Emperor Jeremiah’s POV
Pinarusahan ko si Amaya dahil sa pagnanakaw niya ng singsing na nanggaling sa aking ama at pamana niya iyon sa akin. Galit na galit ako sa kaniya dahil sa kaniyang nagawa. Gumawa ako ng napakahirap na desisyon at handa ko na sana siyang ipapatay. Hindi ko kaya na patayin ko siya dahil sa totoo lang ay hindi ko kayang gawin. Pinarusahan ko siya at ang humataw ng latigo ang aking heneral. Napapapikit ako sa tuwing sumisigaw ito sa sakit at nakikita ko sa kaniyang mukha ang paghihirap. Sa hindi inaasahan may tumawag sa kaniya, “ina” ang tawag sa kaniya ng bata. May pasan-pasan itong basket at naririnig ko ang iyak ng isang sanggol. Hindi ako makagalaw sa aking kinatatayuan dahil ang itsura ng bata ay ang aking mukha. Nakikita ko ang aking sarili sa kaniya noong ako ay isang paslit na bata. Nabatid ko na anak ko siya dahil natandaan ko na kung bakit lumayo si Amaya noon. Inilabas ng bata ang sanggol na ang tantiya ko ay kasisilang lamang nito at napakapula ng kaniyang buhok tulad ni tiyo Clovis at ang aking tiya kambal na sina Reyna Marianne at Karrine. Napakatapang ng bata dahil kaya niyang ipagtanggol ang kaniyang ina at kapatid kahit sa murang edad niya lamang. Napaluha ako sa aking nakikita dahil alam ko na kung bakit laging umuuwi si Amaya at dumudugo siya nang walang tigil dahil kapapanganak pa lamang niya. Nilapitan ko si Amaya at hindi ko mapigilan ang pag-agos ng aking luha. Nakiusap siya sa akin subalit hindi ko na kayang ipagpatuloy pa ang pagpaparusa sa kaniya. Dumating ang aking anak na si Jairon at alam ko napakatindi ng galit niya sa akin. Dumating sina Schneider at Allirea at ibinuhat ni Allirea ang sanggol at si Schneider ibinuhat niya si Jairon dahil nagkasugat sugat ito at nagdurugo ang kaniyang talampakan. Ibinuhat ko si Amaya patungo sa aking silid dahil nawalan ito ng malay.
Ipinagamot ko ang aking mga anak at si Amaya. Habang tulog si Amaya ay hinilamusan ko siya at hinalikan ko sa noo ang aking mga anak. Kinagabihan ay nagising si Amaya dahil narinig nitong umiiyak ang aming anak at nakita niya na binubuhat ko ito at kinakantahan. Ipinilit niyang tumayo subalit nanghihina siya at aming anak na si Jairon ay tulog na tulog.
“K-Kamahalan,” gulat na tawag niya sa akin.
“Huwag ka munang tumayo ako na lamang bahala sa kaniya. Pero pasusuhin mo muna, pagbigyan mo akong alagaan ang aking mga anak. Pakiusap Amaya,” umiiyak na saad ko sa kaniya.
Tumango lang ito at ibinigay ko muna ang sanggol sa kaniya. Pinasuso niya ito at niyakap ko si Amaya. Kinabukasan ay nagising ako subalit wala si Jairon sa tabi ko. Si Amaya ay natutulog pa at ang aming sanggol ay natutulog sa maliit niyang higaan. Nagpahanda ako ng aming almusal subalit wala ang aking panganay. Lumabas ako at itinanong ko siya sa aming kawal.
“Nakita ni’yo ba si Jairon?” tanong ko sa kanila.
“Ang alam ko po kamahalan ay nariyan lang siya at naglalakad-lakad,” wika ng aming kawal.
Nakita ko ang ipinasuot kong damit ay nasa itaas ng halamanan. Alam ko na kung saan siya nagpunta, nagpunta ito sa kanilang tahanan. Dali-dali akong pumunta sa tahanan nina Amaya at nakita ko siya sa likod ng bahay. Nagpapakain ito ng kabayo at nagdidikdik ito ng mga dahon. Pumasok ito sa kanilang tahanan at nakita ko siyang nagluluto. Naghahanda ito sa mesa at bigla akong pumasok.
“K-Kamahalan, p-patawarin ninyo po sana ako sa pagbato ng inyong singsing kahapon. Ipaghahanda ko lang po si ina ng kaniyang makakain dahil maysakit ito at pinapakain pa niya ang aking kapatid. Susunduin ko na po sila niyan,” wika nito habang nakikita ko ang pagod sa maliit nitong pangangatawan.
Naluha ako at hindi ko napigilan ang yakapin siya. Napakalaki pala ng sakripisyo ng aking panganay para lamang matulungan ang kaniyang ina. Inihahanda nito ang kaniyang kabayo at nililinis nito ang maliit nilang karwahe upang sunduin sina Amaya sa aking palasyo. Ang mga halamang gamot na ginagawa nito ay paggamot nito kay Amaya dahil wala silang kakayahang magpatingin sa mga manggagamot dito sa bayan. Ang pagkain nito na puro maiinit na sabaw upang lumakas ang gatas ng kaniyang ina at hindi na muling magkasakit si Hiraya.
“A-Anak ako na ang bahala sa inyo. Ako ang iyong ama at kayo nina Hiraya ang prinsepe at prinsesa nitong ating bayan. Doon na kayo titira sa palasyo at hindi na tayo muling magkakahiwa-hiwalay pa. Patawarin ni’yo ako anak dahil naging pabaya ako,” lumuluhang saad ko sa kaniya.
“P-Pero po kung hindi kami aalis sa iyong palasyo, mahal na emperador mapaparusahan muli ang aking ina ng heneral na iyon. Si ina na lamang ang natitira sa amin upang maipagpatuloy ko ang buhay ko,” umiiyak na wika niya sa akin.
“Ipapangako ko, bilang isang emperador hindi na muling masasaktan ang iyong ina ng heneral na iyon,” pangako ko sa kaniya.
Hinalikan ko sa pisngi at noo ang aking anak at tulad ng aking ama, iba na talaga kapag may anak ka na. Nakita ko rin ang silid nila at napakaraming aklat ang kaniyang binabasa. Tiyak na ninakaw ni Amaya ang mga ito sa aking silid-aklatan subalit hindi na ako nagagalit ngayon.
“K-Kamahalan, maaari ko na po bang sunduin ang aking ina at kapatid mamaya?”
“Bilang iyong kamahalan, Jairon. Ama na ang itawag mo sa akin at inuutusan ko kayong tumira sa aking palasyo. Ayoko nang naririnig ang emperador at kamahalan maririnig ko sa iyong bibig. Ama ang itawag mo sa akin,” pagkukunwari kong galit sa kaniya.
“Opo, ama.”
Ibinuhat ko ang aking anak at inutusan ko ang aking mga kawal na gibain na ang kanilang tahanan upang hindi na muling pumupunta ang aking anak sa kanilang kinalakihang tahanan. Idinala rin namin ang kanilang kabayo at isinama ko ito sa kabayo na ibinigay ng aking ama. Napagpasyahan kong magpahanda ng pagdiriwang para sa aking mag-iina. Pumasok kami ni Jairon sa aking silid at nakita ko si Amaya na pinapasuso niya ang aming bunso.
“K-Kamahalan, magpapaalam na sana kaming uuwi sa aming tahanan,” pagpapaalam niya sa amin.
Subalit biglang nagsalita si Jairon.
“Ina, giniba na ang ating bahay ni empera--- este si ama,” malungkot na saad ng aking anak.
“Amaya, manatili na lamang kayo rito. Huwag mo sana akong pagdamutan ng karapatan sa ating mga anak.”
Nakayuko lamang ito at pumatak ang kaniyang luha.
“S-Subalit, mga alipin lamang kami kamahalan. Wala kaming karapatan upang matulog o dumampi ang aming balat sa inyong higaan.”
Nagalit ako sa kaniya at napagtaasan ko siya ng tinig.
“Hindi alipin ang ating mga anak, Amaya! Huwag mo naman akong pagsabihan ng ganito. Sila ay mga yaman natin. Makinig ka sa akin at nakikiusap ako, manatili sana kayo sa aking tabi!”
Umiyak nang umiyak si Hiraya at kinuha ko ito sa kaniya. Tumigil ang bata sa kakaiyak at hindi na siya nagkasakit pa.
“Isipin mo ang ating mga anak at dito sa aking pangangalaga, maaalagaan ko kayo. Naisip mo ba na noong nagkasakit sila, nasa tabi ba nila ako? dahil pinagkait mo sila sa akin. Ipinagkait mo ang lahat sa akin. Sana naman kahit ngayong araw lang ito ay magtiwala ka sa akin. Alam kong nasaktan kita, ala-alang sa ating mga anak ibaba ko na ang aking pagkatao. Sana mapatawad mo ako,” lumuluhang saad ko sa kaniya.
Humarap ito sa aking harapan at lumuha. Niyakap niya ako at hinalikan ako sa aking mga labi.
“Nakikiusap ako Amaya, huwag mo munang isipin ang mga alitan natin. Bilang ama nila sana ay hindi ko kayang lumuluha sila. Si Jairon ay wala man akong naging pagkakataon upang makita ko ang una niyang pag-iyak, pagtawa at paglalakad. Sana kahit kay Hiraya man lang maranasan ko iyon,” hindi ko mapigilan ang pagluha sa kanilang harapan.
Niyakap ako ni Amaya at humingi siya ng tawad. Para sa aming mga anak, hindi na ako magpapanggap ng tunay na narararamdaman.
“Mahal na mahal kita Amaya. Mahal ko kayo, sana ay matanggap mo ako sa iyong buhay kahit naging masama ako sayo dati.”
Nabigla ito sa kaniyang narinig at lumuha lamang ito at saka ngumiti.
“Mahal na mahal din kita emperador Jeremiah!”
Nagyakapan kaming apat at hindi ko maintindihan kung bakit ang gaan ng aking pakiramdam. Alam ko na ang aking mga yaman at sila ang aking kayamanan, ang aking mag-iina.
End of POV
Hindi alam ni emperador Jeremiah na lihim na ang pagtataksil ni Xander sa kaniya.