CHAPTER 7

869 Words
"A-ah... Sir, saan niyo p-" tatanungin ko sana si sir kung saan niya nakuha number ko, nang bigla akong maduwal kaya tumakbo ako papuntang Cr. Sinundan naman ako ni sir pero hindi siya pumasok kasi para lang yon sa mga babae. Pagkatapos kong sumuka ay lumabas na ako dahil naalala ko na may mga kasama pa pala ako. Paglabas ko ay nakita ko si sir na nakasanday sa pader habang hinihintay ako. "Sir...pashensya na po, pwede po bang.....bukas nalang tayo...mag ushaap?" saad ko dito. Hindi ko na sya kayang kausapin nang matino dahil tinamaan na rin ako ng alak. "No, ihahatid na kita." saad naman nito sa akin. "H-ha, h-hindi n-n-na po, m-may kasa..ma ako." pa utal utal ko na saad sakaniya. "Sienna!" tawag sa akin ni Raine. Nagulat naman ito ng makita si Sir na kausap ako. Pero imbes na mahiya, inaya niya pa itong uminom. "Sir, Tara inom tayo!" pag aaya nito kay Sir. Akala ko ay tatanggi ito at aalis na ngunit bigla itong pumayag kaya naman ay hinila na kaming dalawa ni Raine papunta sa table namin. Pagdating ko ay wala na si Jarrel. Boyfriend na lamang ni Raine ang nandoon kaya tinanong ko ang mga ito kung nasaan na si Jarrel. "Nasaan na si Jarrel?" tanong ko sa dalawa. "Umuwi na, akala ko kasi nauna ka na umuwi kaya umuwi na rin sya." sagot ni Raine. Magkatabi kami ngayon ni Sir at magkatabi rin si Raine at boyfriend nito. Umorder naman ulit sina Raine ng beer at binigyan agad si Sir. Nakaka limang shot pa lamang ako ay hindi ko na kinaya. Pano ba naman kanina pa ako umiinom eh hindi naman ako sanay uminom nang maramihan. sina Raine naman at boyfriend nito ay medjo lasing na rin ulit kaya nag aya na sila umuwi. Si sir naman ay hindi pa naman gaano lasing kaya nag offer ito sa akin na ihatid na ako dahil 11:00 pm na. Habang nagmamaneho ito, ay may biglang tumawag sakaniyang cellphone. Nakita ko naman kung sino ang tumawag dahil nakapatong ito sa gitna ng nauupuan naming dalawa. Ang nakalagay doon ay "Yumi". Wala naman dapat akong pakialam kung sino yung tumatawag pero parang may bumubulong sa akin na makinig. Kaya naman, kinuha ko ang cellphone ko at kunwring nag s-scroll pero nakikinig talaga ako sa usapan nila. "Hi baby" saad ni Sir Fritz sa kausap niya. Agad naman akong nagulat dahil may girlfriend pala ito tapos pumayag pa akong ihatid ako nito pauwi. Paano nalang kung malaman ng girlfriend niya na may kasama siya. Pero nag offer naman kasi itong ihatid siya since malalim na ang gabi. "Sorry, may ginawa kasi ako pero pauwi na rin naman na ako. May kailangan lang ako daanan." saad pa nito. Nagsinungaling pa talaga siya, tsk. Baka mapaaway pa ako neto eh. Ayaw na ayaw ko pa naman ng gulo lalo na kung dahil lang sa lalaki. Hindi naman ako desperada no at tsaka wala naman sigurong masama kasi ihahatid lang naman ako, wala naman kaming masamang gagawin. "What do you want baby?" Tanong nito sa girlfriend niya. "Okay okay. Bibilhan kita ng gusto mo ha. Ibababa ko na. Bye, I love you." saad nito bago patayin ang tawag. Hindi ko na lamang ito pinansin dahil baka isipin nitong nakikinig ako sa usapan nila. Baka masabihan pa ako netong chismosa. Nang makita ko na ang kanto papunta saaming tahanan ay sinabihan ko na itong itigil na dito. "Diyan niyo nalang po ako sir ibaba sa kanto, lalakarin ko nalang po papunta sa aming bahay. Malapit na lang naman po 'yon." Pag sisinungaling ko kahit malayo layo pa ng kaunti ang bahay namin. Sasakay na lang ako sa pedicab makauwi kaagad ako. Ayoko naman na magpahatid sakaniya hanggang sa harap ng bahay namin dahil baka mainip ng girlfriend niya kakaantay at mag away pa sila. "Ihahatid kita sa tapat ng bahay niyo." seryosong saad nito. "A-ahh e-ehh wag na po baka magalit girlfriend niyo, mag away pa kayo. Bababa na po ako sir, thankyou po sa pag hatid." Saad ko naman dito. Bubuksan ko na sana ang pinto ng kaniyang sasakyan ngunit hindi ko ito mabuksan. Nilock niya iyon para hindi ako makalabas. "So talagang nakikinig ka kanina habang may kausap ako." saad nito saakin sabay lapit ng mukha niya. Napapikit naman ako ng mata sa biglaang paglapit nito. Amoy na amoy ko rin ang alak na ininom niya kanina. "Ihahatid na kita sainyo, wag kana makulit. Kargo kita kaya kapag may nangyari sayong masama, sisisihin ako ng kaibigan mo." saad pa nito sabay balik ng kaniyang atensyon sa pagmamaneho. Wala naman akong magawa dahil hindi naman ako makalabas dahil nilock niya iyon. Kaya pumayag na lamang akong ihatid niya hanggang sa bahay. "Liko po sa kaliwa, and iyan na po ang bahay namin." pagtuturo ko ng direksyon sakaniya. "Sige na, labas na." saad nito kaya agad naman akong lumabas at nagpasalamat at nagpaalam dito. "T-thankyou po Sir Fritz sa paghatid. Bye po, mag iingat ka po." saad ko nang makalabas na ako sa kaniyang sasakyan. "Fritz nalang kapag wala tayo sa school." saad naman nito. "A-ahh Salamat F-fritz, mag iingat ka po." ulit na saad ko dito at tuluyan na siyang umalis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD