Chapter 10 -Promise To Let You Live

2055 Words
Chapter 10 -Promise To Let You Live Nagtago muna kami sa mga halaman sa labas ng gate. May ilang tauhan si Brendan sa labas na nagbabantay sa paligid. Alam ko na anytime na makarinig ng ingay ang mga ito ay hindi ito mangingiming magpaputok kaya sinenyasan ko ang partner ko, knowing that he doesn’t carry with him any weapons that will not create noise, to stay low at ako na ang bahala sa mga bantay. Good thing I am always ready with this kind of situation, from my years of assignments and experience. Lumayo ako ng konti kay G at saka kumuha ng tatlong throwing knives. I swiftly throw one knife sa nakabantay na nasa gilid ng bahay. The object went straight to his chest that immediately led him to the grass writhing. “Ayos.” bulong ni G that made me shake my head. I scan the area for my next target. Ang isang tauhan ni Brendan ay nakapwesto sa may garage, malapit sa sasakyan na sinakyan nila habang ang dalawa pa ay nasa bandang pinto naman. I signaled G to keep quiet before throwing another knife sa nakatayo malapit sa sasakyan. He immediately fell as the knife hit his head pero lumikha ito ng konting ingay ng bumangga ang katawan nito sa gilid ng sasakyan thus alerting the other two guards at the door. Mabilis na nagtungo ang dalawang bantay kaya mabilis ko rin kinuha ang isang baril ni Jewel na naka-silencer sa holster ko saka matulin na tumakbo patungo sa gate. Nakita nila ako. Pero bago pa man sila makapag-paputok ay nauna ng tumama ang tig-isang bala sa mga ulo nila. Pagbalik ko ng tingin kay G ay ngiting-ngiti ito at pumalakpak pa ng walang tunog. Naglakad ito palapit sa akin saka malakas pang tinapik ang braso ko kung saan ay tinamaan ako kanina ng bala. “Shit.” I murmured in pain and looked straight at him with fierceness. “Ay sorry, D. May tama ka nga pala jan. Sensya na. Kung kumilos ka kasi ay parang wala kang kagalus-galos eh. Ayan tuloy, nakalimutan ko na may tama ka pala ng bala kanina.” Prang gusto ko na talagang bigyan ng isa ang bagito na ito. Kung wala lang talaga kami sa sitwasyon na ito ngayon ay patutulugin ko ito ng suntok at sipa. “Umayos ka kung hindi ay hindi kita isasama sa loob at lamukin ka ditong gago ka.” mahina na angil ko sa kanya bago huminga ng malalim. “Sorry na talaga, D. Na-excite lang ako kasi ngayon lang kita nakitang parang action star sa isang pelikula eh. First time ito tapos idol pa kita kaya excited lang talaga ako. Promise, hindi na mauulit.” tinitigan ko muna siya ng masama bago muling huminga ng malalim. Hindi biro ang tapik niya sa braso ko na tinamaan ng bala dahil muling umagos ang dugo mula dito. “Promise. Pagkatapos natin dito ako mismo ang gagamot ng mga sugat mo. Sorry na talaga, D. Hindi na ako uulit, promise peksman. Mamatay man silang lahat sa loob pwera si Madam Pilar at tayo.” napa-iling na lang ako. “Tara na nga sa loob at baka ikaw pa ang patayin ko dito kapag na-bwisit mo ako ng husto.” nauna na akong pumasok sa gate. Bago pa kami makarating sa may pinto ng bahay ay sumenyas ako kay G na sa kanang bahagi siya dumaan at ako naman sa kaliwa. Hindi ako tanga para sa unahan pumasok knowing that we are not a welcome guest. We will just alarm anyone inside those doors kung dun kami papasok ni G. Mabuti sana kung wala kaming buhay na kailangan iligtas, ang kaso ay meron. While walking at the left side of the house ay naging alerto pa rin ako dahil baka may bigla na lang bumulaga sa akin. Maliwanag ang loob ng bahay at wala itong kahit anong tabing kaya kitang-kita ang mga nasa loob. Sa sala ay may tatlong tauhan si Brendan na nakaupo sa sofa habang nag-iinom. Nilampasan ko sila, ducking at the window so they won’t notice me. Nahagip ang mata ko si G na sumilip sa bintana at tumango pa sa akin. Ang sumunod na bintana ay walang tao pero buhay ang ilaw. Sa huling bintana ay nakita ko si Mrs. Pilar na nakaupo at nakagapos ang mga kamay sa likuran ng upuan. May takip ito sa bibig pero malaya itong nakakakita na ngayon ay nakatingin sa unahan niya. I sneak to get to the other side of the window para makita ko kung sinu-sino ang nasa loob ng kwarto. And just as I have suspected, Si Brendan ang tinitingnan ni Mrs. Pilar while it is seated at a single seater sofa and drinking liquor. May sinasabi ito na hindi ko matukoy kung para ba sa dating unang ginang o sa dalawa pa nitong tauhan na nasa loob rin ng kwarto. Iniwan ko muna sila at tinungo pa ang likuran. Just to check if there is a door where I can enter. Pero naikot ko na lang ang labas ng bahay ay walang pinto akong nakita kung hindi ang unahang pinto. Inabutan ko si G na nakasandal sa dingding sa gilid ng unang bintana. Nang makita niya ako ay walang ingay siya na lumapit sa akin. “Walang ibang pasukan na pwede tayong pumasok. Only at the front door.” pag-inform ko sa kanya. “Nasa dulong kwarto sila Mrs. Pilar kasama si Brendan at dalawa pa nitong tauhan. Bukod sa tatlo na nasa sala, hindi ko lang alam kung ilan pa ang nasa loob ng bahay.” “So anong plano? Sa unahan tayo papasok?” “Wala naman ibang pagpipilian. Naka-silencer ba ang baril mo?” kinuha niya ang isang baril mula sa holster niya at pinakita sa akin. “Ito lang ang naka-silencer.” tumango ako. “Ayos na yan. Ikaw ang bahala sa pinto at ako ng bahala sa tatlong nasa sala.” tumango siya. Mabilis kami na bumalik sa unahan. Magkabilang kamay ko ay may hawak na baril, parehong baril ni Jewel na may silencer. Nang sumenyas ako kay G ay malakas niyang tinadyakan ang pinto. Pero napa-ngiwi ako kasabay ng mahinang pagmumura ng hindi man lang bumukas ang pinto. Dahil sa ginawa niya ay sigurado na naalarma na ang nasa loob kaya malakas kong tinadyakan ang pinto saka gumulong papasok sa loob. Umuulan ang putok ng baril mula sa magkabilang panig ng bahay. Hindi ko na pinakialaman ang nasa bandang kaliwala, bahala na si G dun. Paghinto ng katawan ko sa sahig ay mabilis kong inasinta ang tatlong kalaban. Sunod-sunod ko silang pinaputukan. First three shots landed at their lower bodies dahil narin sa position ko. Kaya mabilis akong tumayo saka muling nagpaputok. After not more than 5 seconds, all three scumbags are bathing with their own blood on the floor. “Tangina!” mabilis akong napa-tingin kay G. Nakaluhod siya at may dugong dumadaloy mula sa ibaba ng kanang balikat niya. May ilang kalaban pa na bumaba ng hagdan, lahat ay nakatutok ang baril kay G. Alam ko na nasa alanganin na sitwasyon si G dahil nabitawan niya ang armas niya. Nang magpaputok sila ay agad kong tinalon si G at dahil sa marmol ang sahig ay dumausdos kami papunta sa sulok. While we are sliding ay nakatutok ang baril ko sa kalaban habang hawak-hawak ni G ang kanyang ulo to prevent his head from hurting. I fired random shots but with precision. Paghinto namin sa kanto ay kasabay nito ang pagtahimik ng paligid namin. Sabay pa kaming napatingin sa paanan ng hagdan kung saan may apat na lalaking bulagta at duguan. Dinig ko ang malalim na buntong hininga ni G. “Salamat D. Sinagip mo ako.” “Mamaya ka na magpasalamat.” nilagay ko sa tiyan niya ang isang baril na hawak ko saka mabilis na tumayo. “Huwag kang umalis jan! Baka may makalusot pa ay barilin mo kaagad sa ulo!” saka ako mabilis na tumakbo papunta sa dulong kwarto kung saan ay nandoon sila Brendan at si Mrs. Pilar. Pagbukas ko ng pinto, na-tuon agad ang mga mata ko kay Mrs. Pilar na ngayon ay nakatayo na habang nasa likuran nito si Brendan na may hawak na baril at nakatutok sa sentido ng ginang. Bago pa ako maka-hakbang papasok ay may sumipa sa kamay ko dahilan upang mabitawan ko ang baril na hawak ko. Pagharap ko sa aking gilid ay isang malakas na suntok ang tumama sa mukha ko that made me fall on the floor. I immediately taste blood at the side of my lips. Pero bago pa makakilos ang sumuntok sa akin at dalawa pa nitong kasama ay tatlong putok ng baril mula sa labas ang agad na nagpatumba sa kanila. Paglingon ko sa pinto ay nakita ko si G na nakatutok ang baril sa direksyon ni Brendan. “GO AHEAD! SHOOT ME IF YOU CAN ASSHOLE!” matapang na sigaw ni Brendan saka mas diniin ang bibig ng baril sa ulo ni Mrs. Pilar. Kahit masakit ang panga ko ay pinilit ko pa rin tumayo saka sinalo ang baril na iniwan ko kay G ng ihagis niya ito sa akin. “You are outnumbered, Brendan! Kung ako sayo ay pakawalan mo na ang mother mo so you won’t get hurt!” “I MAY BE OUTNUMBERED PERO HINDI HAMAK NA LAMANG NA LAMANG PA RIN AKO SA INYO!” “Huwag kang duwag, Brendan! Huwag kang magtago sa saya ng nanay mo!” matapang rin na sagot ni G. Tiningnan ko si Mrs. Pilar, umiiyak siya pero walang mababakas na takot sa mga mata niya. Sadyang matapang ang ginang kaya mas lalo akong nagkaroon ng pagnanasa na iligtas siya dahil sayang lang ang katapangan niya kung mapupunta lang sa wala ang lahat. “SINO ANG DUWAG!” nabigla ako ng basta na lang tumumba si G sa sahig. Pinaputukan siya ni Brendan sa may bandang tagiliran. My jaw muscles flexed as I saw my partner contorting his body in pain as blood continued to flow out from his body. “Pakawalan mo na si Mrs. Pilar, Brendan. I promise, I will let you live. Hahayaan kitang mabuhay sa loob ng kulungan for you to pay the price of what you’ve committed. Let the Governor go and I promise to let you live.” “HAHAHAHAHA! AHAHAHAHAHA! DO YOU THINK I AM FOOLISH ENOUGH TO BELIEVE YOU? HUH D! WELL HERE’S THE f*****g GREAT NEWS! f**k YOU TO DEATH! BARILIN MO NA AKO KUNG GUSTO MO! BUT I WILL MAKE SURE THAT THIS OLD WOMAN DIES WITH ME!” Mrs. Pilar closed her eyes and took a deep breath before nodding. I think she’s telling me to shoot Brendan regardless of whatever will happen to her. I grind my teeth before shutting my right eye close and aim my gun at Brendan’s head. “GO AHEAD ASSHOLE! SHOOT…” I pulled the trigger that hit the center of his forehead and landed him stone cold on the solid surface. Hindi makapaniwala na tumingin si Mrs. Pilar kay Brendan habang patuloy na tumutulo ang mga luha nito. Mabilis ko siyang nilapitan saka inalis ang gapos ng mga kamay niya. When she is free ay mabilis niyang inalis ang takip sa bibig niya saka patakbo na nilapitan si Brendan. “BRENDAN! BRENDAN ANAK!” humagulgol siya ng iyak habang yakap-yakap ang wala ng buhay na anak. “YOU SHOULDN’T HAVE DONE WHAT YOU DID! HINDI MO NA SANA GINAWA ANG MGA ITO PARA HINDI KA NAWALA SA AKIN BRENDAN!” I looked away dahil hindi kaya ng dibdib ko ang nasaksihan ko ngayon. Sa kabila ng kasamaan ng ugali ni Brendan at karahasan na ginawa niya sa kinilalang ina ay nakuha pa rin ng ginang na mahalin ito ng lubos. Sadyang kahanga-hanga ang pagmamahal niya sa lalaki kahit pa muntik na siyang patayin nito. Nilapitan ko si G na nakahiga pa rin sa sahig habang hawak-hawak ang tagiliran nito na dumudugo pa rin. Pagtingin niya sa akin ay inangat niya pa ang isang kamay niya at nag-thumbs up pa sa akin kahit hindi maipinta ang kanyang mukha. “Kaya pa, bagito?” “Kayang-kaya pa, Legend. Malayo pa sa puso, mabubuhay pa ako.” natawa ako sa sinagot niya saka siya inalalayan na makatayo. —---’--,-’-{@
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD