KAISER'S POV
Pag alis ni Sienna, nagpahinga muna ako saglit at nag isip kung paano ko palaging makikita si Sienna na walang nakakahalata. Nasa gilid kasi siya, kaya mahahalata ako kapag tinitignan ko siya. Kaya naman, napagdesisyonan ko na mag sitting arrangements kuno para mapunta si Sienna sa harapan ko.
Hindi pa ako nakakapasok sa room ay narinig ko na nag uusap usap sina Sienna at mga kaibigan nito. Narinig ko na sobrang concern ng kaibigan niyang lalaki.
"Sinigawan ka ba? Pinagsalitaan ka ba ng hindi maganda?" narinig kong tanong nito kay Sienna.
Unang tanong niya palang, nairita ako kaagad. Kaya naman, buo na ang desisyon ko na ilipat si Sienna sa harapan ko para naman malayo siya sa kaibigan niyang sa tingin ko ay may gusto sakaniya.
Pagpasok ko, agad naman silang naupo at pumunta ako sa lamesang nasa unahan at naupo rin. Halos 30 minutes akong naupo at wala man lang na salita ang lumalabas sa aking bibig dahil nag iisip pa ako ng rason kung bakit ko sila paglilipatin ng upuan. Nakita ko naman na nag bubulungan si Sienna at kaibigan nitong lalaki.
"I will arrange your sitting arrangements." seryosong saad ko.
Narinig ko ang pagrereklamo ng kaibigan ni Sienna kaya naman tinanong ko ito.
"May problema ba Mr. Jarrel Garcia?" tanong ko dito sabay tingin kay Sienna.
"Kailangan po ba talaga sir ang sitting arrangements?" patanong na sagot ng kaibigan nito.
"Oo dahil may mga nag cheat daw kanina habang nag t-test." Sagot ko sa tanong nito.
Actually wala naman talagang nag cheat, dahilan ko lang iyon para malipat si Sienna sa harapan ko. Nakita ko naman ang pagkagulat sa mukha nila at ang iba ay nag bubulungan pa.
Magsasalita pa sana si Jarrel, nang awatin na siya ni Sienna. Seryoso ko naman silang tinignan habang nag uusap. Maya maya pa ay hindi na umimik si Jarrel. Kaya naman, sinimulan ko na ang pag sasagawa ng sitting arrangements sakanila. Hindi ko na nilipat ang iba dahil si Sienna lang naman ang gusto kong mailipat. Pagkatapos kong gawin 'yon, nagpaalam na ako at umalis.
Pag punta ko sa office, bigla naman nag vibrate ang aking cellphone kaya sinagot ko ito.
"Ano kailangan mo?" tanong ko kay Ava. Ang childhood friend ko na gustong ipakasal sa akin ni dad.
"I just wanna ask kung free ka mamaya." may pagka malanding saad nito sa kabilang linya.
"Hindi ako pwede." tipid kong sagot.
"Edi puntahan nalang kita, na miss na kita eh." saad naman ni Ava sa kabilang linya.
"Wag na." sagot ko dito.
"Nasaan ka b-" saad nito ngunit hindi ko na pinatapos at pinatay ko na ang tawag.
Ayaw ko pumatol sakaniya dahil kung sino sino na ang gumalaw sakaniya. Mamaya niyan ay may sakit pa ung mga naka one night niya tapos mahawaan pa ako. Hindi 'yon alam ng mga magulang niya at ayaw ko rin ipaalam sa magulang ko. Baka kasi masira ang relasyon ng pamilya namin, malaki pa naman ang share nila sa company ng dad ko.
4:00 pm *ing bells
Habang papunta ako sa room, nakita ko naman si Sienna kasama ang mga kaibigan niya. Ang ikinainis ko pa dito ay nakahawak ang lalaki sa bewang niya. Tsk.