Chapter 19: Necklace

1701 Words

“ANG ganda niya talaga, ‘no? Parang sa lahat ng mga kontrabidang napapanood ko, sa kaniya ako pinakanagandahan.” Nilingon ni Lara si Adrian at nginisihan. “I’m crushing on her.” Naroon ulit ang boyfriend sa bahay niya nang tanghaling iyon. Siya mismo ang nagyaya ritong bisitahin siya roon kung wala itong trabahong dapat gawin. Halata sa tono ng pananalita nito ang pagtataka sa imbitasyon niya nang magkausap sila sa telepono kanina, pero hindi naman ito nag-usisa pa. Katatapos lang nilang kumain ng lunch, at sa kasalukuyan ay nanonood sila ng pelikulang heavy drama kung saan si Maddie ang gumaganap na kontrabida. Nag-random pick lamang sila depende sa kung ano ang ipinalalabas sa Philippine Free TV nang mga oras na iyon, at nagkataong ang naturang pelikula ang naka-play sa subsidiary netw

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD