CHAPTER 3

403 Words
KAISER'S POV Paglabas ko sa office ng CBEM, dumiretso ako sa office. Naramdaman ko naman na sumunod saakin si Sienna. Sa totoo lang, unang tingin ko palang sakaniya nahumaling na kaagad ako. Hindi ko naman sinasadya na sigiwan siya kanina, pero dahil nga sa late na sya, nagawa ko nang magalit. Pagdating niya sa office ko, agad ko naman syang pinaupo. Kinausap ko lang naman ay tungkol sa mga upcoming event na gagawin nila at mga dating event na ginawa nila. Gusto ko itong ma-solo kaya naman iyon lang ang tanging paraan para makapag usap kaming dalawa. Nung tinanong ko iyon sakaniya, agad naman syang nagtaka dahil dapat talaga kanina niya ito tinanong kasama ang ibang officers. "Dapat po siguro sir kasama ko ang mga officer sa pag report niyan sayo" saad ni Sienna. "Diba ikaw ang treasurer? Nais ko lang malaman ang mga naging budget niyo." seryoso kong Saad habang nakatingin sakaniya. "Sungit talaga." bulong niya pero narinig ko naman. "Sa susunod, kung mag-bubulong ka jan, siguraduhin mong hindi ko maririnig." masungit na sabi ko sakaniya. Nagulat naman ito sa aking sinabi. May pabulong bulong pa syang nalalaman, narinig ko rin naman. Tsk. "Sige na, makakaalis kana, Miss Sienna. Dalhin mo na lamang ang budget list ng mga nagastos niyo sa previous event and ung mga upcoming event niyo kapag may oras ka." saad ko rito. "O-opo, Sir." magalang na saad nito at umalis na sa aking office. Hindi ko mawala sa isip ko yung mukha niyang napakaamo at ang hubog ng kaniyang katawan. Lalo na nang magulat ito sa sinabi ko. Napaka ganda niya. SIENNA'S POV *SA ROOM* "Ano beh? Kumusta ung pag uusap niyo ng bago nating professor?" bungad na tanong agad ni Raine pag pasok ko pa lamang ng room. "Sinigawan ka ba? Pinagsalitaan ka ba ng hindi maganda?" Sunod na tanong naman ni Jarrel. "Alam niyo ang o-oa niyo ha" saad ko naman sa mga ito. "Unang una, ayos naman ang naging usapan namin. Tinanong niya lang ako tungkol sa budget ng mga previous event and upcoming event namin " sagot ko naman sa mga tanong nito. "Ha? Bakit Ikaw lang? Diba dapat lahat kayong officers ang mag rerepport nun sakaniya?" tanong ulit ni Jarrel. "Sinabi ko rin yan kanina pero ang sagot niya, ako daw ang treasurer kaya dapat lang na ako ang tinanong niya dahil ako daw ang may alam sa mga nagastos" sagot ko dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD