CHAPTER 4

535 Words
"Kahit na" sagot naman ni Jarrel Bumalik naman kami sa upuan nang pumasok na si Sir Fritz. Pagka-upo niya, wala naman siyang sinasabi kaya nag tataka kami. "Labas tayo." bulong sa akin ni Jarrel. "Hindi pwede, nakita mong nandito si Sir." pabulong kong saad dito. "Wala naman atang gagawin. At tsaka mamayang 4:00 pm pa ang susunod nating exam. Vacant tayo ngayon." saad naman ni Jarrel. "I will arrange your sitting arrangements." matipid na saad ng masungit naming professor. "Pati ba naman dito sa college meron pang sitting arrangements." pagrereklamo ni Jarrel. "Reklamador ka talaga kahit kailan." saad naman ni Raine. "Syempre, hindi ko na makakatabi si Sienna." sagot naman ni Jarrel. "May problema ba Mr. Jarrel Garcia?" tanong ni sir Fritz. "Kailangan po ba talaga sir ang sitting arrangements?" tanong naman ni Jarrel. "Oo dahil may mga nag cheat daw kanina habang nag t-test." seryosong saad naman ni Sir Fritz. Sasagot pa sana si Jarrel ng pigilan ko na ito sa pagsasalita. Baka humaba pa ang diskusyon ng dalawa at mag kainitan ng ulo. Mabilis pa naman mapikon si Jarrel kaya inawat ko na ito. "Sundin nalang natin sinabi ni sir." saad ko kay Jarrel. Nagsimula na si Sir Fritz mag sitting arrangements sa amin. Si Jarrel ay hindi inalis sa dati niyang pagkakaupo at ganon din si Raine. Habang ako ay inilipat niya sa upuan na nasa harapan ng kaniyang table. Parang hindi naman nabago ang pagkakaupo namin nung una at sa sitting arrangements ni Sir. Hindi naman kasi lahat ay pinalipat niya, iilan lang naman. Nang matapos na siyang mag sitting arrangements sa amin ay agad naman itong umalis. Pagkalabas niya, lumapit sa akin sina Jarrel at inaya ako na tumambay sa cafeteria na malapit lang sa room namin. Pagdating namin sa cafeteria, nag order lang kami ng burger at milktea na palagi naming binibili. Tahimik lang kaming kumakain, hanggang sa binasag ni Jarrel ang katahimikan. "Alam niyo guys, hindi niyo ba napapansin na parang gusto ng Fritz na yon si Sienna." basag ni Jarrel sa katahimikan. "Oo nga, feel ko rin." dagdag naman ni Raine. "huh? pano niyo naman nasabi?" saad ko naman sa mga ito. "tignan mo ha, una, ikaw lang ang tinawag niya papuntang office niya tapos ngayon nilipat ka niya sa harapan niya." pagpapaliwanag ni Jarrel. "Malay mo nag kataon lang diba. Tsaka sinabi ko na kanina diba na ako lang pinatawag niya kasi ako nga ang treasurer and ung doon sa pag sitting arrangements, diba nag explain siya kung bakit niya gagawin yon." pagpapaliwanag ko rin dito. "Hindi kas-" hindi na natapos ni Jarrel ang pagsasalita nang mag bell na, oras na para bumalik sa room namin para sa last na test namin. "Hay naku, tigilan mo na yan Jarrel. Nagkataon lang ang mga iyon." saad ko dito at inakbayan sya. Hinawakan niya naman ako sa bewang at nag simula na kami mag lakad papuntang room. Hindi na sa akin bago ang pag hawak ni Jarrel sa bewang ko dahil palagi niya naman itong ginagawa, napapagkamalan pa nga kaming mag jowa dahilmsa mga pinag gagagawa niya. Minsan kasi, ang mga kilos nito kapag kasama ako ay parang boyfriend. Kaya tuloy ung mga nagkakagusto sakaniya ay inaaway ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD