Chapter 20: Visits

1438 Words
Laging si emperador Jeremiah ang nag-aasikaso sa kaniyang mga anak at magli-limang araw na ang kaniyang mag-iina sa kaniyang tabi. Mahiyain pa rin ang kaniyang anak na si Jairon sa kaniya kahit may sugat ito ay nananatili pa rin itong tahimik. Hindi niya sinabi na sinugod siya ng heneral dahil sa pagkakabato nito sa kaniya. Nakatakbo ang bata sa tiyak na kapahamakan sa kaniyang buhay. “A-Anak ka man ng emperador, papatayin pa rin kita. Nang dahil sa iyo nabasag ang aking bungo!” pagalit na saad ng heneral sa kaniya. Binunot nito ang patalim ng heneral at nasugatan niya sa likod si Jairon. Napaupo ito sa gilid ng balon at nagdikdik ito ng dahon. Naluluha ang bata sa sobrang sakit ng kaniyang sugat. Hinahanap naman ng emperador ang kaniyang anak at nakita nito ang kaniyang anak na umiiyak. “J-Jairon anak, bakit ka umiiyak?” tanong ng emperador sa kaniyang anak. Umiling ang bata atsaka ito tumayo at nang tumayo ito nakita ng emperador ang bakas ng dugo sa kaniyang likuran. Hindi maipinta ng bata ang galit ng kaniyang ama. “SINO ANG GUMAWA SA’YO NITO, JAIRON?!” pagalit na wika ng emperador sa kaniyang anak. Umiyak nang umiyak ang bata at ibinuhat ng emperador ang kaniyang anak papunta sa kanilang silid. Ginamot ni emperador Jeremiah ang kaniyang anak. “Magbabayad ang taong gumawa nito, sabihin mo anak kung sinong gumawa sa’yo niyan!” pagalit na tanong muli ng emperador sa kaniya. Natakot naman si Amaya dahil nakikita na naman nito ang galit ng kaniyang kasintahan. Umiyak nang umiyak ang sanggol dahil narinig nito ang ingay ng kaniyang ama. Lumingon naman ang emperador sa sanggol at kaniya nitong kinarga. “Shhhh… patawarin mo ang iyong ama, kung nagising niya ang prinsesa niya. Nagagalit lang ako kung sino ang nanakit sa kuya mo,” malambing na saad nito sa kaniyang bunsong anak. “Amaya mahal at anak, yakapin niyo nga ako. Upang mapawi ang galit ko,’’ utos nito sa kanila. Niyakap nina Amaya at Jairon si emperador Jeremiah at muli niyang itinanong ang kaniyang panganay kung sino ang nanakit sa kaniya. “Anak, sabihin mo na sakin kung sino ang nagtangka sa iyong buhay. Hindi ka na nag-iisa ngayon anak,” pagpapaliwanag ng emperador kay Jairon habang nakayakap ang bata sa kaniya. “Anak, magtiwala ka lagi sa iyong ama. Hindi mo na kailangan maglihim sa amin dahil narito kami lagi ng iyong amang emperador,” nakangiting saad naman ni Amaya sa kaniyang anak. Tumingin ang batang si Jairon sa kaniyang mga magulang dahil nasanay ang bata na nag-iisa at walang katuwang sa buhay. Lagi kasi siya ang nag-aasikaso sa kaniyang ina at kapatid dahil laging maysakit ang kaniyang ina at kapatid noon. Nakatulog muli si Hiraya at niyakap siya ni emperador Jeremiah. “Anak sabihin mo lahat at makikinig ako. Tingnan mo ang lalim ng iyong sugat sa likuran. Hindi ko kayang nagagasgasan ang iyong makinis na balat. Tingnan mo hindi pa talaga gumagaling ang iba mo pang gasgas,” malungkot na wika ng emperador sa kaniya. Inamin ni Jairon kung sino ang nanakit sa kaniya. BIglang lumabas ang emperador subalit pinipigilan siya ni Amaya. “M-Mahal huwag na, kausapin mo na lang ang heneral,” umiiyak na wika ni Amaya sa kaniya. “Hindi, Amaya! Hindi ko siya mapapatawad!” pagalit na saad ng emperador sa kaniya. “M-Mahal pakalmahin mo ang iyong sarili. Hindi karahasan ang sagot.” “Paano kong mapapakalma ang aking sarili kung nasaktan muli ang aking panganay. Pinoprotektahan ko kayo tapos ganito ang mangyayari?! Hindi, huwag mo muna akong pipigilin mahal!” Pumunta ang emperador sa bulwagan ng kawal at humarap sa kaniya ang nananakit kay Jairon at nagkunwaring hindi siya ang nanakit sa bata. “Pinapalabas mo bang sinungaling ang aking anak?!” pagalit na saad ni Jeremiah sa kaniyang heneral. “H-Hindi naman po sa ganoon, kamahalan,” nanginginig na wika ng heneral sa kaniya. “Wala kayong karapatan upang saktan mo ang aking mga anak. Lumaki man silang alipin sa pangangalaga ni Amaya, ito ang tatandaan ni’yo. Hindi na alipin ang aking mag-iina at magbabayad kayo ng mahal kung makita kong magasgasan man ang kanilang balat!” Nanginig ang kalamnan ng mga kawal dahil nakikita nilang nagagalit ang kanilang emperador. Umupo ang emperador sa silya at huminga ito nang napakalalim. “Itali ni’yo ang hangal ng emperador na iyan at kumuha kayo ng malalaking tipak ng bato,” mahinahong saad ni Jeremiah sa kaniyang mga kawal. Lumuhod ang heneral sa kaniyang harapan at sinipa lamang ni emperador Jeremiah ang heneral. “Wala kang karapatan saktan ang aking anak, papatayin kita gaya ng muntikan mong pagpatay sa kaniya. Bawat luha na ipinatak ng aking anak kanina, pagbabayaran mo ito ng mahal!” “MAAWA NA PO KAYO SAAKIN KAMAHALAN!” Itinali nila ang heneral at kumuha ng malaking tipak ng bato si Jeremiah at ibinato nito sa heneral. “Batuhin ni’yo siya hanggang sa mamatay!” utos nito sa kaniyang kawal. Pinanuod nito ang unti-unting pagpatay ng kaniyang kawal sa heneral na nanakit sa kaniyang anak. Nang mamatay ang heneral dahil sa pagkakabato sa kaniya ng mga malalaking tipak ng bato, ipinasunog nito ang kaniyang katawan. Umalis na ito at pumunta na sa kaniyang silid. Patuloy na umiiyak ang bata sa tabi ng kaniyang ina dahil masakit ang kaniyang sugat sa likuran. “Jairon anak, wala nang mananakit sa iyo. Tama na ang pagtangis anak ko, masakit ba ang iyong sugat?” pag-aalalang tanong ng emperador sa kaniyang anak. Tumango ang bata at niyakap nito ang kaniyang ama. Patuloy naman pinupunusan ni emperador Jeremiah ang luha ng kaniyang anak. Ibinuhat niya ito at hinaplos ng banayad ang likuran ng kaniyang anak. Pumunta ang mag-ama sa trono at doon sila umupo. Naging mainahon ang bata at tumigil sa kaniyang pag-iyak. “Napakatapang ng anak ko, manang-mana ka talaga sa akin. Bukas samahan mo akong pumunta sa puntod ng iyong lolo emperador na si Schniziel at ang lola reyna mo na si Amethyst,” nakangiting wika ng emperador sa kaniyang anak. Kinabukasan ay pumunta sina Jairon at emperador Jeremiah sa puntod ng kaniyang mga magulang. Nakita ni Jairon ang mga nakapintang mukha ni dating emperador Schniziel at Amethyst. Nakita niyang magkayakap ang kaniyang lolo at lola sa larawan. “Ama, bakit nariyan ka sa larawan at si tiya Aerith ang isa,” pagtatakang wika ni Jairon sa kaniyang ama. Tumawa nang malakas si emperador Jeremiah at pinisil nito ang ilong kaniyang anak. “Hindi ako iyan, anak. Siya ang iyong lolong emperador na si Schniziel at ang isa naman na inaakala mo siya ay ang iyong tiyang si Aerith, siya ang lola mong reyna na si Amethyst. Pagmasdan mo ako, tayong tatlo kasama ng iyong lolong si Schniziel ay iisa lang ang mukha,” nakangiting wika ng emperador sa kaniyang anak. Kinausap naman ni emperador Jeremiah ang kaniyang mga magulang na nakahimlay sa puntod. “Ama, mama, pagmasdan ni’yo ang inyong apo na si Jairon hindi ba’t kamukha ko siya at kamukha mo rin po siya aking ama. Alam kong marami akong pagkukulang sa kanila subalit babawi po ako sa kanila. Hindi lang po si Jairon ang apo ni’yo, sa ngayon ay nasa palasyo si Hiraya at kilala ni’yo na po ang aking mapapangasawa. Siguradong tatawanan ninyo ako dahil ang kababata kong si Amaya ang aking mapapangasawa. Maraming pagsubok man ang dumating subalit alam kong kakayanin naming iyon. Patawarin ninyo po ako dahil walong buwan at   limang araw akong hindi nakadalaw sa inyo. Tulad ng pagmamahal na ibinigay ninyo sa akin, ganoon din ang gagawain ko at mahal na mahal ko ang aking pamilya. Alam ninyo naman po ang lagi kong ikinukuwento ko sa inyo, mahal na mahal ko po kayo mama at ama,” wika ni emperador Jeremiah sa puntod nina Amethyst at Schniziel. Kahit na laging abala ang emperador dati ay araw-araw niyang binibisita ang kaniyang mga magulang. “Sa susunod mama at ama, masasama ko na ang aking mag-iina rito. Alam ko rin na lagi kayong binibisita ni tiyo Clovis tuwing bago siya pumupunta sa pagpupulong,” dagdag na saad ni Jeremiah sa kanila. Ilang sandali lamang ay nakita nila si emperador Clovis na paparating at may dala-dala siyang bulaklak para sa yumaong mag-asawa. “Narito pala kayo Jeremiah at ang aking apo na si Jairon,” nakangiting saad ni emperador Clovis sa kanila. “Opo tiyo, halos araw-araw po kayong narito.” “Oo, Jeremiah, dahil konting panahon na lang ay makakasama ko na sila.” Nagkuwentuhan ang dalawa at namamangha naman si Jairon sa katapangan at sakripisyo na ginawa ng kaniyang lolong emperador na si Schniziel.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD