Chapter 4: The Relief of Pain

1650 Words
Natapos ang pamamanhikan sa emperyo ng Krushan at nakiusap si emperador Jeremiah kay prinsepe Xander upang tulungan niya si emperador Schneider. “Kaibigan, maaari mo bang alalayan si Schneider sa pamumuno niya rito sa emperyo ng Krushan?” Nakikiusap na tanong ni emperador Jeremiah sa kaniyang kaibigan na si Xander. “Oo, wala naman problema sa akin iyon, Jeremiah. Subalit may ibinanggit si Schneider sa akin tungkol sa kaniyang pamumuno.” “Ano iyon?” “Gusto na raw niyang iwanan o bitawan ang emperyong ito dahil hindi niya raw kaya ang pamumuno.” “Alam ko ang kaniyang saloobin Xander dahil napakabata pa ng aking kapatid upang mamuno sa emperyong ito. Kung ako lang ang makakapagpasya rito sa ating sitwasyon, papayag akong sana ikaw na lamang ang kapalit niya.” “Hindi ko naman hangad ang kapangyarihan, Jeremiah, ngunit mas mainam na humingi ka ng basbas at payo kina tiyo Clovis sapagkat sila ang nakakaalam ng lahat.” “Sige, pupunta muna ako sa bayan ng Sevias at pupuntahan ko ang aking tiyo. Nasaan si Schneider?” “Nariyan lang siya at tinitingnan niya ang lahat ng kawal niya sa pagsasanay.” “Sige aalis muna ako at pupunta na ako sa bayan ng Sevias.” “Sige, mag-iingat ka sa iyong paglalakbay aking kaibigan.” Umalis na si emperador Jeremiah upang pumunta sa bayan ng Sevias. Nadatnan niya sina Camila, Cleo at Cairo na nag-uusap sa kanilang hardin. “Narito pala ang aming pinsan. Kumusta ka na kuya Jeremiah?” Tanong ni Camila sa kaniya. “Maayos naman, nasaan si tiyo Clovis at si tiya Califa?” “Nariyan lang sa loob at kasama niya si emperador Jiren.” “Sige papasok na ako.” Pumasok siya sa loob ng palasyo at nadatnan niya sina emperador Jiren at Clovis. “Narito ka pala Jeremiah, buti nakabisita ka sa amin?” pagtatakang tanong ni emperador Clovis sa kaniya. Umupo si Jeremiah sa silya at ang nakikita ng dalawang emperador sa batang emperador ay ang kaniyang namayapang ama. Natawa na lang si emperador Clovis at kasabay nito ang pagtulo ng kaniyang luha. “B-Bakit tiyo? Bakit ka lumuluha?” pagtatakang tanong ni Jeremiah sa kaniyang tiyo. “W-Wala aking pamangkin. Naalala ko lang ang iyong ama sa iyo, bukod kasi sa kamukhang- kamukha mo ito, kasing-kilos. Magkaparehas pa ang inyong tinig, tila nabubuhay siya sa iyo.” Hindi mapigilan umiyak ni emperador Clovis at mas labis siyang naapektuhan sa pagkawala ng kaniyang pinsan na si dating emperador Schniziel. “Kung nalalaman niya lang kung gaano ako nasasabik at nangungulila sa kaniya. Subalit sa tuwing nakikita kita aking pamangkin hindi ko maiwasan banggitin ang pangalan ng iyong ama. Ang pangalang Schniziel ang aking laging bukambibig sa tuwing maysakit ako. Sa tuwing tumatawa ako, siya lagi ang naiisip ko. Subalit baka hindi siya matahimik sa kabilang buhay kung hindi ko siya kayang bitawan, ang itinuring kong kapatid. Mahal na mahal ko ang iyong ama, akala ko dahil malakas ang loob niya mas mauuna pa ako sa kaniya. Ngunit dahil sa pagkawala ng ina, nanghina ang kalooban niya. Patawarin ni’yo ako sa pagsesemiyento ko, patawad.” Niyakap ni emperador Jeremiah ang kaniyang tiyo at lumuha na rin siya. “Tiyo ko, lagi akong narito. Maaari mo ankong tawaging Schniziel sa tuwing nalulungkot ka.” “Hindi na kailangan pamangkin, ayokong sanayin at pagsinungalingan ang sarili ko. Tinanggap ko nang namatay na nga ang iyong ama at nangangako ako na heto na ang huli kong pagluha para sa kaniya.” Pinunasan na ni emperador Clovis ang kaniyang luha at bumalik na sila sa kanilang usapan. “Ano pala ang ipinunta mo aking pamangkin?” seryosong tanong ni emperador Clovis sa kaniya. “Tiyo, ito ay tungkol kay Schneider.” “Bakit?” “Nahihirapan itong mamuno sa bayan ng Krushan at nag-aalala ako sa kaniyang kalusugan.” “Alam ko iyan Jeremiah at labis ang iyong pag-aalala sa iyong kapatid. Kinausap mo na ba si Xander tungkol dito?” “Opo, tiyo.” “Kung gayon, pumunta tayo bukas sa bayan ng Krushan upang palitan niya si Schneider sa kaniyang pamumuno.” “Dapat tiyo alam nina emperador Calix,Calisus, Julius, Eliezer, Hariz at Morgan ang tungkol sa pasyang pagpapalit ng emperador sa bayan ng Krushan.” “Sige magpapadala ako mamaya ng liham upang malaman nila.” “Salamat tiyo at uuwi na muna ako ng Odisius.” “Bakit hindi ka na lang maghapunan dito, Jeremiah?” “Sa aking palasyo na tiyo. Walang kasama sa hapag kainan sina Scaffer at Allirea sa palasyo. Tiyo Jiren at tiyo Clovis mauna na ako.” Umuwi na si emperador Jeremiah sa kaniyang palasyo at nadatnan niya si prinsepe Ritzen sa palasyo. “Magandang gabi, emperador Jeremiah,” pagbati ni prinsepe Ritzen sa kaniya. “Maganda gabi rin, aking kaibigan. Mabuti at narito ka?” “Alam mo naman ang ipinunta ko rito. Hinihintay ko si Amaya na matapos ang kaniyang gawain dahil inaaya ko itong mamasyal sa bayan.” Hindi na nagsalita si emperador Jeremiah at pumunta ito sa kusina ng palasyo upang puntahan niya si Amaya. Nagulat naman ang dalaga sa pagpasok ng emperador sa kusina. “K-kamahalan,” gulat at nakangiting pagbati ni Amaya sa kaniya kasabay nito ang kanyang pagyuko bilang paggalang. Umupo si emperador Jeremiah sa mesa at pinagmasdan niyang magluto si Amaya. “Napakabango naman ng iyong niluluto Amaya,” papuri naman ng emperador sa kaniya. “Gusto mo bang tikman kamahalan?” malambing naman na turan ni Amaya sa kaniya. Namula ang mukha ng emperador sa pagngiti ni Amaya sa kaniyang harapan. Napansin ni Amaya ang pamumula ng mukha ng emperador sa kaniyang harapan. “Nilalagnat ka ba kamahalan, napakapula ng iyong mukha.” “H-Hindi ako nilalagnat.” Hinawakan ni Amaya ang noo ng kaniyang kaibigang emperador. “Wala ka naman pong sinat. Maaari mo akong ituring na ate mo, kamahalan. Simula pa pagkabata ay lagi akong nag-aalala sa iyo.” Si Amaya ang tumayong matalik na kaibigan ng emperador. Subalit tila nainsulto ang emperador sa iniwika ng dalaga sa kaniya. Itinulak nito sa pader ang dalaga at labis ang pagkagulat nito. Tinitigan ng emperador ang dalaga mata sa mata at tumalim ang tingin nito sa kaniyang harapan. “Matanda na ako Amaya at huwag mo akong ituring na parang bata tulad ng dati. Matanda ka lang ng isang taon sa akin at mag-ingat ka sa mga binibitiwan mong salita sa aking harapan,” pagalit na saad nito sa dalaga. Hindi makakilos ang dalaga sa iniwika ng emperador sa kaniya. Kinabahan ito ng husto at umalis na ang emperador sa kaniyang harapan. Huminga nang malalim ang dalaga at humingi siya ng tawad sa kaniyang inisaad. “Ano na naman kaya ang problema no’n. Hindi bale na nga, baka pagod lang iyon,” bulong ng dalaga sa kaniyang sarili. Nang matapos ito sa pagluluto, tumayo si Ritzen at inakayan niya ang dalaga. Nililigawan ng prinsepe ang dalaga at hindi na nahihiya si Amaya dahil kaibigan niya ito simula sila ay bata pa. “Kaibigan, ihahatid ko muna si Amaya sa kanilang tahanan. Babalikan na lamang kita,” nakangiting sambit ni Ritzen kay Jeremiah. Hindi muling kumibo ang emperador at yumuko si Amaya upang magpaalam sa kaniya. Hindi rin maintindihan kung bakit nagagalit ito sa kanilang dalawa. Nang makarating sila sa tahanan ng aliping si Amaya, ipinapasok ng dalaga ang kaniyang manliligaw. Hinawakan ng prinsepe ang kamay ng dalaga. “Amaya, kailan mo ba ako sasagutin. Alam mong iniibig kita,” wika ni Ritzen sa kaniya. “Sa totoo lang po kamahalan. Hindi po tayo nababagay sa isa’t-isa dahil inaalala ko ang sasabihin ng iyong ama sa akin.” “Hindi naman hadlang iyon subalit kaya kong maghintay sa iyong kasagutan.” Emperor Jeremiah’s POV Naiinis ako sa iniwika sa akin ni Amaya kanina dahil para sa kaniya ay isa akong bata sa kaniyang paningin. Lalo akong nagagalit sa tuwing nakikita ko silang dalawa ni Ritzen na anak ni emperador Morgan. Alam kong may pagtingin siya kay Amaya at matagal na niya itong nililigawan subalit hindi naman nararapat si Amaya para sa kaniya. Aaminin ko kahit matalik kong kaibigan ang aliping iyon, napakaliit ng pagtingin ko sa kaniya. Napakabait ni Amaya sa akin dahil siya ang nag-aalaga sa akin simula pagkabata. Ang pagturing niya sa akin isa lamang nakakabatang kapatid. Sa katunayan ay mayroong akong nililigawang emperatris upang hindi mabaling ang puso ko sa isang alipin. Alam kong mas higit na mas maganda si Amaya kumpara sa emperatris ng Irua. Dumating si Ritzen at ako’y kaniyang kinausap. “Maaga yata ang pagdating mo kaibigan, bakit napakalungkot ng iyong mukha?” tanong ko kay Ritzen. Umupo ito at iniyuko nito ang kaniyang ulo kasabay nito ang paghinga nito nang napakalalim. “Ang akala ko Jeremiah ay matatanggap ko na ang matagal ko nang nais para kay Amaya.” “Ang inaakala ko naman ay magkasintahan na kayo. Bakit mo nagustuhan ang aliping iyon?” Humarap sa akin si Ritzen at tumalim ang tingin nito sa akin. “Ano ka ba emperador ng Odisius, bakit yata ganyan na ang pananalita mo sa aliping nag-alaga sa iyo simula pa noong ating pagkabata?” pang-iisultong tanong nito sa akin. Tumawa lamang ako nang malakas at inirapan ko siya. “Ano ka ba aking kaibigan, iba na noon at ngayon. Matagal ko nang gustong sabihin sa iyo ito, ang alipin ay alipin. Naging mabait lamang ako kay Amaya dahil matalik ko siyang kaibigan subalit mababa pa rin siya sa aking paningin.” Tumayo si Ritzen at nagpaalam nang umuwi sa akin. “Nag-iba ka ngang talaga. Ang dalagang alipin na iyong kaibigan ang siyang naging sandalan mo noong nawala ang iyong mga magulang. Sana pangalagaan mo ang aliping aking iniirog, huwag kang mag-alala balang-araw mawawala rin siya sa pagka-alipin dahil tatanggalin ko ang estado niya,” mahinahong wika ni Ritzen sa akin. End of POV
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD