KANINA pa nanghahaba ang leeg ni Adrian sa kagagala ng kaniyang tingin sa halos kabuuan na ng kinaroroonang malawak na event venue. The night is still young, kaya naman nanghahagilap siya ng mga malalapit na kaibigang imbitado rin sa pagtitipon—anyone who can keep him company. Naroon siya nang gabing iyon sa 65th anniversary celebration ng WZM Motion Pictures Incorporated, ang isa sa pinakamalalaking film production company sa bansa. His presence at that party was required by Madam Helena, yamang halos lahat ng mga pelikulang kaniyang pinagbidahan ay co-produced ng WZM Motion Pictures, Inc. at FLE Films. Bukod doon, nahihiya rin naman siyang hindi um-attend lalo pa’t ayon sa agent niya ay personal pa raw na ibinigay rito ni Mr. Wilfredo Montealto—presidente ng film production company—ang

