Chapter 13: Sacrifice of a loving mother

1881 Words
Emperor Jeremiah’s POV Tuluyan nang pansamantalang umalis sa palasyo kinabukasan at bago ito umalis niyakap niya muna ang emperador bilang pamamaalam sa narararamdamang pag-ibig. “Pangako po kamahalan, pagbalik ko wala na po akong pag-ibig na narararamdaman sa iyo,” saad niya sa akin. At saka na siya umalis sa aking harapan. Bigla namang dumating si Ariza sa aking palasyo. “Mahal, kailan tayo magpapakasal?” malambing na tanong niya sa akin. Tinangka niya akong yakapin subalit natulak ko siya. “Hindi ko alam, Ariza, subalit hindi ako mangangako ng taon at araw sa iyo.” “Subalit umaasa ang ama ko sa ating pag-iisang dibdib.” “Bakit nangako ba ako sa kaniya?” Hindi nakasagot si Ariza sa aking harapan at saka ko na siya iniwan. Hindi ko maintindihan kung bakit kahit anong pang-aakit ng aking kasintahan sa akin ay hindi ko siya kayang hawakan. Maliban na lamang nang unang beses ko siyang hinalikan sa kaniyang mga labi. Lumipas ang pitong buwan ay hindi na ako makatiis na hanapin si Amaya. Pinuntahan ko siya sa kanilang tahanan ngunit wala siya at ang sabi ng kaniyang kapatid na naninilbihan sa akin ay nagpakalayu-layo muna ito at hindi niya alam kung saan siya nagpunta. Naintindihan ko siya dahil nasaktan ko ang damdamin niya. Hindi ko alam ang aking gagawin dahil tila wala akong gana ngayon sa lahat ng bagay. Lagi akong lasing at lango sa alak. Ang aking mga kapatid ay lagi nilang pinupuntahan ang aming pamangkin sa silid ni Aerith. End of POV Pumunta si Amaya at nasa bayan ito ng Kiba. Hindi na niya isinama si Anata dahil kailangan niyang magtrabaho para sa kanila. Nalaman ni Anata na nabuntis ng emperador ang kaniyang kapatid. Nagsilang ng isang batang lalaki ang dalaga at ipinangalan niya ito ng Jairon. Sa pangatlong henerasyon, nabuhay muli sa mukha ni emperador Schniziel ang kaniyang apo. Kamukhang-kamukha ni Jairon ang kaniyang ama at ang namayapa nitong lolong emperador na si Schniziel. Nang maisilang ni Amaya ang bata ay labis ang galak nito at tuwa. Subalit hindi siya puwedeng makita ng emperador ng Odisius ang bata. “Patawarin mo ako, anak, kung hindi kita mabibigyan ng kumpletong pamilya. Mas pipiliin ko na ang hindi ka makilala ng iyong ama dahil nakakasagabal lang tayo sa kaniyang pamumuhay. Huwag kang mag-alala anak, ibibigay ko ang lahat upang maramdaman mo na kumpleto ka,” lumuluhang saad ni Amaya sa kaniyang anak. Umiyak nang umiyak ang sanggol at pinasuso na niya ito. Dumating na si Anata sa bayan ng Kiba dahil nabalitaan na niyang nanganak na ang kaniyang kapatid. “Anata, pasensiya ka na kapatid ko kung napapagod ka na sa loob ng palasyo. Bigyan mo lamang ako ng dalawang linggo at babalik na ako sa pagtatrabaho. Ikaw na muna ang bahala sa iyong pamangkin,” saad ni Amaya sa kaniya. “Ano ka ba ate, ayos lang iyon. Subalit nangako ka sa emperador na nakabuntis sa iyo na babalik ka. At saka handa ka na bang bumalik sa bayan ng Odisius, baka kasi makita ng emperador si Jairon dahil kamukha niya ito,” pag-aalalang wika ni Anata sa kaniya. “Handa na ako Anata, babalik ako upang magamit natin ang salaping kikitain upang maging malakas si Jairon. Bawat isang buwan ang regular na pagpapatingin nito sa manggagamot upang maiwasan nitong magkasakit,” nakangiting wika ni Amaya sa kaniya. “Ngunit napakamahal ng pagpapagamot kay Jairon ate. Baka magkulang ang kikitain mo sa palasyo?” “Ayos lang iyon, gagawin ko ang lahat para sa kaniya. Iyang salaping  kinita mo ay itago mo na dahil para sa iyo iyan. Marami  ka nang nagastos sa akin.” Makalipas ng dalawang linggo ay bumalik na si Amaya sa palasyo. Kahit nagdurugo pa ang kaniyang perlas at masakit pa ang kaniyang katawan dahil sa katatapos niya lang manganak ay nagtrabaho na ito. Nakabalot siya ng makapal na damit at napakaputla nito. Namamaga pa ang kaniyang mukha dahil sa kaniyang panganganak. Ibinalot naman nito ang kaniyang dibdib upang hindi tumagas ang kaniyang gatas sapagkat inililihim nito ang kaniyang kalagayan. Nakita siya ng kaniyang kaibigan na alipin. “Amaya, ikaw ba iyan?” tanong sa kaniya ng kaniyang kaibigan. “Oo, bumalik ako,” tugon naman nito. “Hindi kita nakilala sapagkat napakapayat mo at napakaputla.” “Hindi ko napapansin na maputla ako,” pagbibirong nitong saad sa kaniya. Nagsimula na sila sa pagtatrabaho at lagi nilang napapansin na parang mahina ang katawan ng kanilang kasamahang bagong panganak. “A-Amaya, ayos ka lang ba?” pag-aalalang tanong ng kaniyang kasamahan. “A-Ayos lang ako, huwag kayong mag-alala pagod lang siguro ito,” nakangiting saad niya. Pumunta ito sa ilog at itinaas nito ang kaniyang palda at nakita nitong napakalakas ng pag-agos ng kaniyang dugo. Napaupo ito sa bato at tumulo na ang kaniyang luha. “Kailangan kong kayanin dahil may anak akong binubuhay,” bulong nito sa sarili. Nang tanghalian na ay umuwi muna siya sa kanilang tahanan at pinasuso muna nito ang kaniyang anak. “Salamat anak dahil hindi mo masyadong pinag-alala si mama,” nakangiting wika nito sa sanggol. Binabantayan ni Anata ang bata at bawat lumilipas ang tatlong oras ay umuuwi aiya upang pasusuhin lamang ang kaniyang anak. “Ate, hindi ka ba napapagod?” saad ni Anata sa kaniya. “May kabayo naman tayo at maliit na karwahe kaya’t huwag kang mag-alala sa akin,” wika naman ni Amaya sa kaniya. Batid ni Amaya na sampung araw nang wala si emperador Jeremiah dahil nasa bayan ito ng Sevias. Napapansin ni Amaya na tumitigil na rin ang kaniyang pagdurugo at bumabalik na sa dati ang kaniyang malakas na kalusugan. Pagkalipas ng sampung araw ay dumating na rin ang emperador at nakita niya si Amaya habang nakayuko. Ipinatawag ng emperador si Amaya sa kaniyang silid. “Kumusta ka na, Amaya?” tanong ng emperador sa kaniya. “Maayos lamang po ako, kamahalan,” buong kompyansang tugon ni Amaya sa kaniya. Napansin ng emperador na tila naging masayang muli ang mukha ni Amaya. Batid na niyang nakalimutan na nga ng dalaga ang pag-ibig niya para sa kaniya. Hindi mapigilan ng emperador na yakapin ang kaniyang alipin. “Tiyak na tumupad ka na sa ating usapan,” wika nito sa kaniya. Nakalimutan na ni Amaya ang pag-ibig nito sa emperador dahil nakabaling na lamang ang kaniyang puso para sa kanilang anak. “Opo, kamahalan. Sana magkaroon kayo ng masayang pamilya ni prinsesa Ariza,” nakangiting wika ni Amaya sa kaniya habang sila ay magkayakap. Tinangka ng emperador na halikan ang alipin subalit iniwas nito ang kaniyang mukha. Mas pinili na lamang ng alipin na magsinungaling sa harapan ni emperador Jeremiah. Bahagyang natulak nito ang emperador. “Kamahalan, hindi na po maaari sapagkat nag-asawa na po ako no’ng nasa ibang bayan po ako,” pagsisinungaling niya rito. Nabigla si emperador Jeremiah sa iniwika ni Amaya. “Tumingin ka sa aking mga mata, Amaya. Alam kong hindi totoo iyan!” pagalit na saad nito sa kaniya. Hindi makatingin si Amaya sa emperador at hinawakan naman niya ang dalaga sa dalawang braso. “T-Totoo po k-kamahalan, isang kawal lamang po ang aking napangasawa. Kaya’t ayokong magalit siya at mahal na mahal ko po ang aking asawa.” “Hindi totoo iyan, Amaya! Alam mong sa akin ka lang. Hindi ako makakapayag na may ibang lalaking humahawak sa katawan at humahalik sa iyong mga labi!” “T-Tama na po k-kamahalan, nangako rin po kayo sa akin na huling beses na natin iyon. A-Ayoko na po at hindi ko kayang pagtaksilan ang aking asawa!” Nasampal ni Amaya ang emperador at tila nababaliw na si emperador Jeremiah sa kaniyang isinaad. Pinilit lumaban si Amaya dahil ayaw na nitong dumampi ang palad ng emperador sa kaniyang pangangatawan. Subalit nahawakan nito ang kaniyang napakahabang buhok at sinuntok niya ito sa kaniyang sikmura. “Sinungaling ka at hindi totoo iyan! Kung totoo man iyan, papatayin ko ang lahat ng iyong mahal sa buhay. Pati na rin si Anata, isang utos ko lang uuwi ka sa inyong bahay na isa na lamang itong bangkay! Sa akin ka lang at ang iyong pangangatawan, Amaya!” Napaupo sa sahig sa Amaya at hinahawakan nito ang kaniyang tiyan dahil sa sakit ng pagkaksuntok ng emperador sa kaniya. Naramdaman niyang umaagos na ang dugo nito mula sa kaniyang perlas. Tinutukan siya ng patalim ng emperador at napansin ng dalaga na nagdidilim na. Inaalala nito ang kaniyang anak dahil alam niyang nagugutom na ito. Pinilit niyang tumayo at lumuhod siya harapan ng emperador. “K-Kamahalan, nagdidilim na po at baka naghihintay na sa akin ang aking asawa,” pagmamakaawa at pagsisinungaling nito sa emperador. Sinabunutan siya ng emperador at bigla niyang hinarap ang alipin. “Hindi totoo iyan, hindi ba Amaya. Sa akin ka lang hindi ba?! Alipin lang kita sa aking palad at kailanman ay hindi kita ipinahintulutang mag-asawa at may ibang lalaki na dumampi sa iyong pangangatawan. Papatayin ko kung sino man iyan, maliwanag ba?!” Umiyak nang umiyak si Amaya dahil tila nababaliw na ang emperador na nasa kaniyang harapan. “P-Pinalaya na po kita kamahalan, magpapakasal na kayo ni prinsesa Ariza. Sige po, sasabihin ko na ang katotohanang hindi pa ako nag-asawa subalit itigil na natin kung ano man ang naging ugnayan natin. Sapagkat ayokong may nakikita akong umiiyak na babae at alam kong ako ang may sala!” “Kung salapi ang gusto mo, ibibigay ko! Walang problema sa akin iyon. Tandaan mo ito sa simula pa lang sa akin ka na! kung sakaling ikakasal man kami ni Ariza, hindi ka na makakawala sa aking palad. Kilala mo ako Amaya sa simula pa lang. Kahit tumakas ka pa, mahahanap at mahahanap pa rin kita. Papatayin ko ang lahat kung sino man ang magtangkang iibig at hahawak sa iyo.” Hindi mapigilan ni Amaya ang mapaiyak at nagsisisi itong nagpakita pa siyang muli sa kaniya. Hindi nito akalain na hindi siya tumupad sa napagkasunduan. Iniisip nito ang kanilang anak dahil hinihintay siya sa kanilang tahanan. Unti-unti naman pinapasok ng emperador ang kaniyang dragon sa loob ng kaniyang perlas. Napasigaw ito at naramdaman niyang tila lumakas ang kaniyang pagdurugo. Hindi siya hinubarang pang-itaas ng emperador. “T-Tama na po, ang sakkiiiitt na po,” sumisigaw na iyak ni Amaya. “Sa akin ka lang!” pagalit na saad ng emperador sa kaniya. Nang matapos ang emperador sa kaniya ay isinampal ng emperador ang mga salapi sa kaniyang mukha. Napaiyak ito at isa-isa niyang pinulot ang mga salapi at naisip niya kahit ano pa ang sabihin ng emperador ay wala na itong pakialam. Gagamitin niya ang mga iyon para mabuhay ang kanilang anak na medyo mahina ang pangangatawan. Kailangan ng bata ng buwanang konsultasyon upang manatili itong buhay. Pinilit tumayo ni Amaya at umuwi sa kanilang tahanan. Nang magising ang emperador nakita niya kung bakit napakaraming dugo ang nakakalat sa kaniyang sahig. Samantalang si Amaya ay nanlalambot siya dahil sa ginawa ng emperador sa kaniya. Ipinilit niyang tumayo upang maidala sa manggagamot ang kaniyang anak dahil araw ito ng kaniyang konsultasyon sa manggagamot. “Gagawin ni mama ang lahat aking anak upang mabuhay ka lamang. Kahit ano pa ang sabihin ng iyong ama sa akin, tatanggapin ko iyon para manatili ka lang sa aking tabi,” saad ni Amaya sa kanilang anak ni emperador Jeremiah.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD