Naging mahina ang pangangatawan ng anak nina Amaya at si emperador Jeremiah na si Jairon. Walang tigil ito sa pag-iyak dahil sa nararanasang lagnat.
“A-Anak ko, ano ang nangyayari s aiyo. Isang araw ka nang hindi dumedede sa akin,” umiiyak na saad ni Amaya sa kaniyang anak.
“A-Ate, dalhin mo na siya pagamutan sa bayan. Baka ano na ang sakit ni Jairon,” pag-aalalang wika ni Anata sa kaniya.
“T-Tara na Anata, samahan mo ako kunin mo ang kabayo sa damuhan,” utos ni Amaya sa kaniya.
Dinala nina Amaya at Anata ang sanggol sa pagamutan. Kinausap naman ng manggagamot si Amaya.
“Nilalagnat ang iyong anak dahil sa pulmunya, hintayin mo si Briana. Siya ang manggagamot sa palasyo ng emperador. Subalit mahal man ang bayad sa kaniya, mapapagaling naman ang iyong anak sa ganitong karamdaman,” wika ng manggagamot sa kaniya.
Hinintay ng dalawa ang manggagamot.
“Ikaw si Amaya, hindi ba?” tanong ng manggagamot sa kaniya.
“Opo,” tanging natugon nito.
“S-Sino ang ipinapagamot mo?”
Itinuro ni Amaya ang kaniyang anak na nakahiga sa higaan.
“May anak ka na pala, nasaan ang kaniyang ama?’’
“W-Wala na po ang kaniyang ama, namatay po ito sa digmaan.”
Tiningnan ng manggagamot ang bata at nabatid nito kung sino ang tunay na ama ng bata.
“Maaari mo bang palabasin ang iyong kapatid, Amaya?” utos ng manggagamot sa kaniya.
Pinalabas muna ng manggagamot ang kapatid ni Amaya.
“May gusto akong malaman sa iyo,” naging seryoso ang mukha ng manggagamot sa kaniya.
“Tapatin mo nga ako.”
“Ano po ang gusto ni’yong malaman?” pagtatakang tugong ni Amaya kay Briana.
“Alam mo bang magmula isilang sina prinsesa Aerith at prinsepe Schneider bukod pa roon ako ang personal nilang manggagamot. Mula kay reyna Amethyst noon nagbubuntis ito. Alam kong anak ni emperador Jeremiah ang batang ito.”
Nagulat si Amaya kung sa papaanong paraan nito nakilala ang kaniyang anak.
“N-Nagkakamali po kayo, k-kailanman h-hindi po ako magagawang patulan ng emperador dahil isa lamang po akong alipin,” gumagaralgal na tinig ni Amaya sa kaniya.
“Hindi ako naniniwala sa iyo. Siya ang prinsepe ng Odisius bakit mo ito itinatago? Kitang-kita sa mukha ng bata kung kanino siya nanggaling. Sa pangalawang pagkakataon, ipinanganak muli ang mukha ng dating emperador ng Odisius na si emperador Schniziel. “
Biglang lumuhod ang alipin na si Amaya sa harapan ng manggagamot.
“Nakikiusap po ako, huwag ni’yo pong ipapaalam kay emperador Jeremiah na mayroon kaming anak. Nangako po ako sa kaniya na hindi ko po sisirain ang kaniyang buhay at magpapakasal na po siya kay prinsesa Ariza.”
Itinayo ng manggagamot ang alipin.
“Alam kong may mabigat kang dahilan at natatakot kang baka ipapapatay ka ating emperador. Tutulungan kita para sa iyong anak subalit matutulungan lamang kita sa libreng konsultasyon ko. Ang mga gamot na gagamitin ay nanggagaling sa palasyo ng emperador at binibili ko ang mga iyon. Wala akong sapat na salapi upang ibili ka ng ganoon, ayaw mo bang humingi ng tulong sa kaniyang ama?”
“Hindi na po kailangan dahil natatakot po akong malaman niya ang aking lihim.”
“Ang iyong anak ay nangangailangan ng kada isang linggo dapat dalawang beses siyang makakonsulta sa akin. Hangga’t hindi siya umaabot sa limang buwan hindi siya titigil sa gamutan dahil mahina ang pangangatawan ng prinsepe. Subalit may kamahalan ang kaniyang mga gamot.”
Nag-isip si Amaya subalit kailangan gawin niya ang lahat upang mabuhay lamang ang anak.
“M-May kakaunti po akong salapi rito. Sana hindi po magkulang ito.”
Ibinigay ni Amaya ang lahat ng kaniyang salapi sa manggagamot.
