Dumating na ang unang kaarawan ng anak ni Aerith na si Casar. Marami silang panauhin subalit hindi nakarating sina prinsesa Ariza at prinsepe Axton sa pagdiriwang dahil nagsinungaling sila kay emperador Jeremiah. Lihim ang kanilang pag-iibigan at pagtataksil subalit kahit alam na ni emperador Jeremiah at nahahalata na niya ay wala itong pakialam. Masayang-masaya ang lahat sa palasyo at nasa walong buwan gulang na rin si Jairon na anak nina emperador Jeremiah at Amaya. Gumaling na rin sa sakit si Jairon subalit kailangan pa rin siyang painumin ng mga bitamina upang hindi na bumalik ang kaniyang sakit. Nang matapos sa pagluluto si Amaya ay pumunta ito sa loob ng palasyo upang magsilbi. May isang prinsepe na lagi siyang tinititigan, siya ay si prinsepe Lucas. Isa siyang prinsepe ng emperyo ng Berseba at anak siya ni emperador Nicholas. Nakipagsanib at sumuko sila kay emperador Jeremiah dahil ayaw nilang masakop ang kanilang kaharian. Napansin naman ni emperador Jeremiah ang malagkit na tingin ng prinsepe sa kaniya. Sinundan ng prinsepeng ito si Amaya sa may likod ng palasyo dahil may aasikasuhin ang dalaga roon. Sa likod ng palasyo ang imbakan ng kanilang alak.
“Ano ang iyong pangalan alipin?” tanong ng prinsepe sa kaniya.
“Amaya po, kamahalan,” saad naman ni Amaya sa kaniya.
“Maaari ba akong makahingi ng alak sa iyo?”
Binigyan niya ng alak ang prinsepe at hinawakan ng prinsepe ang kamay ng alipin.
“Hindi ako makapaniwala na isa ka lamang alipin dito dahil napakaganda mo, Amaya,” pagbibigay puring saad ng prinsepe sa kaniya.
Biglang dumating si emperador Jeremiah at hinawakan niya nang napakahigpit ang kamay ni Amaya. Nabigla ang prinsepe sa pagdating ng emperador na nasa harapan niya ngayon.
“Emperador Jeremiah,” tawag ni prinsepe Lucas sa kaniya.
Halatang nahihirapan si Amaya sa pagkakahawak ng kaniyang kamay ni emperador Jeremiah.
“Tinangka ka bang kausapin nitong alipin, huh, prinsepe Lucas?” tahasang tanong ni emperador Jeremiah sa prinsepe.
Upang hindi mapahiya si prinsepe Lucas nagsinungaling ito sa harapan ni Amaya.
“Oo, kamahalan, ang alipin na iyan ang unang kumausap sa akin. Hindi ko maintindihan kung bakit pilit itong nagpapapansin,” pagsisinungaling nito sa harapan ng emperador.
“H-Hindi p-po t-totoo i-iyon kamahalan,” pagpapaliwanag na saad ni Amaya kay emperador Jeremiah.
Tumalim ang tingin nito kay Amaya at itinulak niya ito nang napakalakas. Napaupo ang alipin sa lupa kasabay nito ang pagkakasampal niya sa alipin. Pumutok ang labi ni Amaya at tiniis nito ang sakit. Tiniis nitong hindi mapaiyak sa harapan ng dalawa.
“Huwag ka nang magalit sa kaniya emperador ng Odisius,” wika ni prinsepe Lucas.
Tumayo si Amaya at patakbo itong lumayo sa dalawa. Nang matapos ang pagdiriwang ay nagtaka ang lahat ng kaniyang kasamahang alipin kung bakit may dala-dalang bintaminang pangsanggol si Amaya. Ang lahat ng sinahod niya ay ipinambili niya ng bitamina para sa kaniyang anak. Nang makauwi siya sa kanilang tahanan ay nakita nito ang kaniyang anak na papalapit na gumagapang sa kaniya.
“Jairon,” tawag nito sa anak at niyakap niya ito.
Ngumiti ang bata at pumapalakpak ito.
“Nawawala talaga ang pagod ko kapag nakikita ko ang aking anak,” saad ni Amaya sa kaniyang sarili.
Nakita ni Amaya ang dumudugo niyang labi dahil sa pagkakasampal ng emperador sa kaniya. Hindi na lamang niya ito pinansin at ipinagpatuloy lang nito ang pakikipaglaro sa kaniyang anak. Lumabas si Amaya sa labas ng kanilang tahanan upang ipahanginan nito ang kaniyang anak. Maaga silang natapos sa palasyo dahil aalis daw sina prinsesa Aerith, Cassmir at ang kanilang anak patungo sa bayan ng Sevias. Subalit dumaan ang mga ito sa harapan ng tahanan ni Amaya at nagtaka ang lahat kung bakit may hawak itong sanggol.
“Mahal, may anak na pala si Amaya?” tanong ni Cassmir sa kaniyang asawa.
Bumaba si prinsesa Aerith at pinuntahan siya si Amaya.
“Amaya,” tawag ni prinsesa Aerith sa kaniya.
Isinubsob naman ni Amaya ang kaniyang anak sa kaniyang dibdib.
“K-Kamahalan, mabuti at napadaan po kayo rito?” gumagaralgal saad ni Amaya sa kaniya.
Biglang umiyak ang bata dahil sa pagkakasubsob nito sa kaniyang dibdib. Nagulat si Aerith dahil sa mukha ng bata.
“Ito ba ang iyong lihim, Amaya?” pagalit na tanong ni Aerith sa kaniya.
“Ano po ang ibig ni’yong sabihin kamahalan?”
“Pamangkin namin iyan hindi ba?”
Inamin lahat ni Amaya kung sa papaanong paraan siya nabuntis ni Jeremiah. Nakita ng prinsesa ang pumutok na labi ni Amaya at humingi naman ng tawad ang prinsesa sa pagkakahusga sa kaniya. Humingi naman ng pabor si Amaya sa prinsesa na hangga’t maaari ay huwag niyang ipaalam sa emperador ang kaniyang lihim. Tumango ito at nagtungo na sila sa bayan ng Sevias.
“Jairon, anak, hindi ka talaga mapagkakailang ama mo ang emperador ng Odisius,” malungkot na saad nito sa kaniyang sarili.
Makalipas ang limang araw ay ayaw sanang pumasok ni Amaya sa palasyo dahil natatakot na ito sa emperador. Subalit may pumuntang kawal sa kanilang tahanan at ipinapatawag daw siya ng emperador. Nanlambot ang tuhod ni Amaya dahil kung hindi raw ito makikipagkita sa kaniya ay papatayin nito ang kaniyang kapatid. Umuwi si Anata na may pasa at sugat sa kaniyang katawan. Nagulat si Amaya dahil nagtatrabaho ang kaniyang kapatid sa bayan ng Kiba subalit napagtanto niyang wala silang takas sa kamay ng malupit na emperador.
“A-Anata, ano ang nangyari sa iyo?” lumuluhang tanong ni Amaya sa kaniya.
“Habang papasok ako ate sa bayan ng Kiba, may humarang na dalawang kawal sa akin at ginawa nila sa akin ito,” saad ni Anata sa kaniya.
Nalukot nito ang sulat na ibinigay ng kawal na galing sa emperador. Walang magawa si Amaya kung hindi ang ipagpatuloy ang kaniyang trabaho bilang isang alipin sa loob ng palasyo. Limang araw na itong hindi pumasok sa palasyo at balak na lamang sana nitong magtrabaho sa bayan at magbenta ng mga bulaklak at prutas.
“Anata, babalik na ako ng palasyo,” saad ni Amaya sa kapatid.
“Huwag na ate, nangako ka sa akin na hindi ka na babalik doon!”
“Ikaw na muna ang bahala kay Jairon. Tatapusin ko ang nasimulan ko.”
Walang magawa si Anata kung hindi sundin ang kaniyang kapatid. Pumasok na si Amaya sa palasyo at kaagaran siyang ipinatawag ni emperador Jeremiah.
“Ang akala mo ba ay makakatakas ka, Amaya?!” sarkastikong tanong nito sa alipin.
“P-pakawalan n’yo na po ako kamahalan. Gusto pong lumayo na, nahihirapan na po ako,” umiiyak na tugon ni Amaya sa kaniya.
“Hindi! kailanman hindi ka na makakawala sa akin!” pagalit na wika nito sa aliping tumatangis.
Napapansin ni Amaya na tila nababaliw na ang kaniyang dating kaibigan. Nalulungkot ito dahil hindi na sila tulad ng dati. Bigla muna siya pinaalis ni emperador Jeremiah sa kaniyang harapan. Umalis ang alipin at nagsimula na ito sa pagtatrabaho. Nang namumulot si Amaya ng kahoy sa loob ng kakahuyan ay nigla siyang kinausap ng isang binatang kawal at nagtapat ito ng pag-ibig para sa kaniya.
Nagulat si Amaya dahil ang kaniyang kaharapang kawal ay may pumana sa kaniya at tinamaan ito ng palaso sa kaniyang kaliwang braso. Tutulungan sana ni Amaya ang kawal subalit bigla siyang tinutukan ng patalim ng isang lalaki. Tumingala ito mula sa kaniyang pagkakaupo.
“E-Emperador J-Jeremiah---” gulat at nanginginig na saad ni Amaya sa kaniya.
Sa harapan ni Amaya ay pinarusahan ng emperador ang kaniyang sariling kawal. Umiyak nang umiyak ang dalaga dahil sa kaniyang sobrang takot.
“Lahat ng magtatapat ng pag-ibig sa iyo ay mamamatay, Amaya. Gaya ng kawal na nasa iyong harapan” wika nito at tumawa siya nang napakalakas.
Kitang-kita ng kawal kung sa papaano niyang halikan si Amaya.
“Sa akin ka lang, hayaan mong panoorin tayo ng aking kawal upang malaman niyang pagmamay-ari kita!”
Inihiga ng emperador ang alipin sa damuhan. Hindi makapagsalita ang kawal dahil kinakapos na ito nang hininga dahil tinarakan siya ng kunai ng emperador sa kaniyang bibig.
“HUWAGGGG” sigaw ni Amaya at patuloy ang paghingi niya ng tulong dahil ginagawa sa kaniya ng emperador.
“Nababaliw ka na kamahalan. Tama na po!” pagmamakaawang saad ni Amaya sa kaniya.
“Oo, nababaliw na ako, Amaya! Nababaliw ako sa pangangatawan at pagkatao mo!”
Hindi maintindihan ni Amaya kung bakit napakalaking pagnanasa sa kaniya ng kaniyang kaibigang emperador. Nangyari muli ang kapangahasan ng emperador sa kaniya sa loob ng kakahuyan.
“Tandaan mo ito Amaya. Hindi ka makakatakas sa akin. Kahit saan ka pa hahanapin kita! Sa akin ka lang!”
Iniwan siya ng emperador sa loob ng kakahuyan habang saplot sa pangangatwan at tumayo ang alipin upang pulutan ang kaniyang mga kasuotan.
“Subukan mong magpakamatay, marami ako idadamay, “ pagbabanta muli sa kaniya ng emperador.
Pinipilit na tinatatagan ni Amaya ang kaniyang sarili para sa kaniyang anak.