AGAD na ipinamalas ni Lara ang pinakamatamis niyang ngiti nang mapansing nakuha na niya ang atensyon ng restaurant hostess. Ginantihan naman siya nito ng malawak na ngiti at pagbati. “Table reservation for Mr. Montealto, please.” “This way, Ma’am.” Iginiya siya ng hostess patungo sa mesang laan para sa kanila ng ka-meeting niya, at matapos masigurong settled na siya sa kaniyang puwesto ay agad din siyang iniwan. Nagpasalamat siya sa babae bago ito tuluyang makalayo. Agad siyang nagpadala ng text sa editor niya sa LoveLi Magazine na si Miss Leyla para sabihing naroon na siya sa restaurant. Si Miss Leyla kasi ang nag-assign sa kaniya ng article tungkol sa katatapos lang na 65th anniversary ng WZM Motion Pictures, Inc. at siya ring nag-utos na interview-hin ang sikat na executive producer

