. "Ano? Hind

