Chapter 5: The ribbon in the maiden slave's hair

1288 Words
Kinausap ni emperador Jeremiah ang kaniyang nakakabatang kapatid na si emperador Schneider. “Ngayon na darating sina tiyo Clovis, sigurado na ba ang pasya mo na si Xander ang gusto mong mamuno nitong bayan ng Krushan?” Tanong emperador Jeremiah sa kaniya. “Opo, kuya. Nararapat naman siyang mamuno nitong bayan ng ating namayapang lolo,” tugon nito sa kaniyang kapatid. Lumapit naman si Aerith sa kanilang dalawa. “Ikaw Aerith, magpapaiwan ka ba rito sa bayan ng Krushan?” Tanong ni emperador Jeremiah sa kaniya. “Hindi kuya, sasama ako sa bayan ng Odisius,” tugon naman ni Aerith sa kaniya. “Talaga ngang kamukha mo ang ating ina. Sana ay pangalagaan mo ang mukha ng ating ina,” wika naman ni emperador Jeremiah sa kaniya. “Oo, kuya. Sana ikaw rin pangalagaan mo ang mukha ng ating ama,” nakangiting saad naman ni Aerith. Sa ngayon ay nasa tatlong buwan na ang tiyan ni Aerith at kasama nito lagi ang kaniyang kasintahan na si Cassmir. Minahal ni Cassmir ang kaniyang magiging asawa at tinanggap na ni Jeremiah ang naging kapalaran ng kaniyang kapatid. Dumating na sina emperador Clovis at iba pang emperador upang ipahayag sa mga taga-Krushan ang kanilang bagong pinuno na si Xander. Ipinasa na ni Schneider ang pamumuno nito bilang emperador kay Xander. “Ngayon aking kaibigan, ikaw na ang bagong emperador ng Krushan,” nakangiting saad naman ni Jeremiah sa kaniya. “Oo, salamat kaibigan sa inyong tiwala. Tiyak na matutuwa sina dating emperador Lysander at ang aking tiyang si Xenia dahil itinupad ko ang kaniyang hiling sa akin. Subalit nalulungkot ako dahil wala ang ating mga kaibigan upang gabayan tayo sa aking pagtatalaga bilang bagong emperador,” malungkot na saad ni emperador Xander kay Jeremiah. Biglang lumapit sina Axton, Kilwah at Ritzen sa kaniya. “Bakit naman naming kakalimutan ang mahalagang araw na ito, emperador Xander,” nakangiting saad ni Kilwah sa kaniya. “Teka nabibilaukan yata ako, sandali, e-e-em-pe-pe-ra-ra-dor Xander,” pagbibirong wika naman ni Axton sa kaniya. “Ako rin hindi ako sanay na tawagin ang ating kaibigan na, ano raw?” pagbibirong sambit naman ni Ritzen sa kanila. Tumawa nang malakas ang magkakaibigan at sinapok ni Xander ang dalawa na sina prinsepe Axton at prinsepe Ritzen. “Masanay na kayo mga kaibigan dahil isa na akong emperador,” sambit naman ni emperador Xander sa kanila. Nagkuwentuhan ang mga magkakaibigan at kinikuwento naman nila ang kanilang mga nakilalang emperatris. “Wala ka bang balak na ligawan si prinsesa Ariza, huh, Jeremiah?’’ pagtatakang tanong naman ni Axton sa kaniya. “Sa katunayan ay kasintahan ko na siya,” saad naman ni Jeremiah sa kanila. “Kasintahan mo na ba? Tila napakasungit mo naman sa kaniya, ni man ang kaniyang kamay ay hindi mo kayang hawakan?” tanong muli ni Axton sa kaniya. Hindi nila batid ang kaniyang tunay na nakabaling ang kaniyang atensyon ay sa aliping si Amaya lamang. Hindi na nagsalita si emperador Jeremiah dahil ginagamit lamang niya si prinsesa Ariza dahil upang subukan niyang makalimutan ang dalagang alipin. “Ikaw Ritzen?” tanong naman ni Kilwah sa kaniya. “Si Amaya ang aking iniirog at nililigawan,” nakangiting saad naman nito sa kanila. “Si Amaya? Kung sabagay sinasabi mo na iyan dati. Sa totoo lang gusto ko rin sanang ligawan si Amaya dahil napakaganda nito kahit isa lamang siyang alipin. Ngunit ayokong magalit ka, sa iba na lang ako iibig,” wika naman ni Kilwah sa kaniya. “Ikaw Xander?” Tanong naman ni Axton sa kaniya. “Wala akong iniibig,” saad naman nito sa kanila. Subalit hindi nila alam ay may pagtingin din ito kay Amaya ngunit nahihiya lamang niya itong aminin dahil baka magalit sa kaniya si prinsepe Ritzen. Nang matapos ang kanilang inuman at kuwentuhan umuwi na sina emperador Jeremiah, prinsesa Aerith at prinsepe Schneider sa palasyo ng Odisius. Sinalubong naman nina prinsepe Scaffer at prinsesa Allirea ang kanilang mga kapatid. Sumama na rin si Cassmir sa kanila at nagpahanda ng bagong silid ang emperador sa magkasintahan. Magkakatabi naman matulog ang magkakapatid na sina emperador Jeremiah, prinsepe Schneider at Scaffer at prinsesa Allirea. Napagitna naman si Allirea sa kanila at katabi niya ang kaniyang kuyang emperador sa silid ng kanilang namayapang magulang. “Ama, mama, alam kong nariyan lang kayo. Sama gabayan ni’yo kami lagi,” pabulong na saad ni emperador Jeremiah sa kaniyang sarili. Kinabukasan ay maagang nagising ang emperador upang pumunta sa tabi ng ilog. Sa hindi sinasadya nakita niya si Amaya na naliligo ito sa ilog habang walang saplot sa pangangatawan. Namangha ang emperador sa taglay na kagandahan ng dalaga. Subalit nagtago ang emperador sa likod ng bato at nakita niya rin na nagbihis na ang dalaga. Umupo ang binatang emperador sa gilid ng bato at nakita siya ni Amaya. “Kanina pa po kayo riyan kamahalan?” namumulang tanong ni Amaya sa kaniya at kasabay nito ang kaniyang pagyuko. “H-Hindi naman kadarating ko lang,” nauutal na tugon ng emperador sa kaniya. Naglakad na ang dalaga at hinila siya ng emperador. Bigla na lamang niyang niyakap ang dalaga habang nakatalikod ito sa kaniya. Nabigla ang dalaga sa pagkakayakap ng emperador sa kaniya. “B-Bakit po kamahalan?” nauutal na tanong ni Amaya sa emperador. “Wala lang kasi matagal na kitang hindi nakakayakap magmula nang pinalitan ko sa trono ang aking ama.” Humarap ang dalaga sa kaniya at niyakap nitong pabalik ang emperador. “Naku, nasabik ang emperador ng Odisius sa aking yakap. Maaari mo naman po akong yakapin kamahalan tulad ng dati, noong tayo ay bata pa. Subalit huwag mong ipakita sa aking kapuwa alipin baka paghinalaan nilang tayo ay magkasintahan,” pagbibiro ng dalaga sa kaniya. Hinimas nito ang ulo ng emperador at ang turing naman ng dalaga sa kaniyang emperador ay isang nakakabatang kapatid lamang sapagkat matanda ang dalaga ng isang taon sa emperador ng Odisius. “Tingnan mo mas higit ka ng matangkad sa akin, kamahalan,” nakangiting saad ni Amaya sa kaniya. “Oo, ikaw bansot pa rin hanggang ngayon.” “Alam mo kamahalan, salamat at hindi nagbago ang turing mo sa akin.” “Kailanman walang magbabago Amaya, kahit mag-asawa ako.” “Alam kong malapit na iyan kamahalan dapat ay makahanap ka na ng nararapat para sa iyo mahal kong emperador. Siguro ako na ang pinakamasayang alipin na naninilbihan sa iyong palasyo.” Hindi na nakasagot ang emperador at ipinikit na lamang nito ang kaniyang mga mata dahil ramdam nito ang init na yakap ni Amaya sa kaniya. “Kumusta ka naman po kamahalan?” tanong ni Amaya sa kaniya habang magkayakap sila. “Ayos lamang ako,” tanging natugon ng binata sa kaniya. Humarap ang emperador ng mata sa mata sa dalagang si Amaya. Tinangka ng emperador ng halikan niya ang dalaga. Habang papalapit nang papalapit ang labi ng emperador sa kaniya bumibilis ang t***k ng puso nila sa isa’t-isa ngunit iniwas na lamang ang mukha ng dalaga sa kaniya. “Kamahalan, aalis na muna po ako at itutuloy ko na muna ang aking trabaho sa kusina ng palasyo,” pagpapaalam ng dalaga sa kaniya. Patakbo ito kung maglakad papunta sa kusina ng palasyo at hindi nito maintindihan kung bakit biglang tila uminit ang kaniyang pakiramdam nang yakapin siya ng emperador. Habang tumatagal ay patindi na rin nang patindi ang pagnanasa ng emperador sa kaniya magmula nang makita niya ngayon ang hubog ng katawan at kinis ng balat ng dalaga. Kinuha ng emperador ang naiwang laso ng dalaga sa ibabaw ng bato at inamoy ito ng emperador. “Amaya,” Tanging nasambit nito sa kaniyang sarili. Itinago niya ang laso na ipinantatali ng dalaga sa kaniyang buhok at naglakad na rin ang emperador patungo sa loob ng kaniyang palasyo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD