SIENNA'S POV
Bago pa kami nakarating sa room, nakita namin si Sir na papasok na rin kaya naman inalis ko ang kamay ko na naka akbay kay Jarrel pero hindi pa rin inalis ni Jarrel ang kamay niya na nasa bewang ko.
Natakot ako sa naging titig ni Sir saaming dalawa. Ang mga titig niya ay parang gusto niya kaming lamunin ng buhay. Agad naman ako umiwas sa mata nito dahil hindi ko kayang tignan.
Pagpasok namin, nagsimula na kaming mag exam. Kinakabahan ako habang sumasagot kasi feeling ko may nakatitig sa akin. Ayaw ko lang tignan kung sino dahil baka hindi ako maka-focus ng mabuti.
AFTER EXAM*
Pagkatapos namin mag exam, napagpasyahan namin na pumunta sa bar para makapag enjoy dahil tapos na anng midterm exam.
"woohh! ang sarap uminom habang wala nang iniisip na exam!!" sigaw ni Raine.
"Dahan dahan lang baby, baka mapagalitan tayo ni tita." saad naman ng boyfriend nito.
"Hayaan mo muna ako. Ngayon nalang ulit ako naka inom pagkatapos ng midterm exam." saad naman ni Raine sakaniyang boyfriend. Kasama namin ito dahil ayaw nitong pumayag na sumama sa amin si Raine kung hindi siya kasama.
Habang si Jarrel naman ay busy tumungga ng alak. Hinayaan ko na lamang ito dahil baka may pinagdadaanan.
"Sienna tagay na!" sigaw ni Raine dahil hindi kami masyado magkarinigan dahil sa lakas ng music. Inabutan naman ako nito at ininom ko 'yon. Hindi naman ako inosente pagdating sa mga inuman dahil dati na akong umiinom pero hindi naman palagi.
Medyo nahihilo na rin ako dahil napadami na rin akong nainom. Si Raine naman ay lasing na lasing na, ayaw kasi nito mag paawat kanina. Mabuti nalang at hindi uminom masyado ang boyfriend nito, kahit papano ay makakauwi sila ng safe. Samantalang si Jarrel naman ay medyo may tama na rin.
Lumapit sa akin si Jarrel at sumanday. Yumakap pa ito sa akin na parang boyfriend ko. Hinayaan ko na lamang ito dahil lasing na talaga ito at para na rin makapag pahinga siya ng kaunting oras. Habang naka-sanday sa akin si Jarrel, palinga linga naman ako sa paligid. May nakita kasi ako kaninang parang Kilala ko tapos nakatingin ito sa direksyon namin. Hinanap ko ito pero hindi ko na nakita.
"Sienna, tara sayaw tayo!" pag aaya sa akin ni Raine.
"Kayo nalang ng boyfriend mo, hindi ako makaalis eh. Nakayakap sa akin si Jarrel." saad ko dito.
"Hay nako, isanday mo nalang yan jan sa upuan." utos naman nito sa akin at tinulungan akong isanday si Jarrel sa upuan.
"Tara na, babantayan naman yan ng boyfriend ko." saad ni Raine. Kaya naman hindi na ako tumanggi pa dahil magaganda rin ang mga pinapatugtog ng dj.
Habang sumasayaw kami, may humila sa akin papalayo kay Raine. Kinabahan naman ako ng konti pero nang maaninag ko ang mukha nito ay mas lalo akong kinabahan. Dinala niya ako sa isang sulok na walang dumadaan na tao.
"A-anong ginagawa mo dito s-sir?" tanong ko kay Sir Fritz.
"Diba dapat Ikaw ang tinatanong ko niyan. Bakit ka nandito?" saad naman nito sa akin na malamig ang boses habang matalim ang mata niyang nakatitig saakin.
"ahmm.. nagkaroon lang po kami ng konting kasiyahan dahil tapos na ang midterm exam." pagpapaliwanag ko dito.
"kaya pala tawag ako nang tawag sayo, hindi mo sinasagot." may pagkadiin na saad nito sa akin na animo'y boyfriend ko na galit.
Tawag? Tumawag sya? Ngunit hindi tumunog ang cellphone ko. Ay s**t, hindi ko naman pala un maririnig dahil napakaingay sa club tapos nakalagay pa sa bag ko kaya hindi ko talaga iyon maririnig. Pero paano niya nakuha ang number ko eh hindi ko pa naman iyon binibigay sakaniya.