Chapter 07: Rumors

1596 Words
NAPABALIKWAS ng bangon si Lara nang maalimpungatan sa sunud-sunod at tila natatarantang pagkatok na kaniyang naririnig na nagmumula sa labas ng apartment unit niya. Pupungas-pungas pa siyang lumabas sa kuwarto at nagtungo sa sala para harapin ang kung sinong nang-abala sa tulog niya. “Lara! Have you read the news?” bungad na tanong ng best friend niyang si Liezl, na siyang napagbuksan niya ng pinto. “Ang aga mo namang mambulabog, Liz! Alam mo namang late na ako bumabangon tuwing Saturday,” reklamo niya, sabay hikab. “Anong news ba ‘yon at masyado ka yatang affected?” Sumulyap siya sa wall clock na nasa isang sulok ng sala; it’s only seven o’clock in the morning. Sayang ang isang oras na itutulog pa sana niya. Bumuntong-hininga si Liezl at nagkusa nang pumasok sa bahay niya. Umupo pa ito sa sofa bago sagutin ang tanong niya. “May viral photo lang naman ‘yung jowa mo kasama si Maddie Cervantes sa loob ng iisang sasakyan. Ang tsismis tuloy nung nagsulat ng article, si Adrian daw ang salarin sa pakikipaghiwalay ni Jordan kay Maddie,” naka-cross arms na paglalahad nito ng nabalitaan. “Heto pa ang nakakaloka! Some netizens are saying na baka si Maddie raw ang tinaguriang mystery girlfriend ni Adrian... which is ikaw talaga, ‘di ba?!” Nagpipindot si Liezl sa cellphone nito. Nang tila makita ang hinahanap doon ay iniabot nito ang cellphone sa kaniya. “Here. Basahin mo. Sure ako, magiging mas affected ka pa kaysa sa ‘kin.” Nanlalamig ang mga kamay na kinuha ni Lara ang cellphone mula kay Liezl at binasa ang article na tumambad sa kaniya roon. Halos manginig siya sa pinaghalong inis at tensyon nang matapos ang hindi nagustuhang nabasa. “Uhm... b-baka naman isinabay lang ni Adrian si Maddie. You know, they work together. Lagi silang magkasama for taping,” sabi niya matapos makapag-isip nang mabuti. “Wala lang sigurong maisulat ang mga reporter na ‘yan kaya ginagawang issue ang maliit na bagay.” Inilapag niya sa center table ang hawak na cellphone sa halip na isauli iyon sa kaibigan. Pero sa kabila ng finality na nasa kaniyang tinig ay mukhang wala pa ring balak si Liezl na tuldukan ang usapan. “No, Lara. I don’t think that’s work-related.” Ibinalik nito sa kamay niya ang binitiwan nang telepono. “Pindutin mo ang hashtag na nasa dulo ng article post. Makikita mo ang isa pa nilang picture sa tapat naman ng isang restaurant. Stolen shot ‘yon ng isang fan daw ng series nila.” Sumunod naman siya. Nakita nga niya ang tinutukoy nitong photo comment at base sa observation niya, mukhang kuha sa magkaparehong araw ang mga picture na ini-upload ng fan at ng nag-post ng article. “Kahit na! I’m pretty sure, kayang ipaliwanag ni Adrian ang totoong kuwento sa likod ng mga litratong ‘yan.” Liezl did not argue with her anymore. Mukhang nahiya na rin ito sa kaniya dahil na-realize na medyo naging harsh ito sa boyfriend niya. “Okay, kung ‘yan ang say mo. Worried lang naman ako sa ‘yo. Marami din kasi akong hindi magandang naririnig tungkol sa attitude nung Maddie na ‘yon, eh.” “I know, Liz, and I thank you for that. Pero may tiwala ako kay Adrian, kaya ‘wag ka na ring mag-alala.” Napangiti na siya. “Sige, feel at home ka muna riyan. Magmo-morning routine na muna ako.” Nanatili ang ngiti sa mga labi ni Lara hanggang sa makapasok siya sa banyo. Ngunit nang mai-lock na ang pinto niyon, saka lang niya hinayaang rumehistro sa kaniyang mukha ang pagkaligalig na bumabalot sa puso niya. “AKYAT na po kayo sa stage after n’yang video.” Sumulyap lang at bahagyang tumango habang nakangiti si Maddie sa staff ng programang Chika ni Chicky nang marinig niya ang instruction nitong iyon sa kanila ni Adrian. Sa hapong iyon ay guests sila ng binata sa isang segment ng naturang programang Sunday afternoon talk show ng FLE Network. Nang tuluyang magtapos ang video na naka-play sa malaking screen na kaharap ng mga audience ay nagbukas ang pinto ng backstage para malantad sina Maddie at Adrian sa napakaraming taong naghihintay sa kanila. Nangunguna na roon si Chicklette Vibar, the gay host of the talk show. “Mga kaibigan, please welcome on stage... the ‘Hottest Millennial Bachelor’ Adrian Andaya and FLE’s ‘Kontrabida Superstar’ Maddie Cervantes!” The sea of people on the audience seat all clapped their hands in unison, kasabay ng pakikipagbeso ni Chicky kina Maddie at Adrian. Pagkatapos ay sabay-sabay silang tatlo na nagsiupo sa sofa na sadyang naka-set up para sa interview nila. “‘Ayan! Welcome back dito sa Chika ni Chicky stage, AnDie,” ang bati pa ng host na abot-tainga