“Kulang ito Amaya, kalahati lang mabibili nito sa gamot ng palasyo. Bibilhin na natin ang pinakamahal na gamot upang mabilis gumaling ang inyong anak ng emperador.”
Napaiyak si Amaya dahil alam nitong kulang ang salaping kaniyang kinikita sa pagtatrabaho sa palasyo. Umalis si Amaya at pumasok na ito sa palasyo. Napansin ng kaniyang mga kasama kung bakit walang-tigil ito sa pagluha.
“Amaya, ayos ka lang ba?” tanong sa kaniya ng kaniyang kaibigan.
Tumango lang ito atsaka na ito nagtrabaho nang walang tigil. Hindi siya nagpahinga ng buong araw at nang hapon na ay napaupo ito sa gilid na palasyo habang inihintay nito ang kaniyang salapi. Nang tawagi siya ng kanilang Mistress ay lumapit ito.
“Tila sumobra yata ang oras mo sa pagtatrabaho, Amaya?” tanong ng kanilang Mistress.
“O-Opo,” tanging nasagot nito dahil halata sa kaniyang katawan ang pagod.
Mabilis itong bumaba sa palasyo upang makita nito ang kaniyang anak. Patakbo itong pumunta sa tahanan ng manggagamot.
“K-Kumusta po ang aking anak?” tanong nito sa manggagamot.
“Maayos na ito, Amaya. Puwede na kayong umuwi subalit dapat mabilhan mo siya ng bitamina na kakailanganin niya,” saad ng manggagamot sa kaniya.
Natuwa si Amaya dahil sa wakas ay sumuso na rin ang kaniyang anak sa kaniya.
“Anak, huwag mong iiwan si mama. Mamamatay ako anak kapag nawala ka,” lumuluhang wika ni Amaya sa kaniyang anak.
Kinabukasan ay nakita niya si emperador Jeremiah at prinsesa Ariza na nag-uusap sa kanilang hardin. Yumuko ito sa kanila atsaka umalis na. Subalit wala nang nararamdaman na pagseselos si Amaya dahil tila bigla na lamang nawala ang pag-ibig nito sa emperador.
“Amaya, hindi ka ba magpapahinga? Bakit ka laging bumababa sa palasyo, ano ang pinagkakaabalahan mo?” pagtatakang tanong ng kaniyang kaibigan sa kaniya.
“M-May sakit kasi si Anata, kaya lagi akong bumababa,” pagsisinungaling niya sa kaniya.
Biglang lumuha si Amaya at niyakap nito ang kaniyang kaibigan.
“B-Bakit ka umiiyak? May problema ka ba?”
“Hindi ko alam kailan matatapos ang pagsubok na ito. Hirap na hirap na ako, Minda.”
“Ano ka ba Amaya, malakas ang pangangatawan ni Anata. Gagaling din iyon.”
Walang nakakaalam sa lihim na kaniyang itinatago at tanging luha lang ang kaniyang sandalan sa tuwing nahihirapan ito. Napapansin naman siya ni emperador Jeremiah dahil lalo itong pumayat at pumutla ang balat.
“Siya ang aliping kinagigiliwan ni prinsepe Ritzen?” wika ni prinsesa Ariza kay emperador Jeremiah.
Hindi na lamang umimik ang emperador ng Odisius at nakita niyang paparating sina emperador Xander at prinsepe Axton. Sinalubong siya ng mga kawal ng Odisius upang bumati.
“Magandang hapon sa iyo, emperador ng Krushan at prinsepe Axton?” pagbabating saad ni prinsesa Ariza sa kaniya.
Hindi makatingin ng deretso si prinsepe Axton sa prinsesa ng Irua dahil batid may lihim silang relasyon sa isa’t-isa. Palihim silang nag-iibigan at may nangyari na sa kanilang dalawa nang gabing nagdiwang ng kaarawan ang emperador ng Rekiem.
“Tila napakarami mo yatang dala, emperador Xander?” tahasang takang tanong ni emperador Jeremiah sa kaniyang kaibigan.
“Ang mga regalong iyan ay ibibigay ko sa aking mahal na si Amaya,” nakangiting saad naman ni emperador Xander sa kaniya.
Iniwan niya ang tatlo at hinanap niya si Amaya at nang makita niya ito, nagulat ang binatang emperador ng Krushan dahil pumayat at pumutla ang iniirog nitong alipin.
“A-Amaya,” tawag ng emperador sa kaniya.
Namula si Amaya dahil nabigla ito dahil biglang hinarap siya ng binata. Halos tila magkadikit at maghalikan na ang kanilang mga labi.
“A-Ano po iyon k-kamahalan?”
“Wala, gusto lang kitang makita dahil isang buwan nang huli tayong magkita.”
Niyakap ng emperador ng Krushan si Amaya at nabigla ang alipin sa pagkakayakap nito sa kaniya. Napansin din ng emperador na tila ang kaniyang itsura ay hindi pa nakakapagpahinga dahil pawis na pawis ito at humihingal.
“Alam kong pagod ka sa pagtatrabaho. May dala pala ako para sa iyo,” nakangiting saad ni emperador Xander sa kaniya.
Inaya niya itong umupo sa itaas ng puno at halata kay Amaya na gutom na gutom siya.
“A-Amaya, bakit tila hindi ka nagpapahinga at ngayon lang kitang nakitang nagugutom ng ganyan.”
Tumigil sa pagkain si Amaya at nagsalita.
“Nagkasakit po kasi ang aking kapatid at kung hindi ako magpapagod, baka wala po akong maipanggagamot sa aking kapatid. Subalit nakikiusap po ako na huwag ni’yo pong sasabihin kay emperador Jeremiah ang aking pinagdadaanan.”
Napatango na lamang si emperador Xander at binigyan niya rin ng maiinom si Amaya.
“S-Sige po kamahalan, salamat po sa ibinigay mo at napakasarap po. Maiwan ko na po kayo,” saad ng dalaga at yumuko ito bilang paggalang.
Kumuha ng salapi ang emperador ng Krushan upang ibigay kay Amaya.
“B-Baka makatulong ito sa pagpapagamot ng iyong kapatid,” wika ng emperador at iniaabot nito ang salapi.
“N-Naku huwag na po k-kamahalan, kaya k-ko na p-po at w-wala rin po akong maipambabayad sa’yo ng ganyang kalaking salapi,” namumula at gumagaralgal na saad ni Amaya.
“Hindi utang ito, Amaya. Libre ito at tulong ko na sa iyo. Ang importante ay gumaling ang iyong kapatid.”
At saka niya ibinulsa sa blusa ni Amaya at pumasok na ang emperador sa loob ng palasyo ni emperador Schniziel. Nakita naman ni emperador Jeremiah ang pagbibigay nito ng salapi sa alipin. Kinahapunan ay umuwi na sina prinsesa Ariza, prinsepe Axton at emperador Xander. Samantala ay hinihintay naman ng dalaga ang matawag ang kaniyang pangalan para sa sahod na kanilang tatanggapin. Nakaupo ang dalaga sa ilalim ng puno at nakasandal ito. Hapung-hapo at pagud na pagod dahil sa walang tigil siya sa pagtatrabaho. Halata ang kaniyang panlalambot at napakarumi ng kaniyang kasuotan. Bumababa rin ito sa bayan upang pasusuhin ang kaniyang anak na naghihintay sa kanilang tahanan.
“Ang tagal at maggagabi na,” bulong ni Amaya sa kaniyang sarili.
Napakaraming alipin ang mga nagtatrabaho sa palasyo at sa hindi inaasahan ipinatawag ni emperador Jeremiah ang alipin sa kaniyang silid. Pumunta siya sa silid ng emperador at ayaw nitong pumasok dahil sa napakarumi nitong itsura.
“Halika Amaya pumasok ka,” utos ng emperador sa kaniya.
Pumasok ang alipin atsaka yumuko ito sa kaniyang harapan. Bigla niyang hinila ang alipin at idinala niya ito sa kaniyang bahay paliguan.
“Sabihin mo sa akin Amaya, kailan ka pa ba tumatanggap ng salapi kay emperador Xander? Sumagot ka!” pagalit na wika nito kay Amaya.
Natakot ang dalaga kay emperador Jeremiah at kasabay nito ang pagkakasampal ng emperador sa kaniya.
“Hindi ba’t ang sabi ko sa’yo huwag kang makikipag-usap sa ibang lalaki, maliban sa akin. Sa ginawa mo ngayon, mapaparusahan ka sa iyong hindi pagsunod mo sa aking utos. Pahihirapan kita ngayong gabi at kahit magmakaawa ka pa, hindi ka makakatikim ng awa mula sa akin, Amaya!”
Walang magawa ang dalaga kung hindi ang umiyak sa napakahirap nitong kalagayan.
“Anak,” bulong sa sarili ni Amaya habang patuloy lamang ang paglapastangan ng emperador sa kaniyang katawan habang nakalublob sila sa bahay paliguan.