Chapter 18: Revealed

2500 Words

PA-HUM-HUM pa si Maddie habang patuloy sa pag-i-scroll sa social media feed ni Adrian. Matagal na niyang nai-follow ang binata ngunit ngayon lang siya nagkaroon ng mahaba-habang panahon para silipin ang laman ng account nito; natapos na kasi ang taping nila ng Binalewalang Pag-ibig noong makalawa lang kaya medyo marami siyang free time. Mas lumawak pa ang pagkakangiti niya nang maraanan ang selfie picture nilang dalawa ni Adrian na nakahilera sa mga latest post nito. Muntik na niya iyong malampasan kaya binalikan pa niya para makita nang maayos. Kuha ang litratong iyon sa loob ng kotse ni Maddie, noong last taping day nila. Hinihintay na lamang niya noon si Steffi para makauwi na sila, nang magulat na lang siyang biglang kumatok at sumakay si Adrian sa driver’s seat at tumabi sa kaniya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD