Amaya’s POV
Lagi akong inaakayan ng mga kawal ng emperador upang hindi ako makatakas sa kaniyang kamay. Sa totoo lang hindi ko na masikmura ang ginagawa sa akin ng emperador. Iniisip ko na nababaliw na siya sa kaniyang ikinikilos sa tuwing kaharap niya ako. Ngunit mas naging malupit siya sa akin sa tuwing may nakikita siyang may kausap akong ibang kalalakihan. Nakikita ko ang mga pinapatay niyang kaniyang mga sariling kawal. Tila nababaliw na ako sa aking mga nakikita at umiiwas na lamang ako sa mga kumakausap sa aking mga kalalakihan. Napapansin ng aking mga kasamahang alipin kung bakit may pasa ako braso minsan at sa aking pisngi. Minsan ay pumunta ako sa ilog at umupo ako sa itaas ng bato. Nagsimula nang tumulo ang luha ko.
Nakikita ko sa ilog ang masayang ala-ala namin ng aking sariling emperador. Noong panahong hindi pa siya malupit sa akin, lagi ko siyang nakikitang nakangiti. Nagsimula ito nang niligawan ako ni prinsepe Ritzen at noong una niyang nakuha ang aking puri sa loob ng silid aklatan. Gusto kong ulit makasama ang dating Jeremiah na nakilala ko noon. Ang emperador na laging tinatawag ang aking pangalan sa malambing na pamamaraan. Nakita ko ang repleksyon ko sa tubig, nakikita ko ang hubad kong pangangatawan.
Umiyak ako nang umiyak at napayakap ako sa aking sarili. Walang araw na hindi nalalapastangan ang aking katawan ng aming emperador. Gusto kong humingi ng tulong subalit natatakot akong malalaman nila ang lihim na aking itinatago. Lumipas na pala ang limang taon at malaki na si Jairon, hindi na ito muling nagkasakit. Habang lumalaki ito lalo kong nakikita sa kaniyang mukha ang mukha ng kaniyang amang si emperador Jeremiah.
Hindi na nagpakasal si emperador Jeremiah kay prinsesa Ariza dahil inamin ng prinsesa na minamahal niya si prinsepe Axton. Lalo akong natakot nang umalis sa kaniyang buhay ang prinsesa dahil lalo siyang naging mahigpit sa akin. Gustong sumama ng aking anak sa palasyo subalit hindi ako pumapayag. Napakatalino ng aking anak at gusto man niyang lumabas subalit hindi ako pumapayag.
“Ina, gusto kong pumunta ng bayan,” pagmamakaawa ng aking anak.
“Hindi maaari, Jairon. Baka magkasakit ka lang kapag lumabas ka!” pagalit na saad ko sa aking anak.
Nasasaktan din ako sa pagsuway sa aking anak at hanggang sa labas lang siya sa aming bahay. Paborito niya ang pagbabasa at ito ay nagmana sa kaniyang ama. Lagi akong may dalang aklat para sa kaniya at labis akong natutuwa sa kaniya. Napakaperpekto ng mukha ng aking anak at minsan hindi ko inaasahan ang pagbisita sa akin ni emperador Xander.
“E-Emperador X-Xander,” gulat na gulat kong saad sa kaniya.
Bumilis ang t***k ng aking puso at natatakot akong baka makita ng emperador na ito ang aking anak.
“Hindi mo ba ako papapasukin sa iyong tahanan, Amaya?’’ tanong niya sa akin.
Nahiya ako sa kaniya at pinapasok ko ito.
“Bakit parang hindi ka mapakali Amaya?” pagtatakang tanong niya sa akin.
Biglang nagsalita si Jairon at lumabas na siya sa aming silid. Kitang-kita ng emperador ng Krushan ang aking mahal na anak.
“Ina, tingnan mo ito,” masayang saad ni jairon sa akin.
Tumingin si Jairon sa emperador at yumuko ito.
“Ina iyan ba ang mga emperador? Ang ganda ng mga kasuotan,” manghang saad ni Jairon sa akin.
Nagulat ang emperador ng Krushan at ipinalabas ko muna si Jairon.
“A-Anak, bigyan mo muna ng makakakain ang ating kabayo sa labas,” utos ko sa aking anak.
Sumunod naman si Jairon sa akin atsaka na ito lumabas. Biglang tumalim ang tingin niya sa akin at mahigpit niyang hinawakan ang aking braso.
“Hindi ang kapatid mo ang nagkasakit noon, hindi ba Amaya?” pang-iinsultong saad sa akin ni Emperador Xander.
“O-Opo, k-kamahalan,” nanginginig na wika ko sa kaniya.
“Anak ba ni Jeremiah, iyan Amaya?”
Hindi ako makasagot sa kaniya atsaka nagsimula nang pumatak ang aking luha.
“Sumagot ka!”
Galit na galit sa akin si emperador Xander at muli niyang ako pinisil sa aking braso. Nakita niya ang aking mga pasa sa aking braso.
“Kailan ka pa nilalaspatangan ni Jeremiah? Bakit mo hinayaan ang saktan ka niya?!”
Patuloy lamang ang pagpatak ng aking luha at hindi ko maharap ang emperador ng Krushan. Napaupo ako sa upuan at nagsimula na ring pumatak ang kaniyang luha.
“Kaya pala ayaw mong magpakasal sa akin dahil nangyari sa iyo ang mga bagay na ito. Kaya pala umalis ka noon at hindi ka nagpakita sa palasyo. Ang babaeng pinapangarap ko nilalapastangan pala ng aking kaibigang pinagkakatiwalaan. Bakit hindi mo sinabi sa akin noon na ginagahasa ka pala ng iyong itinuring na matalik mong kaibigan!”
“N-Natakot po ako, nakikiusap po ako kamahalan. Huwag mo pong sasabihin ang aking lihim kay emperador Jeremiah. Natatakot akong baka mapatay niya kaming dalawa ni Jairon. Mahal na mahal ko ang aking anak, kamahalan. Hindi niya kami matatanggap dahil pinandidirihan niya kami at ayoko nang maging sagabal sa kaniyang buhay.”
“Walang kasing-sama si Jeremiah. Bakit niya nagawa sa iyo ito!” atsaka nagwala ito sa loob ng aking tahanan.
“Ang babaeng minamahal ko! Jerreeemiaahhh!” sigaw nito habang inaawat ko siya sa kaniyang pagwawala.
Napansin niyang makapal ang aking kasuotan at bigla niyang ipinunit ang aking damit. Napapikit ako at nalaman niya muli ang aking lihim. Niyakap niya ako at halos hindi siya makahinga sa kaniyang natuklasan. Nabuntis muli ako ng aming emperador at sa ngayon ay limang buwan na itong hindi umuuwi ng palasyo. Si prinsepe Schneider muna ang namuno rito at dahil may inaasasikaso sila nina emperador Clovis at emperador Calisus. Nabasa kasi nito ang sulat ng kaniyang amang ang dating emperador na si emperador Schniziel. May mga naiwan siyang misyon at upang maiwasan ang digmaan sa lahat ng bayan. Pitong buwan na rin ang aking tiyan at habang wala ito ay hindi na muli ako nagtrabaho sa palasyo. Tinangka kong tumakas subalit laging may nakabantay na kawal sa tarangkahan ng bayan. Napaluhod sa aking harapan ang emperador ng Krushan at hinimas nito ang malaki kong tiyan.
“Gusto kong matanggal ang lungkot ng iyong narararamdaman, Amaya. Alam kong masakit ang iyong dinanas mula sa kamay ng aking kaibigan, gusto kong mapawi lang ito kahit papaano,” umiiyak na saad sa akin ni emperador Xander.
Bigla niya akong hinalikan sa aking labi at idinala niya ako sa aking silid. Napapikit ako sa kaniyang ginagawa at narararamdaman ko ang pag-aalaga niya sa akin ngayong araw. Nag-alis ito ng kaniyang kasuotan at inalis niya rin ang aking kasuotan.
“Napakaganda mo, Amaya,” lumuluhang wika nito sa akin.
Napaluha ako at hindi ko mapigilan ang yakapin siya. Hinalikan niya muli ako at pinisil niya ang aking dibdib. Dahil sa buntis ako may gatas na ring lumalabas sa aking dibdib. Dinilaan niya ang pasas ng aking dibdib at kinagat niya ito ng mahina. Napapaungol ako sa kaniyang ginagawa at pababa nang pababa ang paglapat ng kaniyang dila sa aking balat.
“Gusto kong matanggal ang bahid ni Jeremiah sa iyong balat, hayaan mo sana ako sa aking ginagawa,” pabulong niyang wika sa akin.
Hinayaan ko lamang ito at ibinuka niya ang aking mga hita. Napakalambot ng kaniyang balat at napakabahagya ng kaniyang pagkilos. Malayung-malayo sa ikinikilos ni emperador Jeremiah sa tuwing nagtatalik kami. Kinuha niya ang aking puri ng sapilitan at nabuntis niya akong muli. Subalit labis naman ang galit ng aking kapatid sa akin at iniwan niya ako sa aming tahanan.
Naramdaman kong dumampi ang kaniyang dila sa aking perlas at ipinasok nito ang kaniyang dila rito. Napapakislot ako at hindi ko mapigilan ang umungol.
“Amaya, handa ka na ba? Dahan-dahanin ko na lang,” saad niya sa akin.
Ipinasok nito ng dahan-dahan ang kaniyang dragon at napaungol ako.
“A-Ayos ka lang ba?” pag-aalala nitong saad sa akin.
Tumango ako at dinahan dahanan nito ang kaniyang pagkilos. Patuloy ito sa pagbayo at tila ang sakit sa aking puso ay nawala dahil sa pagmamahal ng emperador ng Krushan. Inilabas nito ang kaniyang sariling binhi at inilagay niya ito sa aking puson. Pinunasan niya ito ng tela at humiga siya sa aking tabi.
“Maayos na ba ang iyong pakiramdam?” tanong nito sa akin at hinalikan niya ang aking noo habang magkayakap kami nang mahigpit.
“S-Salamat po kamahalan,” tanging nasaad ko sa kaniya.
Ngumiti ito at nagsalitang muli.
“Alam kong sa iyong kalagayan ay hindi na kita mapapakasalan. Huwag kang mag-alala hindi ko sasabihin kay Jeremiah ang iyong lihim dahil para ito sa buhay ng magiging isa ni’yo pang anak. Kamukhang-kamukha ni Jairon ang kaniyang ama. Hindi ko kayang masira ang mabuting relasyon ng aming bayan at dahil na rin sa utang na loob ko sa kaniyang pamilya,” malungkot na wika nito sa akin.
“Mahal na mahal kita Amaya, gagawin ko ang lahat upang protektahan ka kay Jeremiah. Kahit hindi man tayo maaaring magpakasal at nakatali ka kay Jeremiah, mananatili pa rin ang puso ko sa iyo. Patawarin mo ako kung naging duwag ako sa iyong harapan,” dagdag na wika niya sa akin at nagsimula nang tumulo ang kaniyang luha.
End of POV
Hindi alam ni Amaya na paparating na ang emperador ng Odisius at sa hindi inaasahan biglang sumakit ang tiyan niya. Dinala naman ni Emperador Xander sa paanakan si Amaya. Nagkamali ng bilang ang alipin sa kaniyang ipinagbubuntis. Ang inaakala niyang pitong buwan pa lamang ay siyam na buwan na pala ang laman ng kaniyang tiyan.