Chapter 17: The Reunion

2217 Words
Emperor Jeremiah’s POV Naging abala ako sa aking mga pagpupulong at mga naiwang trabaho ng aking namayapang ama. Ibinigay ng aking tiyo Clovis ang iniwan na sulat ng aking namayapang ama. Naluha ako dahil ang dami niyang isinakripisyo upang mabura lang ang mga digmaang nagaganap sa bawat bayan. Inalis din niya ang kahirapan ng mga alipin at ang mga nagugutom ay nabusog dahil sa pamumuno niya. Pinili niyang maging masama at malupit sa paningin ng mga emperador at pinatay niya ang mga sakim sa pamunuan. Masasabi kong napakadakila ng aking ama. Hindi siya isang masamang emperador kung hindi isang napakabuting emperador nito. Isang mapagmahal na ama at sa kaniyang nasasakupan. Isang taon akong nawala sa aking emperyo at bawat dinadaanan kong bayan ay napakatiwasay ang pamumuhay. Binisita ko emperador Calisus at halata sa kaniya ang katandaan. Hinabilin nito ang pamumuno kay emperador Calix at ang bayan ng Seria ay magiging bahagi na ng bayan ng Heras. Bawat bayan na nasakop ng aking amang si emperador Schniziel ay nakatayo ang kaniyang rebulto bilang pag-alala sa kaniyang kagitingan. Napaluha ako at lahat kami ay iniligtas niya sa kamatayan. Sa ngayon ay papauwi na ako sa aking emperyo at sinalubong ako ng aking mga kawal at aking mga kapatid. Nagtataka ako kung bakit wala si Amaya sa mga tagapagsilbing nakayuko sa aking harapan. Ilang oras lamang ang nakakalipas ay naglibot-libot ako sa palasyo at nakita ko siyang nakasandal sa puno. “A-Amaya,” tawag ko sa kaniya. Nasabik ako sa kaniyang yakap at halik dahil isang taon kaming hindi nagkikita. Subalit hindi man ito lumingon at nakaupo lang ito sa ilalim ng puno. Tiningnan ko siya at nakita kong tila nawalan siya ng malay. Nakita ko rin ang kaniyang hita na napakarami niyang dugo at tila nanlalambot ang katawan. Ibinuhat ko siya at dinala sa aking silid. Ipinatawag ko si Briana ang aking manggagamot. “Kumusta si Amaya?” tanong ko sa kaniya. “A-Ayos lamang p-po siya k-kamahalan at masyadong mabilis lamang ang kaniyang buwanang dalaw,” gumagaralgal na wika niya sa akin. “Obserbahan mo na lang siya at ako ay lalabas muna,” tanging nasagot ko sa kaniya. “Opo, kamahalan.” Hindi ko maintindihan kung bakit napakalakas naman ng kaniyang pagdurugo kung isa lamang buwanang dalaw iyon. Nakita ko si Xander na paparating at bigla niya lamang akong sinapak at hindi ko siya maintindihan. “B-Bakit ano ang problema mo, huh, Xander?” pagtataka kong tanong sa kaniya. Dumugo ang aking labi at pinunasan ko ito. Upang makaganti ay sinuntok ko rin siya. “Iyan ba ang pagsalubong mo sa akin?’’ pag-iinsulto kong saad sa kaniya. “Napakasama mo!” pagalit na saad niya sa akin. “A-Ano ang ibig mong sabihin?!” Tumalikod lamang ito at nagsimula nang lumuha. Wala akong ideya sa mga nangyayari. “Ito ba ay tungkol kay Amaya?” tanong ko sa kaniya. “P-Pakawalan mo na si Amaya, aking kaibigan. Gusto ko na siyang isama sa aking emperyo. Nabalitaan ko na ang nangyayari sa kaniya. Mahal na mahal ko siya at sana bilang kaibigan mo ay mapapayagan mo ako sa aking hiling,” pakiusap niya sa akin. Kilala ko ang aking kaibigan ito ay isang napakalumanay at hindi magalitin. Marunong siyang magtimpi at mababa ang kaniyang kalooban. Hindi siya katulad ko na napakaikli ng pasensiya. Napaupo ako sa damuhan ng aking hardin at alam niyang hindi ko siya mapapayagan sa kaniyang kahilingan. Tinawanan ko lamang ito nang napakalakas at ininsulto. “Ang kaibigan ko, mababa pala ang uri ang gusto. Bakit may nangyari ba habang wala ako rito?” pang-iinsulto kong tanong sa kaniya. Umupo ito sa silya at yumuko kasabay nito ang paghinga niya ng malalim. “Sa katunayan ay binisita ko siya noong isang araw bago ka dumating dito sa palasyo. Mag-isa na lamang ito sa buhay at nakapag-asawa na ang kaniyang kapatid. Lagi itong balisa at umiiyak. Nang dahil sa kaniyang kalungkutan hindi ko maiwasan ang damayan siya. Kaya gusto ko siyang kunin sa iyong kamay upang hindi na siya mahirapan sa malupit mong palad. Alam ko na ang nangyari na ginagahasa mo siya upang mapuno lang ang iyong pagnanasa ng iyong sariling pangangatawan. Upang matanggal ang bahid mo at ang kaniyang narararamdamang kalungkutan, may nangyari sa amin, Jeremiah,” pagtatapat niya sa akin. Nabigla ako sa aking narinig at hindi ko na nakontrol ang aking galit sa kaniya. Sinugod ko siya at pinagsusuntok. “Hinding-hindi mo siya makukuha sa akin, Xander. Sa akin lang si Amaya at pagmamay-ari ko siya. Ano ang sinasabi mong bahid ko? Hindi ko matatanggap ko ito, sa akin lang si Amaya!” pagalit kong saad sa kaniya habang patuloy ako sa pagsuntok sa kaniyang mukha. Lumaban ito at bumunot ng kaniyang patalim. Naglaban kaming dalawa subalit natalo ko siya sa aming labanan. “Kahit may nangyari na sa inyo, si Amaya ay pagmamay-ari ko siya. Alipin ko siya at sa akin ang lahat sa kaniya. Sisiguraduhin kong hindi na mauulit ang nangyari sa inyo. Umalis ka sa aking harapan Xander, huwag ka nang bumalik dito. Kakalimutan ko ang lahat ng ating pinagsamahan ala-alang kay Amaya, kailanman hindi mo siya makukuha sa akin.” “Kung hindi ko man makukuha si Amaya sa iyong napakalupit na kamay, mangako ka sanang hindi na dadampi at masasaktan ang aking minamahal. Kailangan ka niya, Jeremiah. Kung minamahal mo rin siya, sana ay alagaan mo siya tulad ng pag-aalaga niya sa iyo.” Hindi na ako kumibo at lalo akong nagalit sa ginawa ni Amaya. Hinayaan niya ang lalaking ito na dumampi ang palad nito sa kaniyang pangangatawan. Umalis na si Xander at nagsimula nang natapos ang aming pagkakaibigan. Pinuntahan ko si Amaya sa aking silid subalit hindi ko na siya naabutan at saka na umalis. “Palilipasin ko muna ito Amaya, hihintayin kong gumaling ka. Matitikman mo ang aking kaparusahan,” saad ko sa aking sarili. End of POV Lumipas ang isang buwan at hinintay muna ni Amaya na pagalingin ang kaniyang sarili mula sa panganganak. Hiraya ang ipinangalan niya sa kaniyang anak at ang katuwang niya sa pagbabantay ang anim na taong gulang na si Jairon. Nagtataka ang bata kung bakit napakapula ng buhok ng kaniyang kapatid at kamukha niya ang prinsesa na si Allirea. Ni minsan ay hindi itinanong ng bata kung sino ang kaniyang ama. Mahilig itong gumawa ng halamang gamot dahil sa kaniyang mga nababasa. Napapansin ni Amaya na napakatalino ng kaniyang anak na si Jairon. Isang buwan na ang bata at hindi alam ni Amaya ang gagawin dahil sa ngayon ay nagkaroon ng pulmunya ang kaniyang anak. Katulad na katulad ang sakit nito sa kaniyang kapatid noong sanggol pa lamang ito. Umiiyak siya at isang araw nang hindi dumedede ang kaniyang anak. “Jairon, anak, bantayan mo ang iyong kapatid. Babalik din ako mamaya,” bilin nito sa anak. Bawat dalawang oras ay bumabalik si Amaya sa kanilang tahanan. Subalit gumawa nang napakahirap na desisyon si Amaya upang mabuhay lamang ang kaniyang anak. Ninakaw nito ang singsing ni emperador Jeremiah at ito ay ibinigay ng kaniyang ama. Dinala ni Amaya ang sanggol sa pagamutan at alam niya na nabalitaan na ng emperador kung sino ang nagnakaw ng kaniyang singsing. Ipinambayad nito ang singsing sa isang mangangalakal upang maging salapi. Kinausap nito ang kaniyang anak upang mamaalam subalit hindi maintindihan ng bata ang ibig nitong sabihin. Pumunta si Amaya sa palasyo at pagdating niya roon ay isang malakas na sampal at pananakal ang inabot niya kay emperador Jeremiah. “Nasaan ang singsing, Amaya?” pagalit na tanong nito sa alipin. Ngunit hindi nagsalita ang alipin at nagpasya ang emperador na paparusahan ito hanggang sa mamamatay. Ipinikit ni Jeremiah ang kaniyang mga mata at ang singsing na iyon ay ang kanilang pinakamahal na yaman at ala-ala ni emperador Schniziel. Dinala si Amaya sa entabalado ng bulwagan at doon nanunuod ang lahat ng kawal at kaniyang mga kasamahang alipin. Punong-puno ng pasa at bugbog ang alipin. Nanunuod naman si Jeremiah sa pagpaparusa sa kaniya habang walang tigil siyang hinahagupitan ng latigo ng isang heneral. Nakakadena ang isa nitong paa habang nakaluhod ito. Nakakakapit si Amaya sa isang nakatayong kahoy. Nagtataka naman ang batang si Jairon kung bakit hindi pa bumabalik ang kaniyang ina at walang tigil sa pag-iyak si Hiraya dahil nagugutom na ito. Isinilid nito ang sanggol sa isang basket na pampasan at naglakad na ito patungo sa palasyo. “Malapit na tayo, Hiraya, hahanapin natin si Ina,” wika ng bata sa kaniyang kapatid na isang buwang taong gulang. Nang makarating sila sa palasyo narinig nila ang mga hiyaw ng mga tao at sinundan nito ang hiyawan. Nang pumasok ito sa bulawagan nakita niya ang kaniyang ina na walang tigil na pinapahirapan. “INA!” tawag ni Jairon sa kaniyang ina. Napatingin si Amaya sa dereksyon ng kaniyang anak at saka ito lumuha. Kumuha si Jairon ng malaking bato  at ibinato nito sa heneral. Nabigla si emperador Jeremiah sa kaniyang nakikita at hindi ito makagalaw sa kaniyang kinatatayuan. “HUWAG MONG SAKTAN ANG AKING INA!” pagalit na sigaw nito sa heneral at nawalan ng malay ang heneral dahil sa pagkakabato ng bata. “Umuwi na kayo Jairon, ayos lang si mama. Umuwi na kayo ni Hiraya, mamamatay kayo. Nakikiusap ako mga anak. Lumayo na kayo, pakiusap!” Umiyak nang umiyak ang sanggol dahil nagugutom na ito. “Nagugutom na si Hiraya, ina. Baka mamatay ang aking kapatid.” Lumapit si Jairon sa kaniyang ina at ibinigay nito ang kaniyang kapatid. Lahat ay nagulat dahil may lihim pa lang anak si Amaya. Ipinasuso ni Amaya ang sanggol at napasandal ito sa gilid ng entablado. “A-Anak, alagaan mo ang iyong kapatid. Pagkatapos ko siyang pasusuhin, umuwi na kayo,” nahihirapang wika ni Amaya sa anak atsaka ito napapikit dahil sa sakit ng kaniyang katawan. Naalala ni Jairon ang singsing na ibinenta ng kaniyang ina. Naisip niya na baka iyon ang dahilan kung bakit napaparusahan ang kaniyang mahal na ina. Tumakbo ang bata upang ibalik ang singsing sa emperador. “Ina, kukunin ko ang singsing!” “A-Anak huwag na, bumalik ka rito!” narararamadaman na ni Amaya na tila mawawalan na siya ng malay. Pababa naman ng bulwagan si emperador Jeremiah habang wala ito sa kaniyang sarili. Nilapitan niya si Amaya at umiyak ito sa kaniyang harapan. “B-Bakit mo inilihim sa akin, ito, huh, Amaya?” umiiyak na saad ng emperador sa kaniya kasabay nito ang paghimas sa kaniyang mukha. Hinimas ng emperador ang mukha ng kaniyang anak at nabatid nitong maysakit ito dahil sinisipon siya at nilalagnat. “D-Dahil p-po hindi ko hahayaang makagulo kami sa iyong buhay at natatakot akong mamatay ang aking mga anak sapagkat alipin lamang kami at natakot kaming hindi mo kami matanggap. Hayaan mo muna po akong pasusuhin si Hiraya at saka ni’yo po ipagpatuloy ang aking kaparusahan. Nakikiusap po ako, kamahalan, sana ay alagaan mo ang ating mga anak kahit huwag ni’yo na po silang ituring na isang mga mahaharlikang lahi. Mabuhay lamang sila, labis na ang aking kaligayahan. Si Jairon, matalino siya at alam niyang alagaan ang kaniyang kapatid at pangako po na uuwi na sila pagkatapos nito. Kahit pagkain at gatas lamang po ang ibigay ni’yo sa kanila, basta manatili lamang po silang buhay. Patawarin ni’yo po ako kung pinagnakawan ko po kayo, dahil nagkasakit si Hiraya. Hindi ko kakayanin kung mawawala sila sa aking buhay. Kung mamamatay man ako sa araw na ito, hinihiling ko rin po sanang kahit sa huling pagkakataon maipagluto ko si Jairon bilang pasasalamat sa kaniyang mga sakripisyo kahit isa lamang maliit ang kaniyang palad,” mahinang wika ni Amaya sa emperador at dumugo ang kaniyang labi. Hindi makapagsalita si emperador Jeremiah at niyakap niya ng napakahigpit si Amaya. Umiyak nang umiyak ang emperador at biglang dumating si Jairon na maraming sugat at pasa. Ibinato nito ang singsing sa kaniyang ama. “Huwag mong hahawakan ang aking ina, emperador na mamaslang tao. Iyan bang singsing na iyan ang dahilan upang parusahan mo at paslangin ang aking mahal na ina. Maliit pa ang aking kapatid at siya lamang ang aming yaman. Kung kulang pa iyan, handa kong ibuwis ang aking buhay para sa kaniya!” ummiyak na saad ni Jairon sa kaniya. Nakikita ni emperador Jeremiah ang kaniyang sarili sa kaniyang anak. Itinulak ng bata ang emperador at labis pa rin ang iyak ni Jeremiah sa kanilang harapan. Hinarangan ni Jairon ang kaniyang ina at pinulot nito ang kunai na napulot niya sa lupa. “Kung ang buhay ko ang nais mo upang mabuhay lamang ang aking ina, gagawin ko!” Itinutok ng bata ang kunai sa kaniyang leeg. Si Amaya ay napapikit at nawalan na ng malay. Napansin ni Jeremiah na walang sapin sa paa si Jairon at dumudugo ang kaniyang talampakan. Nang isasaksak na ni Jairon ang kunai sa kaniyang leeg, hinawakan ni Jeremiah ang patalim at itinapon niya ito. Niyakap nito nang napakahigpit ang kaniyang anak. “Patawarin ni’yo sana ang inyong ama kung napabayaan ko kayo. Hindi ko alam mga anak. Hindi ko alam ang mga nangyayari. Ipapangako na magiging maayos na ang inyong buhay at hindi na kayo muling magugutom pa. Patawad!” Umiyak nang umiyak si Jairon at niyakap nito ng pabalik ang kaniyang ama. Niyakap ng emperador ang kaniyang mag-iina, walang tigil ang pagluha dahil sa kaniyang kagagawan ngayong araw.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD