Jeremiah’s POV
Nakita ko ang hubog ng pangangatawan ni Amaya ako ay napalunok sa aking nakikita. Sa tuwing nakikita ko siya tumitigil ang ikot ng aking mundo. Palihim akong naiinis sa tuwing nag-uusap sila ni prinsepe Ritzen at masaya silang nagtatawanan. Hindi ko naman mabawal ang kaibigan kong prinsepe dahil wala naman dahilan upang magalit ako. Mayroon akong kasintahan subalit napakalayo ng loob ko sa kaniya. Pumunta ako sa bayan ng Irua upang bisitahin si prinsesa Ariza.
“Kumusta ka na mahal, kumain ka na ba?” tanong nito sa akin.
“Oo, kanina pa,” tugon ko sa kaniya.
“Tila malalim ang iyong iniisip?”
Tinangka niya akong yakapin subalit lumayo ako sa kaniya. Tila nagalit siya sa aking ikinilos.
“Alam mo ba mahal, nais ko sanang tanungin sa iyo ito.”
“Ano iyon?”
“Mahal mo ba ako?”
Hindi ako nagdalawang isip na sagutin ang kaniyang katanungan.
“Alam mo kung bakit tayo naging magkasintahan hindi ba?”
Hindi na siya nakapagsalita sa aking harapan at alam nito ang aking dahilan. Subalit ang aking dahilan upang ipakita ko lamang sa aking mga kaibigan na may kasintahan akong mataas ang antas. Ayokong malaman nilang labis akong nababaliw sa aking kaibigang alipin.
“Naiintindihan ko,” tanging nasagot niya sa akin atsaka na umalis.
Umuwi ako sa aking palasyo at nadatnan ko si emperador Xander sa loob. Nag-uusap sila ng aking kapatid na si Schneider at nabigla ako dahil naroon din ang aking pinsan na si Halfonse at ang tiyang si Remi.
“Kumusta ka na aking pamangkin?” nakangiting saad sa akin ng aking tiya.
“Maayos lamang po tiya mabuti at nakabisita kayo. Nasaan pala si tiyo Hariz?” tanong ko sa kaniya.
“Nariyan lang siya baka pumunta ito sa puntod ng iyong ama at ina.”
Hindi na ako nakaimik at nakita niya si Amaya na dinadala nito ang kaniyang hinihaing meryenda para sa kanila. Nagulat ang aking tiya at itinanong nito kung ano ang kaniyang pangalan.
“Sandali, ano ang iyong pangalan?” Tanong ng aking tiya reyna kay Amaya.
“Amaya po, mahal na reyna,” sagot ni Amaya sa kaniya.
“Napakaganda mo naman,” papuri ng aking tiya sa kaniya.
Namula si Amaya atsaka ito yumuko sa aming harapan.
“Sandali lang at magpapahangin lamang ako sa labas,” pagpapaalam ni emperador Xander sa amin.
“Sige, mamaya pala may pag-uusapan tayo,” tanging nasagot ko sa kaniya.
Tumango na lamang ito at pumunta ito sa labas upang magpahangin.
End of POV
Pumunta sa hardin si emperador Xander at nakita niyang nagwawalis si Amaya. Namamangha ang emperador sa kagandahan ng alipin at kasabay nito ang kaniyang pag-upo. Masayahing dalaga si Amaya at lagi niya tinutulungan ang kaniyang mga kasamahang tagapagsilbi.
“Dati noong bata kami ay hindi naming siya pinapansin. Ngayon naging binata at dalaga na kami, kakaiba ang iyong kagandahan Amaya,” bulong ni emperador Xander sa kaniyang sarili.
Narinig nito ang pinag-uusapan nila.
“Amaya, kailan mo balak sagutin si prinsepe Ritzen mukhang matagal na rin siyang nanliligaw sa iyo,” tanong ng kaniyang kasamahang alipin sa kaniya.
“Pag-iisipan ko pa subalit tinanggihan ko na dati ang balak nitong panliligaw sa akin subalit ayaw niyang sumuko sa akin,” tugon naman nito sa kaniyang kasamahan.
“Naku napakasuwerte mo nga dahil ang nanliligaw sa iyo ay ang mga mahaharlikang lahi sapagkat napakaganda mo, Amaya,” nakangiting pagpuri ng kaniyang kasamahan.
“Alam mo kahit nanliligaw sila sa akin, alam kong hindi ako nararapat sa kanila.”
“Paano kung si emperador Jeremiah ang manligaw sa iyo?”
“Naku huwag mo ngang sabihin iyan Liya baka mapugutan pa tayo ng ulo. Alam mo naman na turing ko sa kaniya ay isang nakakabatang kapatid.”
“Nakakabatang kapatid? Hindi naman nalalayo ang edad ni’yo sa isa’t-isa at matanda ka lamang ng isang taon sa kaniya.”
“Kahit na, dalangin ko sana ay makahanap siya ng kaniyang mapapangasawa upang mawala na ang kaniyang kalungkutan dahil sa pagkamatay nina reyna Amethyst at emperador Schniziel.”
“Oh, sige, maiwan na muna kita riyan Amaya dahil may ipinapagawa pala sa akin si prinsesa Allirea.”
Nagpatuloy lamang sa pagwawalis si Amaya at nilapitan siya ni emperador Xander.
“Kumusta ka na, Amaya,” nakangiting saad naman ni emperador Xander sa kaniya.
Yumuko ang dalaga bilang paggalang sa kaniya. Namula ang dalaga dahil napakaguwapo pala ng emperador na ito lalo na sa malapitan.
“K-Kilala ni’yo pa po ako, kamahalan?” gulat na tanong nito sa kaniya.
Tinapik ng emperador ng Krushan ang kaniyang noo.
“Naku, oo naman. Sino ba naman hindi makakakilala sa iyo dahil ikaw ang naging karamay ng aking matalik na kaibigan,” sambit nito sa kaniya.
“Opo dahil kaibigan ko rin po ang emperador simula pagkabata.”
Patuloy na nag-uusap ang dalawa at nakita ni emperador Jeremiah na nagtatawanan ang dalawa. Hindi nito maintindihan kung bakit naiinis siya sa kaniyang nakikita. Nagpaalam na ang emperador ng Krushan sa dalaga at nag-usap na sila ni emperador Jeremiah. Umupo na ito sa silya ng hardin habang naglalaro sila ng chess.
“Napakasuwerte mo, Jeremiah,” nakangiting wika ni emperador Xander sa kaniya.
“Bakit naman?” pagtatakang tanong naman ni emperador Jeremiah sa kaniya.
“Sapagkat lagi mong nasisilayan ang napakagandang mukha at malamyos na tinig ni Amaya.”
Tumawa nang malakas ang emperador ng Odisius at nagsalita.
“Bakit may gusto ka ba sa kaniya? Aking kaibigan?”
“Aaminin ko sa iyo ito subalit huwag mo na lamang ipaalam kay Ritzen ang aking tunay na narararamdaman para kay Amaya. Gusto ko ang iyong alipin magmula nang nasilayan ko siya noong kinoronahan ka ni tiyo Clovis.”
Hindi nakapagsalita ang emperador ng Odisius sa pag-amin ng kaniyang kaibigang emperador tungkol sa tunay nitong saloobin.
“Maaari mo naman siyang ligawan at hindi pa naman nito kasintahan si prinsepe Ritzen.”
“Subalit hindi naman kaya magagalit si Ritzen?”
“Iyon ang hindi ko ala making kaibigan. Sapagkat matagal-tagal na rin nanliligaw si Ritzen sa kaniya.”
“Tiyak na wala na akong pag-asa kay Amaya dahil nakikita ko na nagkakagusto na ito sa ating kaibigan.”
Palihim na nagngitngit ang emperador ng Odisius sa nasabi ng kaniyang kaibigang emperador. Alam nito sa sarili na nagpapanggap lamang siyang wala itong gusto sa dalaga. Nagpaalam nang umuwi si emperador Xander sa bayan ng Krushan. Pumunta si emperador Jeremiah sa kaniyang silid at uminom ito ng alak. Pagkatapos nitong uminom ng alak ang emperador pumunta ito sa kusina ng palasyo. Nakita nitong nagluluto ng kanilang hapunan ang alipin. Nagulat ang alipin dahil niyakap siya ng emperador habang nakatalikod ito sa kaniya. Naamoy ng dalaga na nangangamoy alak ang kaniyang emperador.
“Lasing ka ba kamahalan?” tanong ni Amaya sa kaniya.
“Hindi naman gaano Amaya, hayaan mo muna akong yakapin kita,” tugon ng emperador sa kaniya.
Nakayakap lamang ang emperador sa kaniya mula sa kaniyang likuran subalit sa hindi inaasahan hinawi ng emperador ang kaniyang napakahabang buhok. Naramdaman ng dalaga ang dampi ng labi ng emperador sa kaniyang leeg at hinahalikan niya ito ng maliliit na halik. Humihigpit ang yakap ng emperador sa kaniya at naramdaman nito ang dampi ng dila ng emperador sa kaniyang pisngi. Umagos ang laway nito sa pisngi ng dalaga.
“K-Kamahalan, pakawalan ni’yo muna po ako ipapagpatuloy ko po ang aking pagluluto,” kinakabahang saad ng dalaga sa kaniya.
Subalit tila walang naririnig si emperador Jeremiah sa kaniyang isinaad.
“K-Kamahalan,” naluluhang sambit nito dahil ang kamay ng emperador ay naglalakbay na ito sa kaniyang pangangatawan.
“Hayaan mo muna ako Amaya, alipin ka lang at sundin mo lahat ng aking iniuutos.”
“K-Kamahalan lasing lamang po kayo. Huwag ni’yo po gawin sa akin ito.”
“Bakit hindi mo ba gusto ang yakap at halik ko?”
Iniharap nito si Amaya sa kaniya at hinalikan niya ito nang napakarahas. Nagulat ang dalaga sa pagdampi ng labi ng emperador sa kaniyang mga labi.
“K-Kamahalan, tama na po. Baka may makakita po sa atin at nasusunog na ang aking niluluto.”
Muling hinalikan ng emperador ang labi ng dalaga at sadyang napakainit na halik ang iginagawad nito sa dalagang alipin. Sa hindi inaasahan, nasampal ng dalaga ang emperador at napaupo ang dalaga sa sahig. Nagulat ang emperador sa pagkakasampal ng dalaga sa kaniya at tila nahimasmasan ito sa kaniyang ginagawa sa kaniyang kaibigan. Nakita nitong walang tigil ang pagluha ng dalaga habang nakaupo ito sa sahig dahil sa sobrang takot.
“Pasensiya ka na hindi ko sinasadya, nadala lamang ako ng aking kalasingan,” wika ng emperador kay Amaya.
“A-Alam ko po iyon k-kamahalan.Patawarin ni’yo po ako sa pagkakasampal ko sa iyo,” saad naman ng dalaga sa kaniya.
Umalis ang emperador sa harapan ng dalaga at pumunta ito sa bulwagan ng pinagpupulungan. Nagwala siya roon dahil alam niyang ang turing ng dalaga sa kaniya ay isa lamang nakakabatang kapatid.
“Bakit ganito ang tingin mo sa akin alipin. Hindi na ako isang batang kailangan mong bantayan!” sigaw nito habang wala itong tigil sa pagwawala.
Nahimasmasan ang emperador ng Odisius naalala na naman nito ang kinuwento ng kaniyang tiya reyna na si Karinne.
“Nagagaya na ba ako sa aking ama? Subalit wala akong pakialam, hindi ako makakapayag na mapunta ito kay Ritzen o kaya kay Xander,” wika nito habang nakaupo sa silya.
“Ngunit wala naman akong karapatan upang kunin siya dahil hindi ako maaaring umibig sa kaniya dahil isa lamang itong alipin!” dagdag na saad nito sa kaniyang sarili.
Kinabukasan ay hindi na nagpayakap ang dalaga sa kaniyang emperador dahil natatakot na ito sa kaniyang ikinilos magmula nang pagtangkaan siya nitong halikan sa kaniyang labi.