ang ngiti. Nagtaka at nanibago si Maddie sa itinawag ni Chicky sa kanilang dalawa ni Adrian, gayunman ay hindi na niya iyon pinagtuunan pa ng pansin. Marahil, iyon ang tawag sa kanila ng mga nagshi-ship sa mga karakter nila sa teleserye. “Thanks, Chicky. It’s good to be back,” ani Adrian. “I remember the first time na in-interview ko kayo rito with Kelsey. Mag-uumpisa pa lang noon ‘yung Binalewalang Pag-ibig ninyo. Pero ngayon... juice colored! You’re driving the whole nation crazy and wild dahil sa... dahil sa kilig d’yan sa serye ninyo, huh?! Pinahuhula n’yo kaming lahat kung sino ba talaga kay Hannah o kay Suzaine ang pipiliin ni Fafa Raymund!” Hindi napigil ni Maddie ang matawa sa asta ni Chicky. Scripted man iyon o hindi, naaliw siyang pagmasdang kulang na lang ay magkikisay ito nang dahil sa kilig habang nagsasalita. “Yes, Chicky. Kaya nga grateful kami ni Adrian at ng buong casts and crew sa lahat ng sumusubaybay sa series namin,” aniya sa malambing na tinig, saka binalingan ang mga audience at ang camera. “To all Binalewalang Pag-ibig viewers, maraming salamat po! Mahal namin kayo!” “Sure naman ako, marami ding nagmamahal sa inyo. Hindi ba, mga ka-Chika?” Nagmistulang hudyat ang sinabing iyon ni Chicky para muling magpalakpakan at mag-ingay ang mga tao sa studio. Nagsitahimik lamang ang mga ito nang muling bumanat ang baklang tagapanayam. “Naku! Kung ako nga eh, talaga namang bilib na bilib din sa inyong dalawa. Kasi ‘di ba, alam ng lahat, Adrian, na ang very pretty na aktres na si Kelsey Morales talaga ang ka-love team mo from your previous series pa. Pero ‘yung undeniable at irresistible chemistry ninyo nitong si Maddie, talagang lumalavarn, huh?!” Napahinto sa sinasabi ang host at bahagyang natawa nang may isang fan nila ang solong flight na tumili. “Oh, ‘di ba? Ngayon, may fans club na rin kayo, AnDie.” Automatic na napalingon si Maddie sa audience seat ng studio. Bahagya siyang natigilan bago dahan-dahang napangiti nang makita nga niya sa bandang itaas ang maliit na grupo ng mga taong may hawak na iisang tarpaulin. May pictures nila ni Adrian ang naturang tarpaulin at sa gitna niyon ay nakasulat sa malalaking titik ang “AnDie Lovers.” “Ang dami ko ngang naririnig, ang daming nagsasabing mas lalo raw kayong sumikat nung mai-partner sa isa’t isa. Kasi naman, bagay na bagay raw kayo!” Isang nakalolokong ngisi ang gumuhit sa mga labi ni Chicky. “Don’t you think it’s destiny at work, hmm?” Nagkatinginan sila ni Adrian at sabay na impit na tumawa, bagama’t sigurado siyang pareho nilang hindi ikinatutuwa ang tanong na iyon. Ang lalaki ang sumagot mayamaya. “Yes, of course, destiny talaga. Destiny talaga ‘yon, Chicky.” Adrian wanted to continue speaking but the crowd didn’t give him a chance. Kinailangan nitong huminto dahil sa pagdagundong ng tilian na tumalo sa lakas ng microphone nito. Nang matahimik ay saka ito nangingiting nagpatuloy. “Hindi, kasi ‘di ba... I’m a product of Dream Star season 3, and Maddie was one of the judges nung season na ‘yon. So, ‘yung fact na nakakatrabaho ko na siya ngayon, parang it serves as a constant reminder for me para magsikap pang lalo to deserve the opportunity that was given to me.” Sa pagbanggit ni Adrian ng tungkol sa reality talent competition show ng FLE na Dream Star, nagbalik din sa alaala ni Maddie ang experiences niya bilang judge ng programang iyon. Noon pa man ay napahanga na siya ng binata sa angking-galing nito sa pag-arte. Kaya nga hindi na siya nagtakang sa pagtatapos ng show ay ito ang itinanghal na grand winner. Parang kailan lang, pero four years ago na pala iyon. She heard Adrian clicked his tongue, at noon bumalik ang isip niya sa kasalukuyan. Akala niya’y tapos na ito sa mga sugar-coated flattery para sa kaniya pero hindi pa pala. “Then, like what you said, nakatutulong pa rin siya para mas lalong mag-grow ang career ko ngayon. Kaya ako, I really believe that this beautiful lady beside me is one of the biggest factors kaya narating ko ‘yung kung anumang narating ko sa show business. I think... she’s destined to be my lucky charm.” "So parang sinasabi mong... you’re lucky to have Maddie in your life?" maintrigang tanong muli ni Chicky. “You can say that.” Tila naiilang na tumangu-tango ang lalaki bago tumingin sa kaniyang mga mata. “Basta, thankful ako. Thankful ako sa ‘yo, Maddie.” Nang ngitian siya nito, naramdaman niyang seryoso ito at sincere sa pagpapasalamat sa kaniya. Kaya naman nahawa na rin siya sa klase ng pagkakangiti nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD