Chapter 19: Forgiveness

1282 Words
Jeremiah’s POV Lumipas ang isang araw at patuloy pa rin nahihiya sa akin ang aking panganay na anak na si Jairon. Hindi kasi siya nasanay na mayroong nag-aalaga sa kaniyang ama. Nagpapagaling pa si Amaya ng kaniyang sugat at inilabas ko naman ang aking prinsesa sa labas upang maarawan. Kamukha ko ang kaniyang mata at ilong, subalit ang kaniyang labi ay nagmana ito sa kaniyang ina. Ang kaniyang buhok ay katulad nito kay Allirea. Kinakantahan ko ito habang nasa hardin kami at nilalaro ko siya. Tumatawa ito at ayoko na rin pumunta sa mga pagpupulong dahil sinusulit ko ang makasama ang aking mga anak. Lumapit si Schneider habang pasan-pasan niya si Jairon dahil naglalaro sila sa kabilang hardin. “Schneider, ikaw na muna ang bahala sa pagpupulong ngayong araw. Naroon naman si tiyo Clovis,” saad ko sa kaniya. “Opo, kuya,” tugon niya sa akin. “Hindi na po ba tayo maglalaro, tiyo prinsepe?” malungkot na wika ni Jairon sa kaniya. “Babalik din ako mamaya, Jairon, ayan ang iyong ama upang makipaglaro sa kaniya,” tugon ni Schneider sa kaniyang pamangkin. Ngumiti ako at hinimas ko ang ulo niya. “Halika na Jairon, pakainin na ita,” nakangiting kong wika sa kaniya. Hinawakan ko ang kaniyang kamay papasok nang palasyo at nakatulog na muli ang aking bunso. Pumunta ako sa aking silid at nakita ko si Amaya na nakadungaw sa bintana. “Mahal,” tawag ko sa kaniya. “Nakatulog si Hiraya, dito na lang tayo kumain sa aking silid,” dagdag na saad ko sa kaniya. Nagpahanda ako ng pagkain sa aking silid dahil hindi pa siya puwedeng maglakad-lakad dahil sa kaniyang kalagayan. Umupo si Jairon sa tabi ng kaniyang ina dahil alam kong nahihiya pa siya sa akin. “Halika nga rito, anak,” tawag ko sa kaniya. Lumapit ang aking anak sa akin habang nakayuko. Kinarga ko siya at hinalikan ko siya sa kaniyang pisngi. “Anak gusto mo bang subuan kita?’’ tanong ko sa kaniya. Tumango lang ito at alam ko masasanay rin siya sa akin. Sinubuan ko siya at halata sa kaniya na nagugustuhan nito ang pagkain. Upang masanay siya sa akin, nakipaglaro ako sa kaniya at pumunta kami sa tabi ng ilog. Nagulat ako at hindi ko makakalimutan ang isinaad niya sa akin. “Ama, mahal na mahal po kita,” nahihiya niyang saad sa akin habang kinakarga ko siya. Naluha ako dahil matagal ko nang gustong marinig sa kaniya ang salitang iyon. Natuwa ako at niyakap ko siya nang napakahigpit. “Mas mahal kita, aking anak,” lumuluha kong wika sa kaniya. Umuwi na kami ng palasyo at narinig ko ang prinsesa ko na walang tigil sa pag-iyak. Patakbo akong pumasok sa aking silid at labis ang aking pag-aalala. “H-Hiraya anak, tumigil ka na. Katatapos mo lang dumede sa akin, bakit ayaw mo yata ako? Hindi ka naman nilalagnat,” naiiyak na saad ni Amaya. “A-Ano ang nangyayari?” tanong ko kay Amaya. “Walang tigil po ang kaniyang pag-iyak dati hindi naman po siya ganito,” pag-aalala niyang tugon sa’kin. Kinuha ko siya at nang maamoy ako ng aking bunso nabigla si Amaya na bigla itong tumigil sa pag-iyak. “Narito na si ama, aking prinsesa,” malambing na wika ko sa aming sanggol. Sinayaw-sayaw ko ito hanggang sa makatulog. Inilagay ko siya sa maliit niyang higaan. “Kayo po pala ang hinahanap niya ngayon, kamahalan. Tiyak na araw-araw ka na po niyang hinahanap niyan,” nakangiting saad sa akin ni Amaya. “Hindi ako magsasawang alagaan ko kayo, huwag mo na akong tawaging kamahalan. Hindi ba’t magkasintahan na tayo, Amaya. Kaya’t mahal na ang itawag mo sa akin,” nakangiting wika ko sa kaniya. Namumula ito at alam kong hindi siya sanay. Nilapitan ko ito at mapusok kong hinalikan ang kaniyang mga labi. Napapikit ito at niyakap niya akong pabalik. “Opo, mahal,” tanging nasaad niya sa akin. Nakatingin sa amin si Jairon at nagpayakap ito sa amin. “Ama, Ina, ako rin!” saad niya sa amin. Kinagabihan ay nagdaos ako ng pagdiriwang para lamang sa kanila. Lahat ay inimbitahan ko at nagulat ako dahil buntis na rin si Ariza. Linapitan nila kami nina Amaya. “Naunahan pa kami may dalawang supling na!” pagbibiro ni Ritzen at Axton sa akin. “Magkakaroon din kayo, oh ayan,, buntis na si Ariza,” nakangiting wika ko sa dalawa. “Oo nga, kamukha mo si Jairon,” sambit ni Ariza sa akin. Huli na rin dumating si Xander at nilapitan niya ako. “Salamat at natanggap mo sila,” nakangiting saad niya sa akin. “Mas nagpapasalamat ako dahil inimulat mo ako sa katotohanan,” wika ko sa kaniya. “Oh, ayan kumpleto na ang barkada,” tumatawang wika naman ni Kilwah sa amin. Nagulat kami nang magpakita si Anata sa amin. “Ate----” tawag ni Anata kay Amaya. Nagyakapan ang magkapatid at magkasintahan pala sina Kilwah at Anata. Buntis na rin si Anata ng dalawang buwan kay Kilwah. Dumating rin ang kapatid ni Ariza, siya ay si Aryana. Inayang magsayaw ni Xander si Aryana. Matanda siya ng tatlong taon sa amin ang nakakatandang kapatid sa ama ni Ariza. Masaya ako para sa kanila at sana ganito na lang parati. Inihayag ko na rin ang pag-iisang dibdib naming ni Amaya, alam kong masyadong mabilis ngunit malaki na rin ang aming anak na panganay. Isinaad naman ni Xander ang tangka niyang pagtataksil sa akin ngunit mas nangibabaw pa rin ang pagmamahal niya sa akin bilang kaibigan. Nagkapatawaran kami at nag-inuman kaming magkakaibigan. Pagkatapos ng pagdiriwang ay umakyat na kami ng silid at nakatulog na rin si Jairon. Hinalikan ko si Amaya sa kaniyang labi at tila nasabik ako sa kaniya. “Mahal na mahal kita, mahal,” wika ko sa kaniya habang magkalapit ang aming mga labi. “Mahal na mahal din po kita,” pabalik niyang saad sa akin. Naghalikan kami at nagsimula ko nang hubarin ang kaniyang kasuotan. Bawat pagdila ko sa kaniyang balat ay napapakislot nito. Kinapa ko ang kaniyang perlas at may kakaunti pa itong pagdurugo. Pinigilan ko ang sarili ko dahil alam kong hindi pa maaari. “M-Mahal hindi pa maaari, alam kong kapapanganak mo pa lang kay Hiraya,” malungkot kong saad sa kaniya. Alam ko rin na nahihiya siya sa akin dahil sa nangyari sa kanila nina Xander. Subalit pinatawad ko ito at dahil kasalanan ko rin kung bakit hinayaan niyang may ibang lalaking dumampi sa kaniyang pangangatawan. Niyakap niya ako habang wala kaming kasuotan. “M-Mahal patawad,” umiiyak na saad niya sa akin. “A-Ano ka ba mahal wala na iyon. Kasalanan ko rin kung bakit nangyari iyon dahil labis ang pagmamalaki ko sa aking sarili at lubos kitang nasaktan. Ngunit ipangako mo ngayon sa akin na hindi na muling mangyayari iyon sa iyo,” lumuluhang wika ko sa kaniya. “Opo mahal, mananatili lamang sa’yo ang lahat sa akin.” Hinalikan ko siya sa kaniyang noo at kasabay nito ang pagsubo niya sa aking dragon. Ramdam na ramdam ko ang dila niyang ipinapaikot niya sa ulo ng aking alaga. Napapatingala ako at ramdam ko rin ang pagmamahal niya sa akin. “Iyan nga mahal, tama iyan, ugh!” tanging nasambit ko. Hinawakan ko ang magkabila niyang pisngi at binilisan ko ang pagkilos. Patuloy ako sa pagbayo habang nakasubo ang dragon ko sa kaniyang bibig. Nang nilabasan ako, linunok niya ang katas ng aking alaga. Nagbihis na kami at nagpasya akong igitna ang aming panganay sa amin. Katulad ko nga si Jairon na laging kayakap ko ang aking ama kapag ako ay natutulog. Niyakap namin ni Amaya ang aming anak habang nakangiti at napapikit ang kaniyang mga mata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD