Chapter 11 -Justice For Myself

2155 Words
Chapter 11 -Justice For Myself Hinayaan ko muna na makapag-pahinga ng ilang araw si Mrs. Pilar gayun din si G. Hindi man nasugatan ng malala ang ginang bukod sa gasgas sa mga pulso nito dahil sa pagkakagapos sa kanya ay malaki naman ang naging epekto ng pagkamatay ni Brendan sa kanya. Ilang araw rin siyang nagkulong lamang sa sariling kwarto at nagluksa ng tahimik. Dumating rin ang dalawa pa nitong anak na dumamay sa kanya. Matapos ang ilang araw na pahinga ni G ay nagpaalam na kami sa ginang. Nag-offer man ito sa amin na maging permanent na bodyguard niya na tatapatan niya ng malaking sahod ay tinanggihan namin.  Kung ng umalis kami ng BRICA na walang kagalus-galos ay nagbalik kami ng sugatan. Pero kahit pa ganun ay masaya ako dahil nagtagumpay kami ni G sa assignment namin. Pagpasok ng kwarto namin ay kanya-kanya kami ng tulog upang makabawi sa haba ng byahe. Kinabukasan ay maaga akong pinatawag ni Big Boss sa office nito. “Have a seat, D. Kamusta na ang lagay mo?” “Maayos-ayos na, Big Boss.”  “How about G? How is he doing?”  “May schedule siya sa company doctor natin this morning kaya mamaya na lang daw siya dadaan dito after. Mukhang maayos na naman ang condition niya, aside from his wounds ay mukhang in great condition naman siya mentally.”  “I am so proud of what you have accomplished, D. Muli ay pinatunayan mo na ikaw pa rin ang top rank ng BRICA.” kinuha nito mula sa drawer ang dalawang black envelop na pinag-taka ko. Usually kapag dalawa kasi ang envelop na inaabot ni Big Boss ay either bonus ang isa or separation pay bagay na alam kong hindi para sa akin. Lumagpas kasi kami ni G sa mission due date namin kaya alam ko na wala akong bonus na matatanggap. Bonuses are given to agents who finished the assignments before the given period of time. Inabot niya sa akin ang dalawang envelop. “Maybe you are wondering now why dalawa ang natanggap mo, D.”  “Kaya nga Big Boss. Alam ko kasi na hindi namin natapos ang mission on the date you have told us ni G.” ngumiti ito sa akin saka sumandal. “Governor Montefalcon sent that to you. Hindi nyo raw kasi tinanggap ang alok niya to personally be her permanent bodyguard maging ang pera na binigay niya sa inyo. Meron rin si G na para sa kanya. It is her way of saying thank you for saving her life.” tumango-tango ako.  “Hindi na sana siya nag-abala pa. Trabaho namin ang protektahan siya.” She just shrugs her shoulders before opening another drawer and pulling out a folder na alam ko kung ano.  Dito sa BRICA, kapag black envelop ang natanggap mo ay pera ang laman nun pero kapag folder naman ay trabaho. Alanganin ako na kunin ang folder na inabot ni Big Boss sa akin. Actually ay sinabi ko na sa sarili ko na habang nasa Oriental Mindoro ako na hindi muna ako tatanggap ng panibagong mission. I wanted to hunt down Hector De Silva at hindi ko magagawa yun kung muli akong sasabak sa panibagong mission.  “It’s just a two month assignment, D. Solo ka na this time dahil kagaya ng sinabi ko sayo before, isang beses mo lang makakasama si G sa mission just to guide him further. So this time, you will be working on your own.” binuksan ko ang folder at pinasadahan ang profile ng bagong assignment ko. “Your mission is to protect the Vice-President of the country, D. He will out of the country for 2 months at kailangan niya ng magaling na security. Ikaw personally ang requested niya which he called just days ago matapos niyang mabalitan ang ginawa mong pagliligtas sa Governor ng Oriental Mindoro. Malaki ang ibibigay ng Vice-President sayo, D. Bukod pa sa bonus na matatanggap mo once you have accomplished this mission ahead of schedule.” tumingin ako sa kanya bago muling tiningnan ang nilalaman ng folder.  Kung tutuusin ay pabor sa akin ang mission na ito. Two months lang ang trabaho ko, solo ko pa, malaki pa ang halaga na makukuha ko as stated here inside the folder at pwedeng-pwede ko pang puntahan si Jewel sa kanila dahil malapit lang ang location ng pupuntahan ng Vice-President sa location niya. Pero kapag tinanggap ko ito, mapu-purnada na naman ang mission ko sa sarili ko na plano ko na sanang simulan.  “Can I think about this first, Big Boss.” biglang umarko ang isang kilay niya saka tumingin sa akin na puno ng pagtataka. Never ko pang sinabi ang salitang ito kay Big Boss. Lahat ng mission na binigay niya sa akin in the past ay tinanggap kong lahat even if how dangerous it was. Wala akong pinag-isipan at wala akong hinindian. Ngayon lang.  “Why?” huminga muna ako ng malalim bago nilapag ang folder sa ibabaw ng table niya at sumandal.  “I need to look for someone who is connected to my past, Big Boss.”  “Are you pertaining to J?”  “Hindi.”  “Then who are you pertaining to then?” kunot noo pa rin na tanong niya.  “Hector. Hector De Silva.” napatitig siya sa akin with curiosity and confusion.  “Hector De Silva? Correct me if I am wrong but was he the one na kaaway ng dating assignment mo. The person who was into illegal gambling and a member of a certain organization at the black market? Siya ba nag Hector De Silva na tinutukoy mo, D?”  “Yes. Siya nga.” hindi siya sumagot na tila ba nag-iisip before uttering another word. “Is this for revenge, D?” ako naman ang hindi nakasagot sa sinabi niya. Huminga siya ng malalim saka umayos ng upo and lean her elbows on top of her table. “Revenge will do you no good, D. Ilang agents na ang gumawa ng ganyan but only few have survived. Baka this time hindi ka na makaligtas pa.”  “I am willing to take that chance makamit ko lang ang justice for myself.” I heard her sigh deeply again.  “Learn to forgive and forget, D. Ako na ang nagsasabi sayo na walang magandang patutunguhan ang gagawin mo. Why not just go on with your life? You should be thankful at buhay ka pa, na nagkaroon ka ulit ng second chance to live. Don’t waste that chance by indulging in that same situation and with that same person all over again. You might regret it if ever na mabigo ka ulit and worse ay mamatay ka na this time.”  Hindi ko minasama ang mga sinabi ni Big Boss. She is like a sister to me already, pamilya na ang turing ko sa kanya. At kagaya ng isang pamilya, alam niya ang personal na buhay ko. Kaya hindi na ako nagtataka kung bakit nasabi niya ang mga bagay na ito sa akin dahil alam niya ang buhay ko noon at ang lahat ng mga pinagdaanan ko na.  “I need to do this for myself, Big Boss. I need this to give justice to what I have become. Kailangan ko itong gawin para maka-move on na ako sa buhay ko ngayon na hindi ko deserve at hindi ko ginusto.” I can feel my emotion stirring up all over again.  Kapag ganitong naaalala ko ang mga nangyari sa akin ay hindi ko maiwasan na maging emotional dahil malaking bahagi ng puso ko ang nawala sa akin ng dahil lang sa ginawa ni Hector sa akin. Kailangan ko itong gawin sooner or later dahil baka ito lang ang paraan para tuluyan na akong makalimot sa mga nangyari sa akin at sa pag-ibig na nawala sa akin.  “Ang sa akin lang ay walang magandang patutunguhan ang paghihiganti lalo pa kung wala rin naman solidong dahilan upang gawin pa ito. Ano pa ba ang pinaglalaban mo, Dave? Si Jewel ba?” pumatak ang isang luha sa aking mata. Masakit pa rin sa akin ang kinalabasan ng love story namin ni Jewel. Hanggang ngayon ay pilit ko itong tinanggap pero alam ko sa sarili ko na hindi ganun kadali na gawin ito at mahirap na gawin ang bagay na yun. “Move on, Dave. You need to move on dahil kahit anong gawin mo at kahit anong pilit mo, we both know that Jewel is not yours anymore.” mabilis kong pinahid ang luhang muling tumulo sa pisngi ko.  “Alam ko naman yun. Alam ko yun dahil ikakasal na si Jewel kay Cale.”  “Yun naman pala eh. So why bother to dig into the past? Why bother yourself in opening those wounds again na alam mo naman na masasaktan at masasaktan ka lang ulit?” umiling ako dahil alam ko na tama siya.  Tama lahat ng sinabi niya. Hindi ko na kailangan pa na balikan ang nakaraan ko kung saan ay naging dahilan kung bakit nawala sa akin ang babaeng pinakamamahal ko at hindi ko siya kapiling ngayon. Wala ng dahilan pa para gawin ko yun dahil kahit ano pa ang gawin ko at kahit ilang Hector De Silva pa ang patayin ko, hinding-hindi ko na maibabalik pa si Jewel sa akin. Pag-aari na siya ng iba at kailanman ay hindi na siya magiging akin. But I need this for myself. Alam ko sa sarili ko na kailangan ko itong gawin para sa ikakatahimik ng loob ko. Kailangan ko itong gawin para maputol ko ang kasamaan ni Hector na hindi ko nagawa noon. Kailangan ko itong gawin hindi para sa ibang tao, kung hindi para sa sarili ko naman. I need justice for myself, I want justice for myself.  — Malakas kong hinagis ang remote control ng tv matapos kong mapanood ang latest news. The newly elected Governor of Oriental Mindoro got saved by two brave agents sa kamay ng sariling anak nito. Paulit-ulit na rumerehistro sa utak ko ang mukha ng isang agent na nagligtas kay Pilar Montefalcon. I know I have seen him somewhere, I knew that face. Kung tama ang pagkaka-alala ko at hindi pa kinakalawang ang memorya ko, siya ang lalaking akala ko ay napatay na noon ng mga tauhan ko sa Laguna. Siya ang matapang na agent na sumugod mag-isa sa kabila ng dose-dosenang tauhan ko na armadong lahat. Bilib sana ako sa husay ng isang yun ang kaso ay hindi niya ako basta maiisahan dahil mautak pa ako sa mautak at hindi ako basta mai-isahan ng sino man.  “Buhay ka pa pala, bata. Akalain mo nga naman. May sa-pusa ka yata at nabuhay ka pa. Malakas ka yata sa itaas at binuhay ka pa.” hinawakan ko ang peklat sa kaliwang pisngi ko. Sa lalim ng sugat nito ay hindi na ito nawala pa sa mukha ko kahit sa paglipas ng panahon. Pwede ko naman itong ipa-plastic surgery pero maraming nagsasabi na bagay daw ang peklat sa personalidad ko dahil mas kinatukan ako ng marami at nagkaroon ako ng trademark ng dahil sa peklat kong ito.  “Boss.” napatingin ako sa tumawag sa akin. “Nakahanda na ang van. Naghihintay narin ang mga kausap mo sa organization.” sumenyas lang ako saka lumayo na ito. Palabas na ako ng pinto ng muling may tumawag sa akin. “Dad.” mabilis akong napangiti ng makita ko ang nag-iisang anak ko. “Aalis ka, Dad?”  “Yes, Anak. May kakausapin lang ako mga business partners kaya lalabas muna ako. Why?”  “Wala naman. By the way, I’ll be out later.”  “May kasama ka ba?”  “Just myself. Mag-stroll lang ako sa Mall.”  “Bring a bodyguard with you. Mahirap na.” sumimangot ito bigla na kinahalakhak ko. My daughter doesn’t want someone tailing on her pero hindi pwede ang gusto niya. Kahit pa adult na siya ay ako pa rin ang masusunod dahil nakatira pa rin siya sa pamamahay ko. Sa mundo na ginagalawan ko, marami akong tao na nakakabangga at marami-rami rin ang may galit sa akin. So I can’t be complacent that I am always safe even if I have hundreds of men who will fight for me until the very end. Lalong-lalo na hindi ko pwedeng isugal ang kaligtasan ng anak ko kaya ganito ako ka-protective sa kanya. “But Dad…”  “No buts, Tamara. Alam mo naman na maraming may galit sa Daddy mo and I don’t want to risk your safety.” nagpakawala siya ng malalim na buntong hininga.  “Alright.” niyakap ko siya saka hinalikan ang buhok.  “That’s my girl. Sige na, Daddy has to go now. Kanina pa daw naghihintay sa akin ang mga kausap ko.”  “Okay. Bye Dad. Take care.” yumakap rin siya sa akin.  “I will, Anak.” I smiled before leaving her behind.  —--’--,-’-{@ 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD